Ano ang mga salik sa klima sa Pilipinas?

Steph Hadid
is a Student in the Philippines

Ang klima na nararanasan natin sa Pilipinas ay dahilan ng mga salik na nakakaapekto sa klima. Mayroon ang Pilipinas na apat na pangunahing salik ito ang mga sumusunod:
1. Temperatura at Elebasyon - Ang temperatura ay ang antas kung saan mainit o malamig ang kapaligiran. Ang average na temperatura ng Pilipinas sa isang taon ay karaniwang 26.6 degrees Celsius. Ang pinakamalamig na buwan para sa bansa ay karaniwan na tuwing sa buwan Enero, na may mataas na 25.50 degrees Celsius, samantalang ang pinakamainit na buwan ay Mayo, na may mataas na 28.3 degrees Celsius.
Bumababa ang temperatura ng isang lungsod habang tumataas ang elebasyon. Ipinapaliwanag nito kung bakit may malamig na klima ang mga nasa mataas na lugar gaya nalang ng Baguio City.

2. Halumigmig - Ang dami ng tubig sa atmospera ay tinatawag na halumigmig. Ang Pilipinas ay may mahalumigmig na klima. Ang mainit na klima ng bansa at ang mga kalapit na daluyan ng tubig ang dahilan nito. Ang Pilipinas ay karaniwang may mainit, maalab na panahon simula Marso hanggang Mayo.
 
3. Sistema ng Hangin - Sa Pilipinas, ang paggalaw ng hangin ay may epekto sa klima. Ang iba't ibang rehiyon ng mundo ay nakakaranas ng mga pagbabago sa temperatura, na nakakaimpluwensya sa paggalaw ng hangin. Sa Pilipinas, mayroong dalawang magkaibang sistema ng hangin, una ang hilagang-silangan na monsoon na tinatawag din na hanging amihan. Ito ay may malamig pero tuyong hangin at hindi ito masyadong nagpapaulan. Pangalawa ang timog-kanluran monsoon na tinatawag naman na hanging habagat. Ito naman ang nagdadala ng pag-ulan sa Pilipinas, sinisipsip nito ang singaw na dulot ng mainit na temperatura. Ang mga pagbabago sa direksyon ng hangin, lalo na sa Timog at Timog Silangang Asya, ay tinutukoy bilang mga monsoon.
 
4. Distribusyon ng Ulan - Batay sa kung gaano kalakas ang ulan sa iba't ibang rehiyon ng bansa bawat taon, ang Pilipinas ay may apat na iba ibang klima. 965 hanggang 4046mm ng ulan ang karaniwang natatanggap ng Pilipinas bawat taon. Ang posisyon ng mga bundok sa bansa at ang direksyon ng hanging nagdadala ng tubig ay tumutukoy kung gaano kalakas ang pag-ulan sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas.
Sa Pilipinas, ang Southern Cotabato ay nakakaranas ng pinakamababang halaga ng taunang pag-ulan. Ang tatlong pinakasilangang lalawigan ng Pilipinas—Samar, Samar, at Surigao—ay tumatanggap ng pinakamaraming ulan.

About the author

Steph Hadid

Profession: Student
Philippines , NCR , QUEZON CITY

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.