Ano ang teknolohiya noon at ngayon?

Steph Malik
is a Student in the Philippines

Ang sasakyan noon ay ang tinatawag na kalesa na hinihila ng kabayo, na naghahatid sa kanila sa kanilang destinasyon. Nagyon, may mga sasakyan nang hindi na kinakailangan ng drayber para umandar, “high-tech” kung tawagin.
   Dati, ang mga selpon ay mayroon lamang keypad at maliit na screen ngunit habang tumatagal mas nagiging high-tech ang atign henerasyon ang mga selpon ay tinatawag nang “smartphone” at napipindot na ang screen. Ang mga keypad na selpon ay unti-unti nang nawawala dahil sa ating henerasyon.
   Noon black and white na telebisyon ang uso na wala pang kulay ang nakahalo kundi puro itim at puti lang. Walang remote noon kaya iniikot na lang nila ang nasa gilid ng telebisyon para pumili ng channel at pagpili ng volume. Ngayon ay mayroon nang tinatawag na “flat screen tv” at iba iba na ang laki mayroon na ding remote para kahit nasa malayo ka ay malilipat mo. May iba na ding telebisyon ngayon na “touch screen” kung tawagin. 
   Sa kompyuter, dati ang ginagamit lamang nila ay mga typewriter na ginagamit para mag-encode ng mahahalagang dokumento. Isang beses ka lamang magkamali ay uulitin mo mula sa umpisa at aksaya sa papel. Ngayon, mayroon nang laptop at kompyuter na may mga screen at madami kang magagawa hindi lang ang mag-type. Pwede mo na rin ito ikonekta sa mga internet. 
   Ang kamera dati ay mga malalabo at kodak lamang, walang mga filter at tanging mga litrato lamang na simple. Ngunit ngayon, mayroon nang DSLR at kumukuha ng 4k resolusyon na mga kuha kahit sa bidyo.
   Noon ay mahirap kumonekta lalo na kung nasa malayo ang iyong minamahal, dahil liham at telegrama lang ang tanging paraan ng komunikasyon. Noong unang panahon, ang kanilang sulat ay hindi nakarating sa gustong tatanggap, at ang iyong mensahe ay dapat na maigsi dahil ang pagsulat ng isang malaking bilang ng mga salita ay maaaring magastos ng malaking pera. Sa pagpapakilala ng mga bagong application, ang pagpapadala at pagbabasa ng mga mensahe ay hindi kailanman naging mas madali. Sa pag-unlad ng teknolohiya, umuusbong ang bagong henerasyon ng facebook, twitter, messengr, video call, at skype users, nagpapadala ng mga mensahe at sinusubaybayan ang kanilang mga mahal sa buhay.
   Ang mga kabataan noon ay ibang iba sa mga kabataan ngayon. Noon, naghahanap sila ng kalaro sa labas ng kanilang bahay lalaruin ang mga nais nila at naiisip gamit lamang ang mga dahon, lata, at iba pang mga gamit na makikita lang sa labas ng kanilang bahay. Ngayon ay ibang iba na, ang mga bata ay nakatutok nalang sa kanilang mga selpon at naglalaro ng mga video games. Kaya karamihan sa mga bata ngayon ay hindi nasusulit ang kanilang pagkabata at sira na ang kanilang mga bata bata pa lamang. 
   Pagkatapos ng 30 taon, ang ating mundo ay kapansin-pansing nagbago. Bilang resulta ng mga pagsulong ng teknolohiya, marami ang natakpan, nasira, at nawala. Marahil ay lilitaw ang mga karagdagang bagong teknolohiya sa hinaharap; maaari tayong maging maingat at huwag maling gamitin ang kanilang paggamit. Hinding-hindi natin malilimutan na may mga susunod pang henerasyon.

About the author

Steph Malik

Profession: Student
Philippines , NCR , QUEZON CITY
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)