Bakit kelangan ng Potassium ang katawan? Warning Signs na mababa sa potassium

Medical Team
is a Medical expert in United States

ISA sa pinaka-importanteng mineral sa ating katawan ay ang potassium. Kailangan natin ang potassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan. Maraming pasyente ang nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor­ dito ay hypokalemia.

Sintomas
Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, ngalay, pinupulikat, sumasakit tuhod at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at umaakyat ito ng dahan-dahan hanggang sa maparalisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.
 
 
Sanhi
Ang pangkaraniwang dahilan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae o pagsusuka. Dahil lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diperensiya ang kidneys o adrenal glands, kaya lumalabas din ang potassium sa ihi. Minsan may mga gamot na nagpapaihi tulad ng diuretics at pati na mga ilang antibiotics.
Sa mga mahilig uminom ng mga pampapayat o pamparumi, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Ang sobrang pag-eehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa rin ng potassium.
 
Paano ginagamot ang mababang potassium?
Ang potassium ay isang mineral na kailangan ng katawan natin para mapanatili ang balanse ng tubig, sa pagkilos ng mga muscles, at komunikasyon ng mga nerves sa a­ting katawan.
Hindi nagagawa sa ating katawan ang potassium ngunit maraming paraan para magkaroon tayo ng sapat na potassium sa katawan.
-       Unang-una ang pag-inom ng tubig o hydration,
-       Pagkain ng mga prutas at gulay, gaya nang saging, oranges, melon, pinya, avocado, pasas, lutong spinach at broccoli, madahon na gulay, kintsay, patatas, kamote, pipino at talong.
-       Mataas din ang potassium sa mga inumin gaya ng orange at tomato juice.
-       Mayroon din makukuha sa karne, isda gaya ng sal­mon..
 

Lunas
Kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede munang kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.
 
Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay may potassium din. May tableta rin na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (brand name K-lyte) na mabilis magpataas ng potassium.
Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng dalawang saging sa bawat araw.
 
Babala: Masama ang kulang sa potassium, ngunit masama rin ito kapag labis. Kung kayo ay may sakit sa bato o may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium.
 
Kumunsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipasusuri ng doktor ang iyong potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa nga ang iyong potassium.
Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.