Pag sinabi bayabas, agad na sumasagi sa atin na mabilis mag-alaga nito, dahil totoo naman talaga.
Masasabi ang bunga ng bayabas ay isa sa napakamasustansyang prutas dahil sa taglay nitong Vit C, potassium, antioxidants, at fiber. Ngunit alam niyo ba na hindi lang ang prutas ang napapakinabangan, kundi pati na din ang dahon nito?
Narito ang ilan sa mga pangunahing benepisyo ng dahon ng bayabas na ayon sa mga matatanda ay epektibo sa kanila.
Bago ang lahat tandaan na siguraduhin na nalinisan ng mabuti ang dahon bago ilaga. 10 piraso dahon sa 1 tasang tubig:
1. Pampababa ng sugar sa katawan- Ayon sa matatanda, mabisa ang pag-inom ng tsaa ng bayabas sa mga may diabetes dahil may taglay itong polyphenols kung saan nababawasan nito na magsipsip ang katawan ng carbohydrates sa kinakain. Kaya mainam na uminom nito pagkatapos kumain.
2. Pampalusog ng puso - Naniniwala ang mga matatanda at ayon na din sa research study na ang mataas na level ng antioxidants at vitamins ay nakakatulong upang protektahan ang puso sa mga free radicals na nasa loob ng ating katawan. Nakakatulong din ang mataas na antas ng potassium at soluble fiber nito.
3. Panlaban sa Cancer - Hindi lamang ito paniniwala ng matatanda kundi ito ay napatunayan na din ng mga eksperto na nakakatulong ito upang labanan ang cancer cells, hindi lang nito nilalabanan kundi pinupuksa din. Dahil sa mataas na level at powerful na antioxidants, kaya nitong labanan ang mga free radicals na sumisira sa cells na isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng cancer.
4. Gamot sa Nagtatae - Ayon sa eskperto mayroon taglay ang dahon ng bayabas na tsaa na panlaban sa nagtatae. Lalo na napatunayan ng mga scientist na kapag ang sanhi ng pagtatae ay infection, mabilis nalilinis ng dahon tsaa ng bayabas. Inuulit ko po, siguraduhin malinis na ang dahon ng bayabas bago ilaga ha, dahil baka imbes na gagaling eh, lumala pa.
5. Nakakamatay ng mga parasite sa tiyan - Ang dahon ng bayabas ay kilala rin sa kakayahang labanan ang ilang mga parasito. Ang paglaga at pag-inom ng katas ng dahon ng bayabas ay maaaring makatulong sa pagtanggal o pagkontrol sa mga parasitong sanhi ng mga sakit tulad ng giardiasis at bulate sa tiyan.
Mahalagang maging maingat at kumunsulta sa doktor bago simulan ang anumang uri ng paggamit o pag-inom ng katas na galing sa dahon ng bayabas.
5 Epektibong Gamot ng Dahon ng Bayabas Ayon sa mga Matatanda
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.