BAKIT MATAAS O TUMATAAS ANG URIC ACID KO? ANO SANHI DAHILAN GAMOT

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano Iba't Ibang Mga Sanhi o Dahilan Para Sa Mataas Na Uric Acid?
Ang uric acid ay basurang kemikal sa loob ng katawan na naiipon kapag tinutunaw ng ating digestive system ang purine, isang kemikal na matatagpuan sa mga pagkain dahilan ng pagtaas ang konsentrasyon ng uric acid sa dugo. Habang tumatagal ay nagiging urate crystal ito na maaaring maipon sa mga hugpungan ng buto at malalambot na mga tissue. Kadalasan, nangyayari din ito kapag hindi naalis ng maaayos ng mga kidney ang uric acid. Mahalaga na panatilihin ang uric acid sa tamang mga antas o bawasan ito kung ito ay mas mataas kaysa sa nararapat, dahil maaari itong maging sanhi ng Gout o Gota (isang uri ng arthritis na dahil sa mataas na uric acid.

Samakatuwid, mahalagang malaman ang mga sanhi ng mataas na uric acid dahil nakakasama ito sa ating kalusugan. Narito ang ilang halimbawa:

·       Labis na paggamit ng mga pagkain na mayaman sa purines
Isa ito sa mga posibilidad na nagiging sanhi ng pagtaas ng antas ng uric acid, ngunit ito rin ay isang mahalagang dahilan upang makontrol ang sakit na ito. Nagiging sanhi ng mataas na antas ng uric acid sa dugo ang sobrang purines na maaaring maipon sa tisyu at bumuo ng mga kristal. Ang mga pagkain na mataas sa purines, kabilang ang lamang-loob at pulang karne, at ilang pagkaing-dagat, ay dapat kainin sa katamtaman o iwasan ang mga ito upang mapanatiling balanse ang antas ng uric acid sa katawan.

·       Pagkahilig sa matatamis
Maaari ding maging sanhi ng problemang ito ang mga pagkain na mayaman sa asukal, tulad ng mga sweets, refined sugar, matamis na pastry, matamis na inumin, naiproseso na mga juice ng prutas o tsokolate. Ang mga pagkaing mayaman sa sucrose at fructose ay maaaring mapataas ang mga antas ng uric acid. Upang maiwasan ito, panatilihin ang isang diyeta batay sa pagkain ng mga prutas at gulay.

·       Labis na pag-inom ng alak
Nagpapataas ng antas ng uric acid ang labis na pag-inom ng alcohol, lalo na ang serbesa at alak. Upang mapanatiling normal ang uric acid sa bloodstream o daluyan ng dugo, kailangang iwasan o kung maaari ay tumigil na sa pag-inom ng mga ito.

·       Diuretic medication o water pills
Ang mga gamot na ito ay nagdaragdag sa produksyon ng ihi upang makatulong sa pagkontrol ng mataas na presyon ng dugo. Nilalabas ng mga bato ang mas maraming tubig, na nagdaragdag ng panganib ng mataas na uric acid dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga bato na iproseso ito.

·       Sobra sa timbang o labis na katabaan
Nakakaimpluwensya ito sa panganib ng pagbuo ng gota, isang sakit na nangyayari kapag tumaas ang antas ng uric acid at bumubuo ng mga kristal sa mga kasukasuan. Bukod sa labis na katabaan, nakadaragdag din sa produksyon ng uric acid sa katawan ang pagkakaroon ng hypertension, at diyabetis.

·       Medikasyon
Maaaring makagawa ng mataas na antas ng uric acid ang ilang mga gamot na ginagamit upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo, pati na rin ang aspirin, Vitamin C at niacin. Ang chemotherapy para sa paggamot ng kanser ay maaari ding maging dahilan nito.

·       Dehydration at sakit sa atay
Kapag ang tubig at iba pang mga likido ay hindi nakonsume ang sapat na dami, ang mga bato ay hindi gagana ng maayos. Upang maiwasan ang dehydration o pagkawala ng tubig sa katawan at mapanatili ang maayos na pagproseso ng mga bato, nararapat na uminom ng tubig sa buong araw lalo na kapag nag-ehersisyo o kapag mainit ang panahon.

·       Gout
Ang gout na tinatawag ding gouty arthritis ay uri ng arthritis na sanhi ng mataas na konsentrasyon ng uric acid sa katawan. Maaaring magsimula ang pag-atake ng mga sintomas nito sa hinlalaki sa paa. Nagkakaroon din ng pamamaga sa sakong, tuhod, braso at siko. Tumatagal ito ng ilang araw ngunit, maaaring mas tumagal pa ito habang lumalala. Kung hindi ito magagamot, maaaring masira ng tuluyan ang mga kasukasuan at bato, ayon sa mga eksperto.

Bukod sa pag-inom ng gamot, ang mataas na uric acid na nauuwi sa gout ay pinapayuhang mag-ehersisyo at baguhin ang paraan ng pagkain para maiwasan ang pag-atake ng mga sintomas ng sakit. Mababawasan ang konsentrasyon ng uric acid sa dugo sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkaing mataas sa purine. Uminom ng maraming tubig araw-araw at iwasan din ang pag-abuso sa pag-inom ng alak. Mahalagang mapanatili ang mabuting kalusugan kaya nararapat lang na gawin natin ang mga ito.

References/ Sources:
Kim MJ, Hopfer H, Mayr M. Harnsäure, Nierenerkrankungen und Nephrolithiasis [Uric acid, kidney disease and nephrolithiasis]. Ther Umsch. 2016;73(3):159-65. German. doi: 10.1024/0040-5930/a000773. PMID: 27008449.

Palella TD, Kelley WN. Purine and deoxypurine metabolism. In: Kelley WN, Harris ED Jr, Ruddy S, Sledge C, eds. Textbook of rheumatology. 2d ed. Philadelphia: W.B. Saunders, 1985;337–52.

Peretz A, Decaux G, Famaly JP. Hypouricemia and intravenous infusions. J Rheum. 1983;10:66–70. 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.