Nagtalaga ang KALIBAPI ng 108 kinatawan ng Pambansang Asembleya noong Setyembre 20, 1943. Pinili nito si Aquino bilang tagapagsalita. Inihalal ng Pambansang Asemblea si Laurel bilang pangulo ng bagong tatag na Republika noong Setyembre 25, 1943. Si Laurel ang una at tanging pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Noong Oktubre 14, 1943, pormal na itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Magkasabay ang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas at ang pagluklok ni Laurel bilang pangulo. Ang pagkilos na ito ang nagpabagsak sa administrasyong militar na iniluklok ng mga Hapones sa Pilipinas.
Ang Republika ay hindi kinilala ng Estados Unidos. Ito ay tinukoy bilang isang "puppet government" ni US President Franklin D. Roosevelt. Para sa mga Amerikano, ang Pamahalaang Komonwelt ay nananatiling tunay na pamahalaan ng Pilipinas. Nangako si Roosevelt na ibabalik ang Pilipinas sa ganap na demokrasya at kalayaan.