Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop o pook. Ang pang-uri ay maari ring maglarawan sa hugis, sukat at kulay ng pangngalan.
Halimbawa:
matapang, maayos, mataba, maganda, matamis, pangit, matangkad, maliit, mayabang
Halimbawa ng gamit sa pangungusap.
Ang asukal ay matamis.
Ang babae ay maganda.
Ang mga salitang bilang ay tinatawag ding pang-uri. Ito ay naglalarawan ng bilang o dami ng tao, bagay at pook. Read more...
Halimbawa ng gamit sa pangungusap:
Tatlo ang damit ko.
Lima ba ang sasakyan mo?
Adjective ang tawag ng pang-uri sa Ingles.