Ano ang benepisyo ng paglagay ng yelo sa mukha?
Ang tawag sa paglagay ng yelo sa katawan para sa kalusugan o bilang gamot ay cold therapy o cryotherapy. Madalas ginagamit ito sa paggamot sa mga pasa at pilay, para mabawasan ang pagmamaga, at pampaginhawa ng pananakit, at nakakatulong din ito para mas mabilis gumaling. Pero maliban dyan, mabisa rin daw ang paglagay ng yelo sa mukha sa pagpapaganda at pagpapakinis.
Ayon sa mga nakasubok, binabanat ng malamig na yelo ang balat, at pinapahigpit ang daluyan ng dugo, kaya’t kumikinang ang kutis. Maraming nagpapatunay na gumaganda daw ang kanilang balat pagkatapos magpahid ng yelo sa mukha. Napapabilis din daw ng yelo ang paghilom ng mga sugat at bali sa katawan. Dahil nakakatulong ang lamig sa sirkulasyon ng dugo
Sa mga naniniwala sa cryotherapy, pinapatunay nila na nakakatulong ang ice facials para:
- Nakakatanggal ng pamamanas o pamumugto ng mata
- Nakakabawas ng pagmamantika ng balat
- Nakakahupa ng tagyawat
- Nakakaginhawa sa sunburn o sunog sa araw
- Nakakabawas ng pamamaga ng balat, tulad ng rashes o pagkagat ng insekto
- Nakakabawas ng pagkulubot ng balat
- Nakaka-kinang o liwanag ng balat o mukha (mamula-mula)
Ayon sa iilang eksperto, nakakapagginhawa rin ng pananakit ng kalamnan o muscle soreness ang paggamit ng yelo sa katawan, dahil nakakabawas ito ng pamamaga o inflammation at nakakatulong na mapabilis ang paggaling ng muscles.
Ayon sa mga nakasubok na nito, kumuha ng mga 4 na ice cubes at ilagay sa maliit na bimpo o tela. Tapos imasahe o ipahid ang tela na may ice cubes sa mukha ng dahan dahan. Ikut-ikutin ito sa mukha ng mga 1 hanggang 2 minuto.
Maaaring imasahe ang yelo sa mukha ng ilang beses. Ikot-ikutin ang yelo sa may:
- Pisngi
- Ilong
- Noo
- Panga
- Baba
- Labi
Ngunit karamihan ng mga patunay nito ay base lamang sa kwento ng mga nakasubok na. Wala pang masusing pag-aaral na ginawa ang mga eksperto tungkol dito.
Babala
Kailangan ding magingat sa paglagay ng yelo sa katawan. Halimbawa, kapag giniginaw ka na o may sakit, maaaring hindi makakabuti ito sa iyo. At may mga taong hindi hiyang sa yelo at nagkakaroon ng iritasyon dito.
Bakit maglagay ng yelo sa mukha? Ilagay ang ice sa face, facial cryotherapy, cold therapy
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.