Ano meaning ng Panaginip na tungkol sa apoy?
Ang apoy ay simbolo ng pagkalinis, pagkadalisay at pagbabagong lakas. Makapangyarihan ang apoy pwede kang patatagin o pwede ka rin nitong sirain. Ang bawat isa sa atin ay kailangan ng apoy o init para tayo ay mabuhay ngunit kung hindi mo kayang kontrolin ang apoy na ito pwedeng magdulot ng sakit o pagkasira. Ang apoy ay simbolo din ng digmaan, pagsalakay at pangkalakasang lalaki. Kaya naman upang maunawaan ang ibig sabihin ng apoy sa iyong panaginip kailangang tandaan ang mga detalye nito.
Mga halimbawa ng panaginip na kontrolado mo ang apoy:
1. Sinisindihan mo ang apoy para sa iba - ikaw ay isang inspirasyon sa mga taong nasa paligid mo dahil sa iyong pagtulong at paggabay para sa kabutihan nila. Kung nanaginip ka naman na ibinabahahagi mo sa iba ang iyong apoy sa kampo ikaw ay nangangailangan ng kalinga at pakikipaghalubilo sa iba.
2. Pagsindi ng apoy habang ikaw ay naglalakbay - pinapakita nito ang iyong pagkamalikhain at positibong direksyon patungo sa pagbabago ng iyong career o buhay.
3. Ang apoy na nanggagaling sa iyong puso - sinisimbolo nito ang kaginhawaan, init at kaliwanagan sa iyong buhay. Kung ito naman ay hinahanap sa iyong panaginip marahil ikaw ay naghahanap ng kaginhawaan at kaliwanagan sa ibang tao.
4. Ang apoy na may kasamang ulan - sinasabing ikaw ay pwedeng mawalan ng pera, trabaho, kaginhawaan at seguridad sa buhay.
5. Ang pagsunog ng sarili - ibig sabihin ikaw ay may matinding pinagdadaanan sa aspetong emosyonal o madaming stress sa buhay at sinasabing gusto mo ng kumawala sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili. Maaari rin na may gusto kang tanggalin na ugali sa sarili o baguhin sa iyong personalidad.
6. Ikaw ay isang bombero sa iyong panaginip - ikaw ay may mabigat na pinagdaraanan at maraming komplikasyon na kailangang harapin at pagtuunan ng pansin upang ito ay maresolba at masolusyunan. Ang paglaban na mapuksa ang apoy ay simbolo na gusto mong lumaban at pagbabago sa iyong sitwasyon.
7. Pagkain ng apoy sa iyong panaginip - ikaw ay may malakas na personalidad ngunit ito ay iyong tinatago.
Mga halimbawa ng apoy sa panaginip at ang iyong nararamdaman:
1. Masakit na pakiramdam o pagkapaso dahil sa apoy - ibig sabihin, nakakaramdam ng pait at panganib dahil sa mga problemang hindi maresolba. Maaring ito ay ang mga ambisyong hindi nakamit, galit, pagkabigo sa pagibig o problema sa trabaho.
2. Maginhawa at pananabik na pakiramdam dahil sa apoy - ang apoy ay simbolo ng positibong emosyon sa iyong kabiyak. Ang iyong aspetong pagmamahal ay punong puno ng galak at matinding pananabik na masuklian ang pagmamahal ang kabiyak.
3. Pakiramdam na pagod at walang nararamdaman - ikaw ay sumuko na, pagod at wala ng ganang harapin ang mga pagsubok sa buhay.
4. Pakiramdam na komportable at malamig - sinasabing ikaw ay may pusong busilak, may positibong pananaw at tama ang direksyon na tinatahak. Wala ka din anumang alinlangan on problema na kinakaharap.
5. Pakiramdam na ikaw ay ligtas at protektado - ikaw ay maswerte dahil may mapagkakatiwalaan kang kabiyak o may malakas na suporta na galing sa iyong kaibigan, kapamilya o katrabaho na makakasama mo sa pagharap ng anumang pagsubok.
Mga halimbawa ng apoy at mga bagay sa iyong panaginip:
1. Pagkasunog ng bahay - sinisimbolo ng bahay ang mga taong nakatira o ang pamilya. Sinasabing may parating na malaking pagbabago na susubok sa katatagan ng bawat isa. Maaaring magdala ito ng gulo, matinding emosyon at problema. Kapag ang bahay ay nasisira dahil sa apoy, sinasabing maaaring isa sa mga mahal sa buhay ay mawala o makakaranas ng matinding pighati.
2. Pagkasunog ng ibang tao sa iyong panaginip - ikaw ay may matinding emosyon sa taong ito, positibo man o negatibo. Maaari ring kahulugan nito na isa kang inspirasyon na nagbibigay liwanag dahil sa iyong kaalaman at kasiyahang naibabahagi sa iba.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation