Bakit naglalagay ng asin sa ibabaw ng takip ng kalderong sinaing pag nag saing?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sa probinsya, maraming makikitang nagwiwisik ng asin sa takip ng kalderong sinaing. Mismo sa ibabaw ng takip ng kaldero ha, at hindi sa loob ng bigas o kanin. Pero bakit nga ba? May basehan ba ito, ayon sa siyensiya?
 
Linggid sa kaalaman ng maraming Pinoy, di lang sa Pilipinas ginagawa ito, kundi pati sa ibang bansa sa Asya. Malamang namana natin itong ugali mula sa mga karatig bansa. Lalo na dati na wala pang rice cooker.

Bakit daw ginagawa ito, ayon sa nakakatanda o mga ninuno? Base sa kanila, ang paglagay ng asin sa ibabaw ng kalderong sinaing ay para pantay pantay ang luto ng kanin sa loob ng kaldero, at para maiwasan na hilaw ang luto ng kanin sa ilalim ng kaldero, lalo na kapag marami ang sinaing at punong puno ang kaldero. Nakakapagtaka na maraming nagpatunay na epektibo nga ito. Di lang mga pinoy kundi mga ibang lahing asyano ang nagpapatunay dito. Base sa kwento nila, maganda ang luto ng kanin pag linagyan ng asin sa takip ng kaldero. Ang iba naman, sinasabing nakakadagdag din ito ng lasa sa sinaing.
 
Sabi ng iba, kaya nilalagyan daw ng asin, kapag hilaw daw yung kanin. Bubuksan uli yung apoy ng napakahina at lagyan ng asin sa takip. Dahil di pantay ang apoy, lalo na kapag madaming sinaing at puno ang kaldero.
 
May mga nagsasabing walang basehan daw itong paniniwala. Ngunit maaaring may basehan ito, ayon daw sa siyensiya. Dahil ang asin ay nagiipon ng init, at maaaring ipasa nito ang init sa takip at ibang parte ng bakal ng kaldero, para mapantay ang luto. Kaya kahit patay na ang apoy, nagluluto pa rin ang sinaing, dahil may init pa rin daw naipon ang asin. Sa madaling salita, maaaring kayang patagalin ng asin ang temperatura ng bakal. Ginagamit nila ang halimbawa ng sorbetero ng ice cream, kung saan napapahaba nila ang lamig ng yelo sa ice cream kahit wala silang dalang freezer.
 
Paano naman malalaman kung luto na ang kanin? Pag buo buo pa yung asin na nasa takip ng kaldero, di pa daw luto ang rice. Pero pag parang na-dry na ang asin, yung parang tuyong tuyo na madaling madurog na parang butil butil, na parang napipino na, ibig sabihin noon sa kanila ay luto na ang kanin.
 
Wala pang kilalang siyentipikong pananaliksik ginawa ang mga dalubhasa dito, upang matiyak kung epektibo nga ba ito. Pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan, lalo na kung kaldero ang ginamit pang-saing, at hindi rice cooker.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)