7 Nakakalosyang na Nakagawian: Nakakatanda sa itsura at nakaka kulubot ng balat at kutis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nagmumuka ka bang mas matanda kaysa sa edad mo? Ang sikreto pampabata ng itsura ay nariyan na mula pa noong dating panahon. Narito ang mga maling nakagawian na di mo alam na nakakalosyang pala:

1. Pag-sipsip sa inumin
Mahilig tayong gumamit ng straw pag umiinom ng iced tea, shake, smoothie o milk tea. Ngunit alam nyo ba na ang madalas na paginom sa straw, katulad ng paninigarilyo ay maaaring makasanhi ng wrinkles o kulubot sa mukha, lalo na sa may banda bibig? Sa katagalan, pag madalas gumamit ng straw, kukulubot ang balat. Pero ok lang naman gumamit ng straw paminsan minsan, basta wag madalas at dahan dahan lang.
 
2. Hindi Pagalaga sa Ngipin – Minsan nakakalimutan natin na para magkaroon ng malusog na pagtunaw ng pagkain o digestive system, kelangan nasa mabuting kalagayan din ang ating ngipin. Siyempre, nakakaganda at nakakabata rin tignan pag naka-ngiti dahil maayos ang ngipin.
 
3. Maling Punda ng unan o Pillow case – Maaaring makalaylay o kulubot ng mukha ang maling klaseng punda ng unan. Lalo na kapag natutulog ka ng nakadapa o nakatagilid, at nakasandal ang mukha sa unan. Ano klaseng pillowcase o punda ang dapat gamitin sa unan? Ito ay ang pillowcase na gawa sa seda o silk, dahil ito ay madulas at di magaspang. Ang problema kasi sa cotton na punda ay di dumudulas sa mukha, kaya’t nagkakamarka ang mukha pagka-gising. Samantala, ang punda na gawa sa silk ay madulas. Base sa isang pagaaral ng mga doktor sa Taiwan, nakakatulong ang punda na gawa sa seda na maiwasan ang pangangati ng balat, tulad ng dermatitis, eczema at psoriasis. Di rin nagsisipsip ng tubig at langis sa mukha ang seda.
 
4. Maling postura
Kapag madalas ka nakaupo sa trabaho, mahalaga na kumportable ang upuan at tama ang postura ng likod. Halimbawa, kapag mababa ang screen ng computer, mahirap maiwasan na hindi yumuko ang ulo at likod. Ganun din ang maling paggamit ng mga gadgets tulad ng smart phones, tablets at laptops. Kung ayaw mo kumuba pag tanda, siguraduhin nasa eye level pag tumitingin sa computer screen o cellphone pag ginagamit. Maigi rin na tumayo tayo madalas at i-exercise ang likod at leeg.
 
5. Hindi pag-protekta ng mata sa araw – Napakamahalaga na maprotektahan ang mata sa araw, kundi maaaring magsanhi ito ng panlalabo ng mata, cataract o pati narin cancer. Importante na magsuot ng sunglasses pag maaaraw, para maprotektahan ang mata sa UV lights. Nakakatanda rin ang hindi pagprotekta sa mata, tulad ng wrinkles sa gilid ng mata.
Pag nag computer naman, tablet, laptop o cellphone ng matagal, magsuot ng anti-blue light glasses na prumoprotekta sa mata na di mapagod mata sa blue rays na nakakasira ng paningin.
 
6. Hindi paginom ng maraming tubig – Kapag gusto natin na malusog ang ating balat at lamang loob, kelangan uminom palagi ng tubig. Hindi kasama ang mga softdrinks o mga maasukal na inumin, dahil maaaring makatanda sa itsura ang pagkain ng maraming asukal.
Nakakatulong din ang tubig para dumulas ang mga kasukasuan at likod, upang mas maliksi kumilos at maiwasan ang arthritis.
 
7. Maraming kinakain tuwing kain – Mahirap pigilan sarili kumain sa handaan o sa mga all-you-can-eat buffet. Ngunit mabuting ingatan na wag mapasobra ang kain. Dahil nakakatanda ang sobrang kain tuwing kakain, dahil nagkakaroon ng hindi pagka-balanse ang ating katawan na nakakasira ng cells ng katawan. Isa pa, pag madalas puno ang tiyan, maaaring makasanhi ng problema sa pagtunaw ng pagkain.
 
Source:
Hung, M. H., Sartika, D., Chang, S. J., Chen, S. J., Wang, C. C., Hung, Y. J., Cherng, J. H., & Chiu, Y. K. (2019). Influence of silk clothing therapy in patients with atopic dermatitis. Dermatology reports, 11(2), 8176. https://doi.org/10.4081/dr.2019.8176

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.