Ano Kapalaran ko sa 2023? Horoscope Zodiac Signs Astrology bagong taon

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Hindi matanggal ang mga katanungan sa atin isipan kung “Ano kaya ang kapalaran o mangyayari sa akin ngayong taong 2023? Ito na kaya ang taong yumaman ako? Swertehin kaya ako sa negosyo? Mapopromote kaya ako? O di kaya ay darating na kaya ang taong para sa akin?
Pwes, baka masagot na ang mga katanungan mo sa pamamagitan ng iyong zodiac sign ayon sa astrolohiya.

Ano ang surpresang nakaabang sa akin sa 2023? Di man ganun kaganda ang 2022, maaaaring may swerteng naghihintay sa 2023.
 
Maaaring masagot na ang mga katanungan mo sa pamamagitan ng iyong zodiac sign. Tuklasin ang iyong kapalaran base sa astrolohiya.
 
Aries – Ayon sa Astrolohiya, ngayong 2023 may darating na malaking pagsubok sa buhay ng Aries, ngunit kanila itong malalagpasan.
 
Pag-ibig
Ang simula ng taon 2023 ay magiging maayos para sa mga taong gustong makipag relasyon o umibig. Ngunit, kakailanganin nyong papalagpasin ang mga maliliit na bagay na hindi napagkakasunduan, para mas lalong tumibay at tumagal ang inyong pagmamahalan.
 
Pera
Maganda ang pasok ng pera para sa mga taong aries ngayong taon. Magkakaroon ng sapat na pera pang puhunan sa mga gustong itayong negosyo at magkakaroon din ng sapat na ipon. Subalit matuto magbudget ng tama para di masayang sa wala ang perang pinagpaguran.
 
Trabaho
May mga proyekto na naudlot o di natapos noong nakaraang taon na matutuloy ngayong taon. May mga buwan na maari magkakaproblema sa trabaho, kaya huwag magpatalo sa stress at gawin ang trabaho ng tama, makikita mong makakabangon ka din at may posiblidad na mapromote sa trabaho.

 
Taurus - Ayon sa astrolohiya, ngayong taon, malaking oras ang gugugulin ng Taurus sa pag-tupad ng mga pangarap kaya di masyado napapansin ang mga nangyayari sa paligid. Subalit ang kagandahan nito, magiging maganda ang takbo ng buhay.
 
Pag-ibig
Ang mga taong Taurus ay maaaring makaranas ng ilang mga problema, kalungkutan at pansamantalang paghihiwalay sa kanilang karelasyon sa pagsisimula ng taon. Ngunit, habang lumilipas ang taon ay magiging maayos din ang relasyon. Magkakaroon naman ng karelasyon ang mga Taurus na single.
 
Pera
Sinasabi na sa taon na 2023 ay uunlad ang pera ng mga taong taurus. Isa sa kaibigan o kaanak ang tutulong sa taurus upang mas gumanda ang daloy ng pera. Darating din ang oras na maari mawawalan ka ng oras sa iyong pamilya dahil sa pakikipag negosyo sa iba.
 
Trabaho
Ayon sa astolohiya, kung ikaw ay empleyado, may posibilidad na magkaroon ng problema sa pinapasukan, ang tanging solusyon dito ay ang sumikap at marunong makisama sa mga katrabaho. Pero sinasabi na ngayong taon, makakatanggap ka ng mas mataas na sweldo at promosyon.

 
Gemini – Sinasabi ng iyong kapalaran na ngayong taon, mabibigyan ka ng pagkakataong makapunta sa iba’t ibang lugar para sa iyong negosyo, trabaho, para sa sariling kasiyahan, o pwede rin na pareho.
 
Pag-ibig
Ang pag-ibig para sa mga taong gemini ay magiging mabuti, ngunit hindi ka dapat maging kampante. Kailangan maging maayos at maganda ang pakikitungo mo sa iyong kasintahan o asawa upang mas maging matatag ang relasyon nyo.
 
Pera
Sinasabi rito na magkakaroon ka ng maayos na pondo sa simula ng taon na 2023. Ngunit pag tapos nito ay may mga bagay na pag gagastusan na maaaring maging dahilan ng pagkaubos ng pera. Pinapaalala na gumastos lamang para sa pangangailangan at wag muna ang mga bagay na hindi naman importante.
 
Trabaho
Magiging maganda ang taon na ito sa usaping trabaho at propesyon. Makakatuklas ka ng mga bagong gawain at bagay tungkol sa iyong trabaho dahil sa pakikipag-ugnayan mo sa mga taong propesyonal o may karanasan na. Ayon sa astrolohiya, sa simula pa lang ng bagong taon magkakaroon kana ng promosyon.


