PAANO MAGLUTO NG PORK DINUGUAN? ANO RESIPE, SAHOG, SANGKAP, REKADO?

Eiselle Joyce Hidalgo
is a Food Technologist/ Baker & Decorator in the Philippines

Pork Dinuguan


Maraming bersyon at pinagmulan ang dinuguan. Mayroon mula sa Ilocos, Pampanga, Cebu, Iloilo, Bulacan at Hilagang Mindanao. Ayon sa mga nasusulat na kasaysayan nito, tulad sa aklat na pinamagatang, “Tikim” na isinulat ni Doreen Fernandez, ito ay nagmula sa pagiging malikhain ng mga Pilipinang maybahay sapagkat noong mga unang panahon, hindi sila pumapayag na may natatapon na bahagi ng mga sangkap ng pagkain. Ngunit kahit saan man ang pinagmulan nito, ito ay katangi-tanging pagkaing hilig ng maraming Pilipino.


Pork Dinuguan

Pork Dinuguan


250g o ¼ kilo pork belly (tyan ng baboy)

250g o ¼ kilo ng pork butt (pwet ng baboy)

250g edible pork blood (dugo ng baboy)

2 piraso pork cubes na tinunaw sa

½ litro ng mainit o kumukulong tubig

1 cup suka

3 kutsara ng patis

5-6 piraso o cloves ng bawang, binalatan at dinikdik

1 pirasong sibuyas, hiniwa ng maninipis

1 dahon ng laurel

4 pirasong siling haba (siling tagalog)

½ kutsara ng pamintang durog

1 maliit na pack ng ginisa mix

Asin

Mantikang pang gisa


1. Ihanda ang dugo ng baboy. Salain ito. Tunawin ang buo-buong parte ng dugo na maiiwan sa salaan sa pamamagitan ng paglagay ng kalahating tasa ng maiinit na tubig at halu-haluin ito gamit ang tinidor upang lumabas ito sa salaam. Itabi muna.

2. Hiwain ang tyan at pwet ng baboy sa maliliit na piraso o cube size.

3. Sa isang kawali, maglagay ng pampritong mantika at ilagay ang baboy. I-ayos ito sa kawali upang pantay ang pagkakaluto. Takpan at huwag haluin. Bahagyang lakasan ang apoy.

4. Ibuhos o tanggalin ang tubig mula sa baboy. Ilagay ang bawang at i-sangkutsa. Kapag naging brown na ang bawang, ilagay naman ang sibuyas at muling i-sangkutsa. Takpan at hayaang maluto sa loob ng isang minuto.

5. Ilagay naman ang patis at dahon ng laurel. Haluin ito ng tatlong minuto.

6. Ilagay ang ½ cup ng suka. Takpan at pakuluan sa loob ng tatlong minuto. Hinaan ang apoy.

7. Ibuhos naman ang pork cubes na tinunaw sa kumukulong tubig at pakuluin muli sa loob ng limang minuto.

8. Unahing ilagay ang buo-buong dugo ng baboy kung may hindi natunaw. Haluin hanggang matunaw at ilagay na ang natira pang dugo ng baboy. Isunod na ilagay ang siling haba. Haluin sa loob ng mga dalawang minuto.

9. Pakuluan ng mga limang minuto. Ilagay ang natirang ½ cup ng suka. Takpan muli at pakuluan ng limang minuto.

10. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panglasa. Maglagay ng ginisa mix upang mas umangat ang linamnam ng dinuguan. Ihain.




About the author

Eiselle Joyce Hidalgo

Profession: Food Technologist/ Baker & Decorator
Flour Revolution: Art that can be eaten
Philippines , Quezon City , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.