Ano pong pwedeng ikaso sa mga naghahamon at nagmumura patungkol sa tao? Anong pwedeng ikaso sa mga sinasadya nilang asarin yung tao lalo sa ingay ng tambutso? ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Bale nung una po kasi,hindi ito yung unang pagkakataon na nangyaring gulo,meron po kasi ng history sa barangay yung ganitong kaguluhan tungkol sa magkabilang partido , napag usapan namin na hindi na mauulit at may nilagdaan pa ka ang bawat partido, kaso yung isa hindi nakasama sa lagda kasi hindi siya yung pinaka kasama sa lagda dahil kaibigan niya ag nai report pero kasama siya sa gulo,pero parang involve pa rin siya doon sa past na nagyari. Ngayon po,inulit niya ulit yung mga panggugulo na siyang dahilan ng away,una po maingay po yung tambutso ng motor niya,kahit na maingay po sana eh dapat may disiplina pa rin po sa paggamit neto lalo na may mga naapektuhan dahil sa lakas ng tambutso niya,Dahil po ata sa pananadya niya na iparinig yung tambutso ng motor niya eh itinutok niya po palagi yung tambutso sa harapan ng bahay ng lola ko,hindi naman akyatan pero makikita nyo po na sinasadya niya palagi kapag umaalis sila ng bahay,eh ang lola ko po matanda na at mahina na po,kara labas at pasok po sa hospital dahil sa katandaan, ngayon po eh nagugulat yung matanda dahil doon sa ginagawa niya,ngayon po pinagsabihan namin sila tungkol sa ingay para naman po eh kahit papano baka palitan niya na po yung tambutso ng motor niya biglang sabi ng asawa niyang babae na " Anong pakielam ninyo sa motor namin". Doon po nagalit ang partido namin kasi malumanay naman po pagkakasabi namin,tapos po,nagmura mura na po yung asawa niyang lalaki at naghahamon ng suntukan sa loob ng lote nila at nagsalita salita ng Hindi maganda nagpaparinig sa buong kapitbahay. Pero hindi pinatulan ng partido ko kasi asa loob siya ng lote niya, kaya hinintay niyang lumabas eto, kaya nung natsambahan na lumabas ayun nakakuha ng pagkakataon na sinuntok yung mayabang tao na yun,tapos nasuntok niya po yung mukha,at nasipa naman po yung partido ko. Sa amin po kasi sa barangay walang kwenta ang kapitan,kasi siya mismo humingi ng endorso sa police station na po,halatang may pabor,kasi hindi niya muna kami pinagbigyan na magsalita tapos pumunta yung mga police eh ang sabi ni kapitan daw sa kanila eh hindi daw kami nakikipag usap ng maayos,paano kami makikipag usap ng maayos eh wala ngang tanod na nagpunta,tapos nagpa medical yung nasuntok at nagpa medical din yung partido namin kasi nasaktan din siya kasi nasipa po siya. Walang reponde ang barangay kahit na nakikita at naririnig nila yung tambutso niya. At isa pa po may ninakaw sa amin na isang buriki na sibuyas po nagkakahalaga ng 1000 pesos,pero naaktuhan namin na andun sa kanya, pero 3 days po bago niya binalik kasi nakita namin na nasa kanya yung sibuyas. Ano po bang pwedeng maikaso sa amin na unang sumuntok? At ano naman po ang pwedeng ikaso sa kanya na nag aaya ng suntukan at nagmura mura, at nakaka abala ng kapitbahay dahil sa pananadya niyang pagpapa ingay gamit yung tambutso na maingay po? At pwede pa rin pobang kasuhan ng pagnanaka kapag naibalik na yung gamit na ninakaw? Parehas po silang nag medical parehong partido. Sino poba ang lamang sa dalawa? At sino po ang dehado sa ganitong kaso? Matagal na rin po kaming nagtitimpi pero tao lang. Masyadong halata na po kasi ang palakasan system sa barangay namin. Ano po ang magandang gawin po? Salamat po sana mapansin nyo po ito. Salamat po ng marami

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang ganito po kasing mga kaso ay kailangan na dumaan talaga sa Barangay Conciliation. Kahit na sabihin mo pa na bias yung kapitan sa inyong Barangay ay may Lupon naman po ang magconduct ng conciliation. Baka pwede pa kayong maayos at gumawa ng agreement doon na iwasan na ang mga ganitong kaguluhan. Mas mabuti na rin na nakarecord ang lahat po ng incidente kaysa wala po . Kung sakaling hindi talaga magkaayos mag iisue naman ng certification to file action ang Barangay para po pwede na kayong magfile ng kaso sa korte. Hindi basta2x kung magkakaso or magfile ng kaso kasi it will take time and effort din sa pagpunta sa hearing plus magdala pa po ng mga witnesses. So if possible settle it with the Barangay level po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.