7 Sanhi ng Pasma: Bakit Pasmado ang kamay at paa? Ano dahilan ng Pasma ng katawan?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas pinagsasabihan ng mga nanay ang mga bata na wag magbasa ng kamay pag pagod o pagkatapos maglaro, dahil baka ma-pasma.

Ayon sa paniniwala ng Pilipino, kadalasang nagsisimula ang pasmado sa paghuhugas ng kamay pag pagod. Maaari raw humantong ito sa pagiging pawisin o panginginig ng kamay o pati na rin ang paa. 

Pero base sa siyensiya, ano ano nga kaya ang mga dahilan kung bakit pasmado o nagpapawis at nanginginig ang kamay o paa?
 
Narito iilang kadalasang dahilan ng pagiging pasmado:
 
1. Mababa na Blood sugar o Hypoglycemia - Ang pamamawis at panginginig ay maaaring sintomas na hindi maganda ang blood sugar level ng iyong katawan. Kapag may kakaibang pagbaba nito, bumibilis ang pagtibok ng ating puso, at pinagpapawisan tayo.
 
2. Kabado o nai-i-stress - Marami ang nakakaranas ng pagpapawis at panginginig ng paa at kamay kapag ang isang tao ay nasa hindi komportableng sitwasyon tulad ng pagsusulit, pagsasalita sa harap ng maraming tao, pakikipanayam at madami pang iba. Sa kadahilang ang stress ay nagdudulot ng ‘fight or flight response’ na naglalabas ng stress hormones.

3. Pagkain ng maanghang at paginom ng kape - Mahilig ka bang kumain ng maanghang na pagkain at magkape ng madalas? Ang kape at maanghang na pagkain ay may laman na nakakapagpagising na nagdudulot ng reaksyon sa iyong katawan ng pagpapawis o pasma.
 
4. Paginom ng maraming Alak - ang paginom ng isa o dalawang boteng beer ay sinasabing tama lang sa katawan para maibsan ang matinding pagod sa maghapon. Ngunit pag ito ay madalas at napaparami sa paginom, ang katawan ay umiinit dahil sa alak na nainom. Dahil sa mainit na pakiramdam ng alak, maglalabas ang katawan ng pawis para maibalik ang tamang temperatura ng katawan.

5. Problema sa Thyroid - Ang pagpapawis at panginginig ng kamay at paa ay mga senyales na may problema ang iyong thyroid. Base sa pagaaral ng eksperto, nagsasabing ang hyperthyroidism ay isang karamdaman na umaatake sa iyong mga normal cells na nagdudulot ng mataas na temperatura katulad ng pagkakaroon ng lagnat. Dahil dito, nagpapawis ka para maibalik sa normal ang temperatura ng iyong katawan.

6. Menopause - Ikaw ba ay nagmemenopause o malapit na magmenopause? Ang mainit na pakiramdam at pagpapawis ay maaari ring senyales na malapit ka ng magmenopause. Dahil sa pagbaba ng reproductive hormone, nagdudulot ito ng pagpapawis at mainit na pakiramdam, kaya’t pawisin o pasmado.
 
7. Namana o inherited ‘genes’ - Ayon sa pagaaral ng mga eksperto, maaaring resulta ng problema sa genes na naipasa ng iyong ninuno ang panginginig o pasmado. Dahil ito ay namana, hindi ibig sabihin na wala ng lunas ito. Kumonsulta sa doktor para mabigyan ng payo.


Base sa katutubong paggamot sa Pilipinas mula noong unang panahon, ang ilan ay gumagamit ng coconut oil o ihi ng tao. Ngunit di pa napatunayan ng siyensiya kung epektibo nga ba ito.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.