Bakit maraming Tao ang may Kidney Stones?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maituturing isa sa kalimitang sakit ang bato sa kidney o kidney stones. Bawat taon, higit sa kalahating milyon katao ang napupunta sa mga ospital dahil sa pagkakaroon ng bato sa kidney. Isa sa kada sampung tao sa buong mundo ang nagkakaroon nito.



Kung malusog ang mga kidneys, nalilinis nila ng maayos ang ating dugo sa pamamagitan ng pagsasala sa mga dumi na nailalabas ng katawan sa ating pag-ihi. Pero kung maraming dumi ang sumasama sa kakaunting likido sa ihi, may mga krystal na namumuo. Ang mga dumi ng katawan, gaya ng uric acid at calcium oxalate, ay nagiging bato kung hindi mailalabas. Kung may bato na maiipit dito, binabara nito ang daloy ng ihi at magdulot ng pagdurugo.
Mayroong ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng bato sa kidney ang isang tao. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1.     Pagiging Mataba - Ang pagiging mataba ay maaring makapagdulot din ng bato sa ating kidney, dahil kelangan magdoble kayod ang kidney sa trabahong pagsala ng dumi. Maraming pag-aaral ang nag-uugnay sa mataas na timbang at bato ng kidney.
2.     Kulang sa Tubig - Ang mababang antas ng tubig sa katawan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng bato sa kidney. Maaring ito ay dulot di sapat na pag-inom ng tubig. Kung kakaunti lamang ang iyong naiihi, nagiging mataas ang konsentrasyon ng dumi sa ihi. Tubig ang maituturing na pinakaepektibong likido na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng bato sa kidney.
3.     Maling Kinakain - Ang pagkain ng sobrang madaming matatamis, maaalat, at pulang karne ay nagpapataas ng antas ng uric acid na maaaring maging bato.
May malaking epekto rin ang mga kinakain natin sa pagdudulot ng bato sa kidney. Ang pagkain ng sobrang maalat na pagkain ay nakakataas ng antas ng calcium sa ating katawan. Ito ay maaring maging sanhi ng pagipon ng calcium na maaring makabuo ng bato. Halimbawa, ang mga pagkaing protein gaya ng baka, manok, at baboy ay nakakataas ng antas ng uric acid sa dugo.
4.     Pagtatae - Ilang kondisyon din na nagdudulot ng pagtatae gaya ng Chron’s Disease at operasyon sa bituka ay maaring magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng bato sa kidney. Ang pagtatae ay maaaring makaresulta ng pagkawala ng tubig sa katawan at napapababa ng dami ng ating iniihi.
5.     Mga Sakit - May mga sakit na nakakapagdulot din ng bato sa kidney. Isa na dito ay ang kakaibang paglaki ng parathyroid gland na kumokontrol sa metabolismo ng calcium. Ang Distal Renal Tubular Acidosis ay isang kondisyon rin sa kidney kung saan hindi nasasala ng maayos ang acid na umiikot sa katawan. Itinatayang dalawa o tatlo sa sampung tao na may Autosomal Dominant Polycystic Kidney Disease (ADPKD) ay nagkakaroon din ng bato sa kidney. Ang mataas na antas ng calcium at acid dahil sa mga kondisyon na ito ay nagreresulta sa akumulasyon o pagbuo ng bato sa kidney.
6.     Impeksiyon - May mga bato sa kidney na dulot ng impeksyon. Halimbawa dito ay ang bakteryang sanhi ng Urinary Tract infection (UTI). Ginagawang alkaline ng nasabing bakterya ang ating ihi dahil dinudurog nito ang urea sa ihi upang maging ammonia.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.