Tinatawag na pang-abay na panlunan ang salitang tumutukoy sa pook o lugar na pinagganapan ng kilos. Gumagamit ito ng sa o nasa at sinusundan ng lugar o pook. Ito ay sumasagot sa tanong na saan o nasaan.
Halimbawa: Saan ka nag-aaral?
Ako ay nag-aaral sa Taytay.