Paano Magluto ng Crispy Pata? Ano Sahog, Sangkap, Rekado, Resipe

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang Crispy Pata ay mas kilala bilang mga iprinitong paa ng baboy. Ang pata ay nangangahulugang paa sa salitang Espanyol. Ito na marahil ang pinaka popular na Recipe ng mga Pinoy. Ang Crispy Pata ay madaling kainin at kahit na ito ay nakakasama dahil sa mataas na lebel ng kolesterol na nilalaman, ang toyo, suka at sibuyas ay nag eengganyo sa mga kumakain na hanap-hanapin ang putaheng ito.

Paano Magluto ng Crispy Pata Ano Sahog, Sangkap, Rekado, Resipe

Kung gusto mong matuto kung paano magluto ng Crispy Pata sa iyong sariling bahay, narito ang isang simpleng recipe:


Mga Sangkap


1 buong pata ng baboy (nilinis, at tangalin ang mga daliri ng paa sa pata)

Tubig na sapat para matabunan ang pata

1 buong hiniwang sibuyas

2 kutsara ng puting pepper corn

5 pirasong bawang na dinurog

5 bay leaves

5 Star anise

4 na kutsara ng asin

1 kutsara ng itim na paminta

Kalahating tasa ng puting suka

¼ na tasa ng harina

Mantika para sa malalimang pagprito (hindi bababa sa 2 hanggang 4 na litro ng mantika)

2 kutsara ng baking soda

Parsley para sa iyong pang garnish


Para sa iyong Sawsawan:

Kalahating tasa ng toyo

1 tasa ng sukang puti

2 kutsara ng asukal na pula

2 kutsara ng hiniwang maliliit na bawang

2 kutsara ng shallot

Tubig para maayos ang lasa


Mga kakailanganing kagamitan

Kutsilyo at kahoy na tapalan

Mga kutsara

Mangkok at maliliit na plato

Stove

Dalawang malalaking kaserola – isa para pakuluan ang pata at isa para sa pag malalimang pagprito

Tray na may wire rack

Pang butas ng laman

Hair Dryer

Tongs

Pang sala


Paraan ng pagluto

- Ilagay ang isang buong pata sa loob ng kaserola at lagyan ng tubig na sapat para matakpan ang buong pata.

- Magdagdag ng isang buong sibuyas na hiniwa hiwa, 2 kutsara ng itim na pepper corn, limang cloves ng bawang na dinurog, limang bay leaves, limang star anise at 2 kutsara ng asin sa loob ng kaserola

- Hintayin at lutuin hanggang sa kumulo at hayaang maluto ito sa loob ng isang oras at labinlimang minute.

- Dagdagan ng dalawang kutsara ng baking soda at pakuluan ulit sa loob ng 15 minuto.

- Tanggaling ang paa ng baboy mula sa tubig, at patuyuin sa isang paper towel.

- Hayaang matuyo ito sa loob ng isang gabi sa loob ng ref nang hindi natatakpan o kaya naman ay sa harap ng isang umaandar na bentilador sa loob ng ilang oras.

- Sa isang bowl, ihalo ang lahat ng mga sangkap para sa sawsawan (Kalahating tasa ng toyo, 1 tasa ng sukang puti, 2 kutsara ng asukal na pula, 2 kutsara ng hiniwang maliliit na bawang, 2 kutsara ng shallot at Tubig para maayos ang lasa) at itabi.

- Iprito ng malaliman sa isang kaserola ang paa ng baboy hanngang sa maging malutong sa lahat ng bahagi.

- Kapag natitiyak mo nang naluto ng mabuti ang pata, tanggalin ito sa tray, tanggalin ang mantika at ilagay sa wire rack.

- Lagyan ng parseley at i serve na may kasamang sawsawan habang mainit-init pa.


Ang Crispy Pata ay naging regular na naging bahagi ng mga selebrasyon sa kulturang Pinoy. Hindi man ito ang pinakamasustansyang ulam, ito naman ang pinakapaboritong ulam ng bawat Pilipino, bata man o matanda.



About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.