Bakit pumapatol mga babae sa may asawa?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Sa isang pagaaral ng mga siyentipiko, pinakita sa mga babae ang picture ng isang lalake at tinanong kung type ba nila ito. Nung sinabing may asawa o may karelasyon na ang lalake, halos lahat ay sinabing may dating sa kanila ang lalake. Pero nung sinabi naman sa mga babae na single ang lalake, mas kaunti na lang ang nagkagusto sa picture ng lalake.

Bakit ganun? Parang nakakapagtaka. Base sa paliwanag ng mga siyentipiko, kaya daw mas nagkakagusto ang ibang babae sa mga may asawang lalake ay dahil daw parang may endorso na ng kapwa babae na ok itong lalake. Kumbaga, parang naaprubahan na ng asawang babae o wife na karapat-dapat na magustuhan ang lalake.
 
Baka mahilig lang siguro ang babae na mangopya o makakakuha ng rekomendasyon ng iba. Kumbaga, parang nireto na kasi ng ibang babae na di ka talo sa lalakeng ito. Pero pwedeng ring di naman seryoso at laru-laro lang para sa babae.
 
Narito pa ang ibang dahilan kung bakit pumapatol ang ibang babae sa may asawa na:
 
-       Di alam ng babae na may asawa na ang lalake
Pwedeng ang dahilan din ay dahil di alam ng babae na may asawa na pala ang lalake. Kung kelan nahulog na ang loob ng babae, tsaka niya nalaman na may asawa na pala ito. Kaya nahirapan na siya kumawala, dahil mahal na niya ang lalake. Maraming ganitong sitwasyon na dahilan, na naloko ng lalake. Halimbawa, may isang babae na itago natin sa pangalan na Linda. Nakilala ni Linda ang lalake sa kanyang trabaho, dahil nagta-trabaho ang lalake sa parehong building. Di niya alam na may asawa na pala ito, dahil na din sa madalas silang magkasama at tuwing tawag o text niya ay sumasagot naman. Nalaman na lamang niya na may asawa na pala, nang bigla nag-chat ang asawa ng lalake sa kanya. Pinilit niyang lumayo, subalit napamahal na sa kanya ang lalake.
 
-       Malungkot ang babae at ang lalake ang nagpapatawa sa kanya
Pwede rin ang dahilan ay malungkot ang babae sa panahon na yun. Dahil down siya at namomroblema noong nagkakilala sila ng lalake, at andun yung lalake at tinulungan siya sa panahon na may matinding pagsubok sa buhay ng babae.
 
-       Pwede ring dahil sa pera.
Mas mabilis na akitin ng babae ang may asawang lalake para sa pera, dahil alam ng babae na di naman seryoso ang lalake, at pera lang naman habol ang habol ng babae. Lalo na kapag may edad na ang lalake at bata pa ang babae. 
 
-       Pwede ring kulang sa kalinga ng ama o father figure ang babae.
Kumbaga uhaw siya sa pagmamahal ng tatay, kaya nahulog siya sa may asawang lalake na inaalagaan siya. Di naman sinasadya ng babae na mahulog siya, dahil alam naman niya na may asawa na. Pero naramdaman niya yung pagmamahal ng lalake na parang ama, na akala niya ay sa pagmamahal ng lalake ang hinahanap niya. Pero sa totoo, sabik lang siya sa pagmamahal ng magulang o kulang lang siya sa pagmamahal ng pamilya.
 
-       Pwede rin dahil sa propesyon ng lalake
Minsan nagkakagusto ang babae sa lalake kapag ito ay isang doktor, abogado, o may kapangyarihan sa lipunan, kahit na may asawa na. Lalo na kapag ang babae ay wala masyadong narrating pa sa buhay.
 
 
Sources/ References:
Schmitt DP, Buss DM. Human mate poaching: tactics and tempations for infiltrating existing mateships. J Pers Soc Psychol. 2001 Jun;80(6):894-917. doi: 10.1037//0022-3514.80.6.894. PMID: 11414373.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)