Cancer – Para sa Cancer, ang 2023 ay maari hindi pangkaraniwan dahil isang pagbabago ang kanilang mararanasan. Sila ang mamumuno sa kanilang tahanan at pamilya.
 
Pag-ibig
Sumasangayon ang kapalaran sayo pagdating sa pakikipagrelasyon. Ngunit ayon sa astrolohiya, kung ikaw ay may asawa o kinakasama, sa taong ito may posibilidad na maghiwalay kung mananaig ang pride na isa’t isa.
 
Pera
Magiging maganda ang takbo ng iyong pinansyal sa loob ng taon na ito. Kung gusto mong lalong lumago ang pera, magtiwala sa mga taong magaling sa negosyo.
 
Trabaho
Kung trabaho naman ang pag-uusapan ang mga taong Cancer ay magkakaroon ng promosyon sa trabaho. Maaaring din magkaroon ng pagbabago sa trabaho gaya ng paglipat ng ibang lugar.

 
Leo – Ayon sa astrolohiya, kailangan mong maging maingat para makontrol mo ang iyong mga gustong gawin sa buhay o gawain na maaaring hindi para sa iyo o wala sa iyong interes.
 
Pag-ibig
Sinasabi dito na ang pagmamahalan ay magsisimula pag tapos ng abril. Maari ka rin maging masaya sa bakasyon kasama ang iyong kasintahan.
 
Pera
Sinasabi naman na sa usaping pananalapi na kakailanganin mong bawasan pag gastos sa mga bagay na hindi kailangan dahil dapat mo itong ipunin para sa panahon ng tag-ulan.
 
Trabaho
Ayon sa astrolohiya, magiging maganda ang takbo ng trabaho dahil mas tataas ang kompyansa sa sarili at lalabas ang mga tinatagong kakayahan. Kung gusto mong marami ang magtitiwala sayo ipagpatuloy ang pag gawa ng mabuti.

 
Virgo – Ngayong taon, darating ang mga magagandang bagay sa buhay at magkakaroon ka ng kakayahan na higit pa sa iyong inaasahan.
 
Pag-ibig
Mahalaga ang pag-ibig sayo ngayong taon dahil naniniwala kang magiging masaya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. At dahil sa paniniwalang ito, puno ka ng pagmamahal ngayong taon di lang sa kasintahan o asawa kundi mula sa mga taong nakapaligid sayo.
 
Pera
Sinasabing malaki ang matitipid na pera sa simula ng taon. Magiging kaaya-aya at maayos ang buhay ng iyong pamilya. Mabibigyan ka din ng pagkakataon na mapaayos at mapaganda ang tinitirhan.
 
Trabaho
Sa taon ng 2023, sinasabi na may posibilidad na magbago ang trabaho mo dahil sa mga posibleng isyu tungkol sa iyong kalusugan ng dahil sa stress. Wag masyadong igugol ang oras sa trabaho, maglaan ng oras sa pamilya.
 

Libra – Pipilitin ang sarili na mailabas ang lahat ng kaalaman at kakayahan sa mga proyektong dapat gawin. Magagawa mo ito sa tulong at suporta ng iyong mga kaibigan, kapamilya o kakilala.
 
Pag-ibig
Sa taon na ito magkakaroon ng maayos at masayang pag-ibig ang mga taong single. Ito raw ay mangyayari sa pagitan ng hunyo at oktubre.
 
Pera
Sa pagsisimula ng taon, magiging mabuti ang pag daloy ng pera sayo. Makakapag-ipon ng sapat para may madudukot sa oras ng kagipitan. Magagawa mo ding mabawi ang pagkalugi at makabangon sa utang sa panahon na ito.
 
Trabaho
Sa trabaho naman ay sinasabi na magiging maganda ang takbo, pero may oras na mapapagastos ka. Iwasang magwaldas sa di mahalagang bagay lalo na kung wala namang naipon pera. Huwag antaying magkautang dahil dito.  
 

Scorpio – Kung tungkol sa karera at pamumuhay ang pag-uusapan, masasabi na ang Scorpio ay magiging matagumpay ngayong taon 2023.
 
Pag-ibig
Kung naghahanap ka ng kasintahan huwag mag alala dahil may mga magagandang pagkakataon sa paligid mo, huwag palampasin ang mga ito. Ngunit kung ikaw ay may partner, mas tatagal ang relasyon.
 
