Ano ang Kahulugan ng Demonyo o Diyablo sa Panaginip? Masamang Ispiritu Masamang Nilalang Maitim budhi

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Ang demonyo o diyablo ay isang negatibong ispirito. Ito na siguro ang elemento o panaginip na ayaw nating maranasan. Ngunit ang isang panaginip ay hindi natin kayang iwasan. Tunay ngang nakakatakot at nakakapanindig balahibo. Ito ang mga halimbawa, mensahe o kahulugan nito:
 
1. Ang mapanaginipan ang demonyo (Para sa lalake)
Kung ikaw ay lalaki at nakapanaginip ka ng diyablo, ang mensaheng dala nito ay kailangan mong maging makapangyarihan at mapanghikayat. Sinasabing ikaw ay mahina at nahihirapan kang harapin ang ibang aspeto ng iyong buhay. Kailangan mo ng lakas ng loob at tapang upang mapaglabanan mo ito. Ikaw marahil ay may iniibig o crush at dahil ikaw ay mahiyain at natatakot na matanggihan itatago mo na lamang ito sa iyong sarili at walang gagawing aksyon.
 
2. Ang mapanaginipan ang demonyo (Babae) - kung ikaw ay may kabiyak, ikaw ay may problema o conflict sa iyong asawa na nahihirapang solusyunan. At sa magkasintahan, ikaw ay sunod sunuran at pasan mo ang lahat sa inyong relasyon.
 
3. Ang diyablong naging tao - ito ay simbolo ng iyong saloobin at sariling ambisyon. Ito ay ang tinatago mong karakter o personalidad na gagawin mo ang lahat upang hindi malaman ng iba. Ang isa ding kahulugan nito ay pagkakaroon ng boss na hindi man lang napapansin ang iyong pagpupursigi at kontribusyon sa trabaho.
 
4. Ang paghabol ng demonyo sayo - ito ay isang hindi komportableng sitwasyon kung saan hinahabol ka ng masamang elemento. Maaaring may nagawa kang mali o problemang tinakasan kung kaya naman inuusig ka ng iyong konsensya. Magigising ka na punong puno ng takot, pagsisisi at hinagpis.
 
5. Ang pagsanib ng demonyo - may hindi kaaya ayang kaganapan na mangyayari sa iyo. Ikaw ay masasaktan o tatraydorin ng taong hindi mo inaasahan sa salita man o ito sa gawa.
 
6. Ikaw ay nakikipagusap sa demonyo - ikaw ay biktima ng panlilinlang, pangguguyo at katraydoran. Ikaw ay lilinlangin ng isang tao na gumawa ng hindi maganda at ito ay magdudulot ng kasiraan at   pagsisihan at pagdudusaan mo ito sa huli kahit pa malinis ang iyong konsensya at kalooban. Ugaliing huwag magtiwala agad at umiwas sa mga taog kahinahinala.
 
7. Pagiging matapat sa demonyo - magkakaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Maaaring may bagong boss, katrabaho o karagdagang gawain. Ito ay iyong inaasahan kaya naman hindi ka maninibago.
 
8. Pakikipagsayaw sa demonyo - ito ay may positibong mensahe kung saan magiging maswerte ka sa iyong sosyal at pinansyal na aspeto. Ikaw ay mapopromote sa trabaho o magiging maganda ang estado ng iyong buhay. Ito rin ang pinakamagandang panahon na magsimula ng proyekto dahil ang pagod at hirap ay masusuklian ng tagumpay at kaginhawaan.
 
9. Pinapakain ang demonyo - ito ay may negatibong mensahe na maaaring ikaw ay mamatay sa natural na pamamaraan o sa aksidente. Kapag nakakita ng isang tao na pinapakain ito, ang tao na to ay lilisan o mamamatay. Ito ay hindi magandang panaginip kaya naman sinasabi na ito ay isang uri ng masamang panaginip o bangungot.
 
10. Ang paglaban at pagpatay sa demonyo - ito ay may positibong mensahe, kung ikaw ay may proyekto matatapos mo ito at mabibigyan ng parangal.
 
11. Ang pagsanib ng diyablo sa miyembro ng pamilya - isa itong negatibong enerhiya kung saan ikaw ay may kinikimkim o nakaalitan sa iyong kapamilya at pati sa panaginip ay dala dala mo ito. Ipinapaalala nito ang nagawa mong kamalian upang makapagnilay nilay at matulungan ka kung paano mo ito haharapin at aayusin.
 
12. Hindi lang isa ngunit maraming demonyo sa iyong panaginip - sinisimbolo nito na may matinding pinagdadaanan ka sa aspetong emosyon at pagiisip. Ikaw ay nahihirapang harapin ito at maresolba. Huwag hayaan na ang problema ang kumontrol sa iyo at sa sitwasyon.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.