Ang kwento kong ito ay tunay nangyari sa akin, mga 2 weeks ago na yata. Mga ala-una ng madaling araw yun.
Bali ka chat ko asawa ko na nasa Saudi na nagttrabaho. Sa Skype kami nag uusap nung time na yun. Nasa CR asawa ko. Ako naman busy sa kahahanap na mapapanood sa You Tube. Bigla na lang ako napatingin sa likuran ko kasi ramdam ko may taong nakatayo sa likod ko. Kasi biglang nagkaroon ng anino sa harap ko. Nung tingnan ko wala naman tao. Sinilip ko ang kwarto kung saan doon natutulog ang dalawa kong anak na mga binatilyo na. Tatlo mga anak, puro lalaki. Yung panganay wala dito sa bahay kasi nakasampa na sa barko.
Binalewala ko na lang yung anino. Maya maya nakita ko na asawa ko na palabas na sa banyo, kinuwento ko sa kanya. Sabi ng asawa ako, 'Mama, magpatune ka para hindi ka matakot'. Sabi ko naman, "Ok lang papa, di naman ako natatakot, baka imagination ko lang yun."
Tapos muling nagpaalam asawa ko, magsisipilyo daw muna siya, kasi mga alas-tres na ng umaga at yun ang oras ng tulog niya. Nung nawala na asawa ko sa cam, napalingon na lang ako bigla sa gilid ko, kasi andun nanaman ung anino. Medyo doon na ako nakaramdam ng konting takot.
Pagbalik ng asawa ko galing pagsisipilyo, kinuwento ko uli sa kanya yun. Sabi ng asawa ko, 'Mama, magpasound ka'. Sabi, "O diba pasok ka na lang sa loob ng kwarto." Kasi nasa labas ako ng kwarto nun. Pero dahil nga sa nag eenjoy ako sa pinanood ko sa youtube medyo nakalaimutan ko ung anino na yon. Hanggang sa nakatulog na lang ako. Kala ko hindi ko na maramdaman uli ung anino kasi doon na ako sa kwarto nakipagchat ng asawa ko. Pero maya maya muli ko naman naramdaman ung anino na un at pag tiningnan ko yung buong paligid ng kwarto wala naman akong nakikita.
Kaya nagpasya na lang ako i-on ung ilaw na flourescent kasi ang madalas kong gamitin, yung ilaw ng mahal na Senior Santo Nino. Sa ngayon hindi ko na uli naramadaman ung anino na yun...