PAANO MAGLUTO NG SPANISH PAELLA? ANO SAHOG, SANGKAP, REKADO, RESIPE?

Eiselle Joyce Hidalgo
is a Food Technologist/ Baker & Decorator in the Philippines

Spanish Paella


Ang Paella ay isa sa mga sikat na lutuing nagmula pa sa Espana. Ito ay binubuo at mga kombinasyon ng mga gulay at karne na nilalagyan ng saffron bilang rekado at iba pang mga pampalasa o spices. Ang sikreto ng mga bihasa na sa pagluluto nito ay nakasalalay sa pagluto nito sa mahinang apoy upang dahan-dahan ding maluto ang mga sangkap at lumabas ang lasa nito sa paella. Ang bersyon ng recipe na ito ay gumagamit ng manok sa halip na liempo na baboy, na orihinal na inilalagay.


Paella

Seafood Paella


1 cup parsley, tadtarin

4 na kutsara kalamansi juice

1 kutsara mantika

2 piraso o clove bawang, tadtarin

1 cup tubig

2 pirasong chicken cubes na tinunaw sa

½ litro ng kumukulong tubig

8-10 piraso ng malalaking hipon

1 kutsara olive oil

4 na pirasong chicken thigh fillet o hita ng manok na wala ng balat at buto, hiwain ng maliliit na pahaba o strips

2 piraso chorizo, hiwain ng tig-kakalahating pulgada

8 piraso ham, hiwain sa maliliit na cubes

2 cups sibuyas na pula, tadtarin ng pino

½ cup pulang bell pepper, hiwain sa maliliit na cubes

½ cup dilaw na bell pepper, hiwain sa maliiit na cubes

1 cup kamatis, hiwain sa maliliit na cubes

5 piraso o cloves bawang, tadtarin

3 cups bigas na malagkit

1 cup green peas

10 piraso tahong, nalinisan na

4 na kutsara kalamansi juice


1. Paghalu-haluin ang unang apat na sangkap sa isang bowl at itabi.

2. Sa isang malaking kaldero, paghaluin ang mga sumusunod: tubig, saffron at ang tinunaw na chicken cubes. Pakuluan ng bahagya sa mahinang apoy.

3. Balatan at tanggalan ng litid ang hipon, ngunit iwanan ang buntot na nakakabit at itabi

4. Sa isang malaking paella pan, painitin ang olive oil sa bahagyang lakas ng apoy.

5. Ilagay ang manok at i-sangkutsa sa loob ng 2 minuto sa magkabilaang gilid. Alisin sa kawali at itabi muna.

6. Ilagay naman ang hipon at i-sangkutsa sa loob ng 2 minuto. Alisin sa kawali at itabi muna.

7. Ilagay sunod ang chorizo at ham. I-sangkutsa rin ng dalawang minuto. Alisin sa kawali at itabi muna.

8. Bahagyang hinaan ang apoy at ilagay ang sibuyas at mga bell pepper. I-sangkutsa ng labinlimang minuto at patuloy na halu-haluin upang hindi masunog. Ilagay naman ang kamatis, paprika at bawang. Lutuin ng limang minuto. Ibuhos ang bigas, lutuin ng isang minuto at patuloy na haluin.

9. Ibuhos dito ang bowl na naglalaman na pinaghalong unang apat na sangkap na pampalasa, ang kaldero na naglalaman ng pinaghalo halong saffron at tinunaw na chicken cubes, manok, chorizo at ham at green peas. Hinaan ang apoy at pakuluan sa loob ng sampung minuto. Wag kalimutang halu-haluin.

10. Ipatong ang tahong sa ibabaw na ng kanin. Lutuin sa loob ng limang minuto o hanggang magbukas ang shell nito.

11. Ipatong na ang hipon at lutuin sa loob din ng limang minuto.

12. Ibuhos sa palibot ang lemon juice.

13. Tanggalin ang paella pan mula sa apoy at takpan ng bahagya sa loob ng sampung minuto bago ihain.


Tip/s:


1. Ham – mayroong iba’t ibang klase ng ham sa mga palengke at supermarket. Isa na rito ay ang “unsweetened” na klase.

2. Dilaw na bell pepper – kung walang mahanap na dilaw na bell pepper maaari ring gumamit ng green

About the author

Eiselle Joyce Hidalgo

Profession: Food Technologist/ Baker & Decorator
Flour Revolution: Art that can be eaten
Philippines , Quezon City , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.