Bakit magantay ng 1 oras pagkatapos kumain bago mag-sipilyo o toothbrush?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bago ang lahat, importante muna na malaman na nababalutan ang ating ngipin ng enamel na prumo=protekta sa ating ngipin. Ang enamel ay manipis na nakabalot sa ating ngipin para pamproteksyon sa kemikal na kinakain o sobrang init o lamig na pagkain. Pag walang enamel ang ngipin, mabilis ito masira o magka-impeksiyon, at magiging marupok ito.

Pagkatapos natin kumain, may mga pagkain na naiiwan sa ating ngipin. Lalo na kapag acidic ang pagkain na ito. Nakakasama ito sa ating ngipin, dahil dagliang pinapalambot ng acid ang enamel na prumoprotekta sa ating ngipin. Kung kaya’t mas mabuti na magantay ng mga 1 oras bago magsipilyo, para wala na ang epekto ng acid isa ngipin.
 
Dahil pag nagsipilyo tayo kaagad pagkatapos kumain, malambot pa ang enamel dahil sa pagkain na acidic. Kaya’t mas mabilis masira ang enamel, dahil malakas pa ang epekto ng acid sa ngipin.
 
Isa pa, pag nagsipilyo kaagad pagkatapos kumain, kakalat ang acid sa lahat ng ngipin, imbes na sa iilang parte lang.
 
Imbes na magsipilyo kaagad pagkatapos kumain, maaaring uminom muna ng tubig o ngumuya ng walang sugar na chewing gum, para malinis ang ngipin, bago magsipilyo. Dahil ang pagnguya ng sugarless na chewing gum ay napatunayan na nakakapagdami ng laway, na nakakaiwas sa pagbuo ng dumi o plaque sa ngipin.
 
Tip: Pag sumasakit ang ngipin, ang simpleng pagmumog ng tubig na hinaluan ng asin ay nakakapagpaginhawa at nakakabawas ng sakit, dahil ito ay nakakapagsipsip ng tubig sa tissue ng ngipin at nakakabawas ng pamamaga sa mga ugat. Panlaban din itong pangmumog sa mga bakteria na nakakasanhi ng impeksiyon.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagtitimpla ng ½ teaspoon ng asin sa ½ tasa ng maligamgam na tubig. Imumog ito sa loob ng bibig na hindi bababa sa dalawang minuto tsaka idura ang tubig. Gawin ito tatlong beses sa loob ng isang araw.
 
BABALA: Kapag malubha ang pananakit ng ngipin, importante magpatingin sa dentista, lalo na’t kapag hindi nawawala ang sakit pagkaraan ng isang linggo.
 
Ang regular na pagpunta sa dentista ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa problema sa ngipin. 
Pinakaimportante ang pagsipilyo pagkagising sa umaga at bago matulog. Maging marahan sa pagsisipilyo at gawin ito ng 2-3 minuto hanggang malinis ang lahat ng ngipin.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.