Kailan ginagamit ang din o rin? daw o raw? dito o rito? Kailan nagiging R ang D?
Papalitan lamang ng R ang D kapag ang unang salita ay nagtatapos sa A, E, I, O, U at malapatinig na W at Y.
Halimbawa:
- Siya rin ba ang magtuturo sa atin sa Filipino?
- May gusto raw si Jeffrey kay Maria.
- Maraming makokolektang kabibe rito.
Kung hindi nagtatapos sa Patinig at Malapatinig na W at Y ang sinubdang salita, mananatili ang D.
Halimbawa:
- Sa wakas at nagising din ng maaga si Buboy.
- Isang malaking ahas daw ang nakita nila sa gubat.
- Tiyak na maraming mahuhuling hipon dito.
Espesyal na kaso ng DIN at RIN
Kapag nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU AT RAW, RAY ang naunang salita, D ang gagamitin sa halip na R.
Halimbawa:
- May pari din sa sementeryo.
- Namalengke si Marie doon sa kabilang bayan.
- Ilang araw daw hindi pumasok si Beka sa trabaho.