Hanap niyo ba ay mura ngunit masarap na himagas? Ito ay perpektong ihanda para sa inyong mga anak. Hindi mo kailangang maggugol ng mahabang oras sa paggawa.
Ang paggawa ng graham balls ay isa din ito sa mga bonding moments ninyong pamilya. Dahil kayang kaya ito gawin ng inyong mga bata. Siguradong mag-eenjoy sila sa paggawa.
Mga Sangkap
3 tasa na crushed graham
1 tasa ng kondensadang gatas
1/2 tasa tsokolate para panlagay sa loob ng graham balls
1 pack ng maliit na kendi o sprinkle candy
Paraan sa Paggawa ng Graham Balls
1. Ihalo ang kondensada sa crushed graham, haluing mabuti at siguraduhing hindi basa o tuyo.
2. Dagdagan ng crushed graham kapag sobrang basa at dagdagan naman ng kondensada kapag ito ay tuyo.
3. Ibilog ito ng maayos at siguraduhing katamtaman lamang ang laki.
4. Lagyan ng tsokolate sa gitna at ibalik sa tamang pagkakabilog. Siguraduhing ang tsokolate ay nasa loob ng graham balls.
5. Ipaikot ang nagawang graham balls sa maliliit na kendi o sprinklee candy. (Maari din gumamit ng maliliit na marshmallow).
6. Palamigin ang graham balls sa loob ng refrigerator hanggang sa tumigas.