5 Maling Akala na Nakakamatay

Medical Team
is a Medical expert in United States

Base sa mga siyentipiko, merong mga ugali at maling akala na palihim tayong pinapatay ng paunti-unti. Baka binabalaewala na lang natin ang mga ito, dahil ika nga ng iba ay ‘malayo naman yan sa bituka e’. Pero di natin alam na sa katagalan, maaaring ikamatay natin mga ito. Narito ang 5 maling akala na maaaring nakakamatay:

1.     Nagbabalut ng kumot pag may lagnat – Uso sa mga pinoy, lalo na sa probinsiya, na ibalot ang sarili pag may lagnat, para pagpawisan. Sabi daw kasi ng mga matanda, para di mahamog. Ngunit base sa mga siyentipiko at doctor, maaaring makataas lalo ng lagnat ang pagbalot ng kumot o makapal na damit, dahil di nakakasingaw ang init sa katawan. Mas mabuti raw na wag makapal na damit ang isuot at magpalit ng damit kapag basa sa pawis. Pagkatapos, magpunas ng malamig na bimpo o tubig na may yelo sa palanggana. Ipunas ito sa noo, batok at sa mga singit. Nakakapagpababa ito ng temperatura sa katawan, lalo na para maiwasan ang kombulsyon.
 
2.     Pagupo ng pa-ekis o de-kwatro – Maraming magugulat na ang postura ng katawan ay may malaking epekto pala sa ating kalusugan. Halimbawa, base sa ilang siyentipiko, ang madalas na pag-upo ng dekwatro ay maaaring makaipit ng mga ugat sa paa at maaaring makasanhi ng pagtaas ng blood pressure. Sa katagalan, nakaka-stress din ito sa hita at kasukasuan, na maaaring makasanhi ng paghigpit sa sirkulasyon ng daluyan ng dugo sa hita o blood clot. Maaari ring makasanhi ng spinal deformities o pag-kurba ng buto sa likod, tulad ng scoliosis.
 
3.     Malakas na tugtog – Maraming mahilig magpatugtog ng malakas, ng walang konsiderasyon sa kapwa. Pero di natin alam, sarili rin nila ang sinasaktan natin. Dahil di lang nakakasira ng tenga o eardrums at nakakabingi ang malakas na tugtog, kundi maaaring magdulot din ng high blood pressure at sakit sa puso ang palaging pakikinig ng sobrang lakas na tugtog.
 
4.     Pagkain ng sobra processed food at asin – Masarap at malasa mga maalat na pagkain. Ngunit di maganda ito sa katawan, dahil nakakasanhi ang pagkain ng sobrang sodium o asin ng high blood pressure, sakit sa puso at stroke. Di lang mga maaalat na pagkain ang mataas sa asin, kundi marami ring asin ang mga processed foods, kahit di natin ito gaano nalalasahan.
 
5.     Paglipas ng Almusal – Maraming di nagaalmusal dahil nag-da-diet daw. Pero ang paglipas ng breakfast ay maaaring makadulot ng kabaliktaran na epekto. Halimbawa, imbis na pumayat, baka tumaba pa lalo dahil babawiin sa maghapon ang gutom dahil magrerebelde ang katawan. At pag napasobra ng kain, maaaaring magdulot ito ng mataas na blood pressure o altapresyon. Sa isang pagaaral sa Germany noong 2017, maaaring makasanhi ng metabolic impairment ang paglipas ng almusal, na nakakataas ng tsansang magka-Type 2 diabetes.
 
 
Sources/ References:
Nas A, Mirza N, Hägele F, Kahlhöfer J, Keller J, Rising R, Kufer TA, Bosy-Westphal A. Impact of breakfast skipping compared with dinner skipping on regulation of energy balance and metabolic risk. Am J Clin Nutr. 2017 Jun;105(6):1351-1361. doi: 10.3945/ajcn.116.151332. Epub 2017 May 10. PMID: 28490511.
 
Adiyaman A, Tosun N, Elving LD, Deinum J, Lenders JW, Thien T. The effect of crossing legs on blood pressure. Blood Press Monit. 2007 Jun;12(3):189-93. doi: 10.1097/MBP.0b013e3280b083a7. PMID: 17496470.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.