#1 Pinaka Sanhi ng mabilis na Pagtanda

Medical Team
is a Medical expert in United States

Lahat ay tumatanda, pero dahil sa modernong siyensiya, napagalaman na may mga ginagawa pala tayo na napapabilis ang pagtanda. Kapag alam natin ito, imbis na magmukhang gurang na, baka magtaka at sabihin ng ka-batch mo: ‘Wow, mukhang di ka ata tumatanda ah!’

Narito ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagtanda simula sa panlima hanggang sa pinaka-una:
 
5. Sobrang Stress – Ang madalas at palagiang stress ay nakakatanda ng itsura at maaaring makasanhi rin ng mga sakit tulad ng sakit sa puso at cancer. Base sa mga eksperto, nakaka-iksi din ito ng buhay na mahalagang parte ng DNA na tinatawag na telomeres. Pag napapaiksi ang buhay ng telomeres, tumatanda rin tayo ng mabilis at nagkaka-panganib na magka-cancer.
 
4. Alak – Nakakatuyo o dehydrate ng balat ang alak at nakakasanhi rin ito ng pamamaga ng katawan, na nakakatanda ng balat, ayon sa mga eksperto. Kapag madalas ka uminom ng alak, maaaring mapansin na mas madaming kulubot ang mukha at pagmamanas. Para mapanatiling mukang bata, uminom ng katamtaman, mga di lalagpas ng 1 shot ng hard o 2 boteng beer sa isang araw.
 
3. Kulang sa tulog
Kapag kulang sa tulog, malaki ang tsansang mawalan ng kinang ang balat. Ayon sa mga eksperto, ang mga babaeng mas masarap at mahaba ang tulog ay mas mayroong magandang kutis at pag kulubot ng muka, kaysa sa mga babaeng kulang sa tulog. Ayon din sa mga eksperto, mabuting matulog ng di bababa sa 8-9 na oras kada araw.
 
2. Di paggamit ng Sunscreen
Nakakasira ng balat ang sobrang matagal nakabilad sa araw, at nakakatanda rin ito, na tinatawag na photoaging. Habang tumatagal, nagkakaroon ng sun spots at pekas ang muka, at lumalaylay din ang balat. Pumili ng sunscreen na di bababa sa 30 SPF na prumoprotekta sa UV-A at UV-B light.
Meron namang mga murang sunscreen, o kung walang budget, iwasan magbilad sa araw, o maaari ring gumamit ng katas ng dahon ng aloe vera para mabawasan ang pamamaga ng balat dulot ng sunburn.
 
1.     Sobrang pagkain ng Asukal – Base sa mga pagaaral, ang pagkain ng sobrang asukal o ibang refined carbohydrates ay maaring makapagpabilis ng pagtanda. Di lang yan, nakakataba rin ang asukal at nakakasanhi rin ng sakit sa puso at diabetes. Kapag napasobra ang kain ng asukal, kumakapit ito sa collagen at elastin ng ating kutis, na mahalaga sa pagpapanatiling bakat at sariwa ng balat. Nakakapinsala ng collagen at elastin ang sobrang asukal.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.