Mahalaga ang Zinc sa katawan, dahil tinutulungan nito ang katawan na lumaban sa impeksiyon. Kelangan din natin ang zinc para makatulong maghilom mga sugat at sa paggawa ng DNA, na mahalaga sa ating kalusugan.
Nakakatulong din ang zinc sa panlaban sa mga virus tulad sa sipon, kaya’t mas malakas ang resistansya ng katawan lumaban sa virus. Ayon din sa mga ekperto, nakakatulong din ang zinc sa pag-kontrol ng tibok ng puso. Nakakatulong din ang zinc na mapanatiling matibay ang ating mga mata, lalo na sa mga nagkaka-edad.
Kapag naman gustong magkaanak, maaaring mahirapan mabuntis kapag may zinc deficiency. Dahil nakakabaog sa lalake ang kakulangan sa zinc. Kapag naman kulang sa zinc ang nagbubuntis, maaaring di bumuo ng maayos ang sanggol. May mga pagaaral din na nagsasabing maaaring tumaas ang tsansang makunan kapag may kakulangan sa zinc ang nagbubuntis.
Narito mga senyales ng kulang sa zinc:
Panlalabo ng mata
Nawawalan ng panlasa at pangamoy
Pagkalito
Biglang pagbaba ng timbang
Pangangati ng balat
Sugat na di humihilom
Pagtatae
Walang gana sa pagkain
Bukas na mga sugat sa balat
Pinakamadaling malunasan ang kakulangan ng zinc, sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa zinc, tulad ng:
Karne ng baka o baboy
Karne ng manok, lalo na sa bandang hita
Talaba o Oysters
Buto ng kalabasa
Kapag vegetarian ka, o madalas na gulay lang ang iyong kinakain, mas mahirapan ang katawan na makakuha ng sapat na zinc, dahil mas maraming zinc na nakukuha sa mga karne. Ngunit makakakuha rin ng zinc sa mga gulay tulad ng pasas, mani, beans, broccoli, mushrooms. Ang iba naman ay umiinom nalang ng supplements, dahil kadalasan kasama ang zinc sa mga multivitamin supplements na nabibili.
Minsan sintomas lamang ang kakulangan ng zinc ng ibang karamdaman. Halimbawa, may mga karamdaman na nagsasanhi na mahirapan pumasok ang zinc sa katawan. Kelangan maagapan ito, dahil maaari ring makasanhi ng kakulangan sa copper sa katawan ang kakulangan sa zinc. Kaya’t maaaring magpa-test ang doctor upang matukoy ano ang sanhi.
Para makasiguro na may kakulangan sa zinc, ipapa-test ng doctor ang iyong blood plasma. Maaari ring magpa-test ng ihi o urine test, o kaya ay sa pagsusuri ng hibla ng iyong buhok.
References/Sources:
Wang, H., Hu, Y. F., Hao, J. H., Chen, Y. H., Su, P. Y., Wang, Y., Yu, Z., Fu, L., Xu, Y. Y., Zhang, C., Tao, F. B., & Xu, D. X. (2015). Maternal zinc deficiency during pregnancy elevates the risks of fetal growth restriction: a population-based birth cohort study. Scientific reports, 5, 11262. https://doi.org/10.1038/srep11262
Babala at Warning Signs na Kulang sa Zinc
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.