3 tanong para matest kung gaano ka katalino o kataas ang IQ mo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Gusto mo ba malaman kung gaano ka katalino? Nasusukat ito sa IQ o Intelligence Quotient test. Ngunit umaabot ng mga 1 hangang 2 oras ang ganitong test.
 
Kaya’t noong taong 2005, may ginawang test na tinatawag na Cognitive Reflection Test na naglalaman lamang ng 3 tanong. Napatunayan na maaaring may ugnayan ang test na ito sa talino ng isang tao.

Isinalin namin sa Tagalog at iniba ng kaunti ang tanong, para mas maintindihan ng pinoy. Narito mga tanong:
Unang tanong:
Ang total price ng isang martilyo at isang pako ay 110 pesos. Mas mahal ang martilyo ng 100 pesos sa pako. Magkano ang martilyo?
 
Pangalawang tanong:
Kung nakakagawa ang 5 makina ng limang donut sa bawat 5 minuto, ilang minuto kelangan para makagawa ng 100 donut ang 100 na makina?
 
Pangatlong tanong:
Sa isang lawa o lake, may mga dahon na dumodoble bawat minuto. Kapag napuno ng dahon ang ibabaw ng lawa sa loob ng 48 minutes, ilang minuto naman noong nangalahati ng dahon ang lawa?
 
Eto mga sagot sa tanong:
1.    105 pesos – Malamang ang sagot mo ay 100 pesos. Pero mali ito, dahil mas mahal ng 100 pesos ang martilyo kesa sa pako. Kaya’t dapat mas malaki sa 100 pesos ang presyo ng martilyo. Ang tamang sagot ay 105 pesos ang martilyo.
Subukan natin kung tama:
Pag 105 ang martilyo, ibig sabihin 5 pesos ang pako. Pag pinagsama mo ang 105 pesos at 5 pesos, mag-to-total ng 110 pesos ang dalawa.
Ganito ang solution sa algebra:
Let x = presyo ng pako
100+x = presyo ng martilyo
x+100+x = 110
2x+100 = 110
2x = 10
x = 5 = presyo ng pako
100+5 = 105 = presyo ng martilyo
 
 
2.     Ang sagot ay 5 minutes pa rin. Dahil nagdagdag ka naman ng katumbas na makina, kaya’t ganun pa rin ang oras na kelangan para makagawa ng 100 donuts. Wala naman epekto ang dami ng kelangan na gawing donut, dahil sabay sabay naman na gagawin ng 100 na makina ang donuts.
3.    Ang sagot ay 47 minutes. Dahil dumodoble ang lawa ng dahon bawat minute. At kung kalahati ng lawa ang puno ng dahon noong 47 minutes, sa sunod na minuto dudoble ito.
 
Nakuha mo ba ang sagot? Kapag nakatama ka ng 2 o 3 sa tanong, ibig sabihin mataas ang IQ mo o above average IQ mo. Kapag 1 ang tama mo, maaaring mataas ng konti ang iyong IQ. Pag wala ka nakuha na tama, mga average lang IQ mo.
 
Syempre may mga limitasyon o pagkukulang din itong test na ito. Halimbawa, may mga na-expose na o nakita na ang ganun klaseng mga tanong dati, kaya’t mas malaki ang tsansa nila na makuha ang sagot. Kaya’t di pwede itong gawing tanging sukatan ng talino ng isang tao.
 
Haigh, Matthew. “Has the Standard Cognitive Reflection Test Become a Victim of Its Own Success?.” Advances in cognitive psychology vol. 12,3 145-149. 30 Sep. 2016, doi:10.5709/acp-0193-5

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.