5 Signs na Masama ang Ugali

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kapag gusto mong umasenso, napakamahalagang nakikita mo ang sarili sa mata ng ibang tao. Dahil wala naman taong nabubuhay ng mag-isa. Ika nga sa Ingles: “No man is an island.” Pag palaging negatibo ang paningin ng iba sayo, lalayo rin sayo ang swerte, dahil mahirap lumapit ang grasya kapag nagiisa ka.
At baka di mo alam na ang kilos o ginagawa mo ay nakakaperhwisyo na pala sa kapwa.
Di lang yan, unti-unti rin nakakaapekto ang masamang ugali sa ating buhay na parang sakit, dahil ang kalusugan ng isip ay kasing halaga ng kalusugan ng katawan.
Narito mga senyales na masama ang ugali, para makilala ang sarili:
1.     Malakas ng volume ng phone o boses sa publikong lugar – Halimbawa, naka-on ang speaker ng cellphone sa bus o MRT na napakalas ng volume, na di iniisip kung may ibang maaabalang tao. O kaya ay nagpapatugtog ng napakalakas na sounds sa bahay na walang pakialam kung naririnig na ng mga kapitbahay. Ok lang kung nasa maingay na lugar tulad ng karaoke bar o palengke. Pero may iba na nasa tahimik na restaurant at napakalakas ng boses, na parang sumisigawa na parang walang ibang tao. Ang tawag dito sa Ingles ay ‘Self-entitled’ o iniisip na may karapatan kang gawin kung ano gusto mo, at walang pake ang ibang tao sayo. Di mo iniisip na mahalaga rin na may konsiderasyon sa kapwa. Mura lang naman ang earphones, kaya bat di ito gamitin, imbes na makastorbo sa kapwa?
2.     Tingin mo kaw may-ari ng daan - Kapag naman naglalakad sa daan o mall, ay parang kaw mayari ng daan. Kung isang grupo naman, hinaharang  na ang buong daan, di marunong gumilid sa likod ng kasamahan, para makadaan ang ibang tao. O kaya ay di marunong gumilid at nakatayo lang sa gitna ng daan. Isa rin itong halimbawa ng feeling ‘self entitled’ at may karapatan ka gawin gusto mo, na di iniisip konsiderasyon sa kapwa.
3.     Tingin mo naiinggit lahat ng tao sa iyo – Halimbawa, sinabihan ka ng iyong boss na may mali kang ginawa. Imbes na isipin kung paano ito baguhin, iisipin mo na baka naiingit ang boss mo sayo kasi natatakot siya na baka makuha mo pwesto niya. Ginagawa rin naman ng ibang kasamahan ko yan ah! Bakit di sila ang pagsabihan mo?  
4.     Tingin mo malas ka talaga – Pag palaging nagrereklamo na minamalas ka, maaaring kelangan mo ng ibang perspektibo sa buhay. Minsan di naman dahil sa malas o swerte tayo, kundi kung paano natin harapin ang problema. Tignan ang mga positibong nangyayari at magpasalamat sa mga meron ka. Pag sinanay mo na tignan ang mga positibo sa mundo, mas aakit ka ng mga biyaya, dahil magiiba ang pananaw mo sa buhay at makikita ito ng ibang tao.
5.     Maiksi Pasensya – Ugat ng maraming masamang ugali ang kakulangan ng pasensya. Halimbawa, ang mainitin ng ulo ay kadalasang dulot ng maiksi ang pasensya. Ok lang naman makaramdam ng sama ng loob pag may problema, ngunit kapag napasobra ng reaksyon na di makontrol, maaaring makasama ito sa kalusugan ng katawan at isip.
Kapag naramdaman mong naiinis at galit na galit, huminga muna ng malalim ng ilang beses at mag-pokus sa ibang bagay, para lumamig at para humupa bahagya ang init ng ulo. Halimbawa, maglakad-lakad muna o gumawa muna ng ibang bagay, o kumausap ng ibang tao. Kapag lumamig na ang ulo mo, mas madaling makapag-isip ng magandang solusyon.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)