Para sa mga Libra, ang taong 2018 ay magiging napakasaya. Kapayapaan at harmony ang mamamayani sa iyong mga relasyon at magkakaroon ka ng mas magandang tingin sa iyong mga balak sa hinaharap nang walang masyadong hirap. Ang iyong pagkamalikhain ay mabibigyang atensyon sa panahong ito salamat sa stimuli galing sa labas. Ang iyong pagiging pasensyoso at balane ay mapapabuti para maging malakas ka sa awtoridad mapa propersyonal man o personal na aspeto. Ang mga malalapit sa’yo ay mas kakailanganin ka ngayon higit kailanman. Ang pagbibigay ng hinihingi nila ay magbibigay sa’yo ng pakiramdam ng pagkakontento at harmony sa buhay. Ang iyong talino ay masusubukan sa pagdaan ng taon.
Horoscope sa Karera ng Libra ngayong 2018
Ang mga Libra ay mamamayagpag sa kanilang karera ngayong 2018. Lalo na sa mga nasa intelektwal na trabaho ay mapapabuti at mapapatubo nila ang kanilang karera ng mabuti. Para sa iba, ang paulit-ulit na trabaho ay hindi nakakabuti. Karamihan sa mga Libra ay magkakaroon ng maraming oportunidad para matuto sa lahat ng bagay at mapabuti ang kanilang karera. Ang iba ay makakapag-aral sa mga kurson naaayon sa kanilang karera. Ang iyong karera ay maghahangad na magdala ka ng bago at pagutuon dito. Kung hindi posible ay maiiwan ka sa karera patungo sa taas ng corporate. Bilang Libra, ikaw ay makakabuo ng relasyon sa ibang tao sa iyong karera ng madali at walang kahirap hirap. Ang iyong pagiging masayahing ugali at mapagbalanseng gawain ay magbibigay harmony sa iyong pinagtatrabahuhan.
Horoscope sa Buhay Pag-ibig at Pagpapakasal ng Libra sa 2018
Ang iyong buhay pag-ibig ay mahirap hawakan sa darating na taon, Libra. Ngunit ang iyong kakayahang manga kit ay tutulong sa iyong para maibalik pati na ang matagal nang mga karelasyon at partner. Haharap ka sa matibay na pagkontra sap ag-ibig na aspeto sa taong ito, maging kalmado at magtuong ng atensyon sa lahat ng mabuti sa relasyon. Hayaang hindi ang ego ang mamayani sa utak mo sa ngayon. Huwag ipilit ng sobra sobra o mag expect sa iyong minamahal sa taong ito. Hayaang ang pagbibigay hindi ang pagtanggap ang maging motto mo ngayon sa relasyon. Ang venus ay tutulong para makakuha ng partner sa loob ng taon. Ang unang kalahati ng taon ay magiging emosyonal at hindi praktikal. Sa pangalawang hati naman, maaayos ang mga relasyon at magkakaroon ng pagputol ng mga hindi kanais-nais na personalidad sa pag-ibig o kasalan. Iwasan ang maling akusasyon na makakasira sa iyong relasyon. Balance ang magiging susi sa magandang buhay pag-ibig sa taong ito, Libra.
Horoscope Pinansyal para sa Libra sa 2018
Sa taong 2018, ikaw ay mahaharap sa maraming hindi ginugustong gastos. May gastos na nasa pagmamalabis lamang at sa pagpapagamot ng mga kaanak. Ang iyong budget ay baka maubos dahil sa sobrang paggastos sa malikhaing gawain. Ngunit sa positibong aspeto ay magkakaroon ka ng napakaraming oportunidad para mapabuti ang iyong pinansyal na kita. Ikaw ay makakakuha ng pera mula sa mga kasunduan, grants at taas sa sweldo o pagpasok ng pera sa negosyo. May bagong mga kakilala na darating sa buhay mo na tutulong sa iyo para madagdagan ang iyong pinansyal na katayuan. Nguni tang taon ay maaaring magdala ng negatibong pangyayari na tungkol sa nasabi kanina tungkol sa personal na gastos. Mag-ipon para sa tag-ulan.
Payo sa Libra sa 2018
Para sa taong 2018, kailangan mong isantabi ang personal na pangangailangan at ambisyon at pagbigyan ang mga nakapaligid sa’yo. Huwag matakot sa mga bagay na nangyayari sa paligid mo. Maging mapagkumbaba at balance. Ang iyong pagnanasa ay lehitimo kailangang marating mo. May mga pain sa relasyon na nakapaligid sa’yo sa taong ito. Mag-ingat sa mga pekeng kaibigan at kasama, dahil sila ay mga linta na naghihintay para atakihin ka. Ienjoy ang mabubuting bagay sa buhay. Maglaaan ng panahon para sa introspeksyon at sundin ang iyong instinct. Huwag hayaang emosyon at senswalidad at mamayani sa personal at propsesyonal na buhay sa panahong ito.
Horoscope Pangkalusugan sa Libra 2018
Ang mga Libra ay puno ng enerhiya at malayo sa malalaking isyung pangkalusugan sa malaking bahagi ng darating na taon. Ngunit ikaw ay pinapayuhang manatiling aktibo, magkaroon ng isang laro para mapanatili kang malusog. Ang Venus at Mercury ay magkasamang magdadala ng enerhiya para sa iyo sa unang bahagi ng taon. Gamitin ito ng mabuti para sa mga positibong gawain sa buhay. Ngunit huwag magpakasasa, maglaan ng panahon para magpahinga. Ang pangalawang bahagi ng taon ay magbibigay ng kaibahan, ng pagkamalikhaing interes na nagibibigay ng lakas ng loob at sense of satisfaction kung tawagin. Mahalin ang iyong ginagawa. Alagaan ang kinakain ang maging maingat sa kung ano ang nangyayari sa loob mo.
Pamilya at Pamumuhay sa 2018
Ang buhay pamilya mo ay magiging maganda at kontento buong 2018. May mga paglipat o pagbabago ng tirahan kung gusto ng mga Libra. May iba sa inyo na ibibigyang tuon ang karera kumpara sa pamilya. Ito ay makakaapekto sa personal mong buhay, kaya maging maingat. Ang relasyon sa mga magulang at kapatid ay magkakalamat sa gitna ng taon dahil sa pinansyal na problema at karaniwang pinansyal na commitment. Huwag magpaapekto masyado. Ang magandang balance sa karera at personal na buhay ang makakapagpaganda ng darating na taon.
Libra – Taunang Edukasyon 2018
Ang mga estudyanteng Libra na nagsasaliksik o akademikong gawain ay makakatagpo ng tagumpay sa unang kalahati ng taon. Ang mga exam at paligsahang interview ay magiging pabor sa kanila. Ngunit sa pangalawang bahagi ng taon ay magiging mahirap para sa kanila ang mag-umpisang mag-aral. Ang kondisyon ay hindi pabor sa maghahabal ng akademikong interes. Ang naghahanap ng trabaho o paglalagyan ay kailangan maglaan ng kaunting hirap para maging matagumpay.
Horoscope sa Paglalakbay sa 2018 ng Libra
Para sa taong 2018, ang mga Libra ay maglalakbay para sa negosyo at katuwaan. Ang mga lugar na may kasaysayan at sining ang gugustuhin mong puntahan. Malayuang paglalakbay ay nasa mga baraha din, ngunit may mga mabibilis na paglalakbay paminsan-minsan. Maging handa sa mga hulihang gagawin at mga last minute na isyu na lalabas paminsan-minsan.