Bakit wag kakainin ang kaliskis ng isda? Nakakalason ba ito?

Medical Team
is a Medical expert in United States

May iba kasi na sanay na di tinatanggal ng kaliskis ang isda, dahil mas masarap daw. Halimbawa ang bangus at salmon ay di tinatanggal ang kaliskis ng ibang tao, lalo na kung ito ay piniprito.
Kadalasan ay malutong ang pagkakaprito sa mga isdang di tinatanggal ang kaliskis upang mabilis itong makain.

Pwede namang kainin ang kaliskis ng isda, ngunit may mga panganib ito.
1.     Maaari kang matinik, lalo na kapag naipit sa lalamunan at di makahinga.
2.     Gusto rin natin tanggalin ang kaliskis ng isda, para matanggal ang putik at lansa sa ibabaw nito.
3.     May mga isda rin na may mataas na antas ng mercury o ibang nakakalason na kemikal, na madalas nakikita sa may kaliskis ng isda.
Kaya’t kung gustong kumain ng kaliskis, ingatan na pumili ng mga isda na mababa sa mercury. Halimbawa ng mga isda na mababa sa mercury ay Tilapia at salmon. Ang mga isda naman na mataas sa mercury ay ang marlin, shark, at king mackerel. Medyo mataas din ang mercury ng karpa at maya-maya.
 
Isa pa, karaniwan sa mga isda ay di naman masarap ang kaliskis at parang kumakain ka lang ng plastic. Dagdag pa rito, kadalasang mas masarap ang lasa ng isda kapag walang kaliskis.  Dahil maari malalasahan ang lansa o magiba ang lasa ng isda kapag niluto ito na may kasamang kaliskis. Kaya’t mas mabuting ipatanggal muna, bago iluto at kainin.
 
May iba naman na ayaw ng may kaliskis, subalit di na tinatanggalan sa kadahilanang para di dumikit sa kawali o di masira ang isda kapag prinito. May iba ring nagsasabing may nutrisyon daw na matatagpuan sa kaliskis ng iilang isda.
 
Paano magtanggal ng kaliskis ng isda? Una, hugasan ang isda. Pagkatapos, gamitin ang likod ng kutsilyo at itanggal ang kaliskis gamit ito. Maaari ring ipatanggal ito sa tindera sa palengke bago bilin para di kana mahirapan magtanggal at para di masugatan ang mga kamay.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.