Ano pwede ikaso sa nakatiwangwang na ginagawang kalye o daan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ang kaunting parte ng aming bahay kasama ng buong fence ay nalaman namin na pa-aari pala ng gobyerno. Ang pader na bakod ay ginawa upang iharang sa tubig dahil ang aming lugar ay mas mababa kumpara sa kabilang lupa. Ang owner ng lupa "another party" sa likod ng aming bahay ay nais gawing access road ang goverment land na ito papunta sa kanilang lupa. Napagkasunduan sa Barangay kaharap ang aming pamilya at ang kabilang partido na aalisin ang bakod upang makapasok ang sasakyan papunta sa kanilang lupa. Napagasunduan din na walang bahay na masisira sa nais nilang gawin na daan. At Ito ay gagawin lamang kapag naisaayos na ang mga nkaharang na poste ng kuryente at linya ng kanilang tubig. Binaggit na din ng Barangay na wala pang pondo ang aming nayon upang sila ay matulungan sa nais nilang gawin na daan. Ngunit pagdaka'y kanilang giniba ang pader ng walang abiso sa my ari ng bahay at walang kasamang taga Barangay. hindi din alam ng Barangay na magcclearing ang kabilang partido ng daan. Ngaun ay nalaman namin na wala pa palang pondo ang kabilang partido at sa pagsasaayos ng daan. Ang planong ito ay iniwan nilang nakatiwangwang. Ang privacy ng mga bahay ay nakasalalay din. Anu po kayang complaint ang maaari naming ihain laban sa kabilang partido?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maari po kayong maghain ng reklamo sa Barangay muna dahil magkapit bahay naman talaga kayo. You can ask for damages kung talagang walang pahintulot sa inyo at dapat ninyong ipatigil kung talagang walang authority ng Barangay Officials or from court na gawin nila ito. Kung private person lang ang gumawa nito liable talaga siya for damages. Pero kung ang pagpapagiba nito ay project ng Barangay dapat may Barangay resolution tungkol dito at dapat bayaran kayo or any cash assistance ibigay dahil sa pagkasira ng property ninyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ang pagnanais na gawing access road ang lupang ito ay sa private person lamang at hindi kasma ang Barangay. Hindi po ito proyekto ng barangay sapagkat wala pang pondong nkalaan dito. Ang alam ko po ay ang Brgy lamang na may utos ng korte ang may karapatang magdemolish ng mga nakatayong istruktura sa lupang pag-aari ng gobyerno. Tama po ba ako? At gagawin lamang ito kung nakakasagabal ang istrukturang nakatayo sa proyektong gagawin, balakid sa kaligtasan at nakadudulot ng pinsala sa kalikasan.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.