Pera
Tungkol sa pinansyal naman, sa kalahati ng taon may darating na pera na di inaasahan. Ito ay sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod.
 
Trabaho
Ayon sa astrolohiya, kung sa tingin mo ay di kana masaya sa trabaho at gusto mong umunlad at mas matuto pa ng ibang gawain, subukang mag-aplay sa ibang kompanya.
 

Sagittarius – Para sa Sagittarius, ang 2023 ay magiging isang malaking pagbabago sa kanilang buhay. Maaring makadiskubre ng mga bagay na bago sa kanilang sarili at mga bagay na dati nilang hindi nararanasan.
 
Pag-ibig
Sinasabi na ang mga taong Sagittarius, ay magkakaroon ng maayos at magandang pakikipag relasyon, sa panahon mula Hunyo hanggang Oktubre.
 
Pera
Sa usapang pinansyal naman, kakailanganin mong gumawa ng isang magandang hakbang patungkol sa negosyo.  Dahil ayon sa astrolohiya, sa panahon na ito ay magiging malago ang pera at mas malaki ang magiging kita.
 
Trabaho
Sinasabi na ang mga responsibilidad mo ay maaring mabago dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang tungkulin. Sa mga propesyonal naman, maging handa sa pag tanggap ng mga bagong offer ngayong taon.

 
Capricorn – ang taon na 2023 ay sinasabi na makakamit mo ang kaayusan at tagumpay sa buhay sa pamamagitan ng negosyo at mga hindi inaasahang pagkakataon
 
Pag-ibig
Masasabi rin na swerte ang buhay pag-ibig sa taon na ito dahil magiging masaya ang buhay pag-ibig. Ang inyong pagmamahalan ay magiging maayos para sa mga taong nakapaligid at lalo sa inyong pamilya.
 
Pera
Sa usapang pinansyal naman ay sinasabi na ang kikitain mo ay nakabase sa kung gaano ka nagsusumikap sa negosyo o trabaho. Sinasabi rin na magkakaroon ka ng bagong proyekto na magiging dahilan upang magkaroon ka ng malaking kita.
 
Trabaho
Ayon sa astrolohiya, maganda ang magiging takbo ng trabaho kung magsusumikap at magkakaroon ng positibong pananaw. Mahalaga din na kasundo ang katrabaho  dahil sila ang tutulong sayo pagdating ng oras.
 
 
Aquarius – Matutuklasan ng mga taong Aquarius ang kanilang personalidad sa taong 2023, na magbibigay sa kanila ng lakas ng loob para humarap sa mga nangyayari sa kanilang buhay.
 
Pag-ibig
Ayon sa astrolohiya, sa mga babaeng Aquarius na gustong magkaanak, itong taon ay maari nang mabuntis. Sa mga magkasintahan naman, posible ngayong taon ay may mangyayaring kasalan. Samantala, para sa mga single, ito na ang pagkakataon na makahanap ng kasintahan.
 
Pera
Pagdating sa pinansyal, maganda ang pasok ng pera ngayong 2023. Magkakaroon ng maraming pera na magiging dahilan para makapag-ipon at magkaroon ng sapat na salapi para sa pamumuhunan.
 
Trabaho
Ngayong taon ay magiging mas abala ang mga taong Aquarius sa pag gawa ng iba’t ibang mga proyekto. Sinasabi rin na ang mga negosyante ay gagawa ng mga bagay na mahuhusay na magiging dahilan para mas umunlad pa ang kanilang mga negosyo sa taong ito.
 

Pisces – Ang mga pisces sa taong 2023 ay mas magiging aktibo at masipag na tao. Kung ano ang kanilang gustong gawin sa buhay ay posibleng mapagtagumpayan ito.
 
Pag-ibig
Kung hangad ng taong pisces na magkaroon ng kasintahan, ito na ang pagkakataon na makakahanap ayon sa astrolohiya. Ang mga taong may karelasyon naman, na gustong magdagdag ng anak o magkaanak ay mabubuntis ngayon taon.
 
Pera
Ayon sa astrolohiya, sinasabi na magiging maganda ang daloy ng pera ngayong taon, dahil tataas ang sahod. Sinasabi rin na bubuhos ang biyaya pagdating sa pera dahil sa mga side line na gagawin bukod sa trabaho.
 
Trabaho
Magiging maayos ang trabaho dahil masaya at mahal mo ito. Magiging matagumpay din ang mga gusto mong gawin sa taon na ito dahil sa iyong pagsisikap.
 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.