PAANO MABIGYAN NG KULAY ANG MATABANG NA RELASYON? MATAMLAY PAGSASAMA

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Lahat naman tayo eh naranasan yung parang nagiging matabang o boring ang relasyon kahit ayaw natin yon. Hindi naman sa nagkakasawaan kayo pero baka nababale-wala niyo na ang pakiramdam ng isat-isa dahil lagi naman kayong magkasama.

PAANO MABIGYAN NG KULAY ANG MATABANG NA RELASYON MATAMLAY PAGSASAMA

Oh baka naman unti-unti mong nararamdaman na lumalayo ang loob niyo sa isat-isa. Pero hanggat mahal niyo ang isat-isa, wag kang suusko dahil madami kang pwedeng gawin para maipanumbalik mo ang sigla ng samahan niyo. Eto ang ilang paraan para magawa mo yan:

- Kung parang paulit-ulit nalang ang mga bagay, trabaho, bahay, kakain baka mawalan ka nga ng gana. Subukang magplano ng mga get away o adventure. Mag-isip ng mga nakakakilig o romantikong lugar, gawain, pelikula at marami pang iba na hindi niyo pa nasusubukan. Basta gawin niyo lang yung iba sa nakasanayan. Syempre, isipin din ang schedule niya at kung kailan niya ba mas kailangan ang paglilibang. Kung minsan kasi, baka sa sobrang kagustuhan mo na gawin ang lahat ng nasa isip mo, masakal na siya.

- Wag magsawang sabihin ang nararamdaman nyo sa isat-isa. Kailangan talaga yan lalo na kung paranf napakatagal na ng huli mong sinabihan ng “mahal kita” ang kapartner o asawa mo.

- Palaging mag-set ng date, hanggat maaari linggo-linggo. Magastos? Hindi naman kailangan. Baka yung simpleng ipagluto mo siya eh okay na para manumbalik ang sweetness niyo sa isat-isa. Kapag nakikita niya na nag-eeffort ka, malamang na mag eeffort din siya.

- Baka pwedeng baguhin mo yung paraan niyo sa tuwing mgakikita kayo. Ibig sabihin, kapag titignan mo siya sa mata o kapag nakikita mo siya, ipakita mong masaya ka. Kapag hinahawakan mo ang partner mo o magkasama kayo, iparamdam sa kaniya na mahal mo siya at wag palaging tumingin sa kung saan saan pag magkasama kayo. Kapag kinakausap siya, hawakan mo ang kamay niya at titigan siya sa mga mata. Mas mararamdaman niya ang affection at pagmamahal mo kung gagawin mo yan.

- Maging mahinahon at magalang sa pakikipag-usap. Kung minsan yan ang dahilan kaya natatabangan kayo sa isat-isa kasi nawawala na ang respeto niyo. Laging tumawa ng magkasama. Weird ba? Sabi nga, Laughter is the best medicine at totoo din yan sa relasyon. Sa halip na magalit kapag may nagawa siyang mali, tawanan na lang ito. Manood din ng mga comedy films ng magkasama.

- Huwag ipagkait sa kanya ang sekswal na relasyon. Syempre depende yan kung kasal na ba kayo o hindi pa. Para kasi sa iba, ang bagay na yan ay para lang sa mag-asawa. Kung handa ka na, wag mong hayaang hanapin niya iyon sa iba.

- Palaging ikwento at pagkwentuhin siya sa mga palano niyo o ambisyon sa hinaharap. Kapag may problema o kahit maliliit na bagay na iniisip mo, sabihin mo yun sakanya. Syempre, makinig. Mararamdaman kasi yan ng partner mo kung hindi ka naman talaga interesdao sa sinasabi niya. Sa mga panahong masaya ka at malungkot, siguraduhing alam niya yon o nandoon siya.

- Balikan ang mga lugar, pagkain o mga gamit na magpapa-alala sainyo ng matatamis na samahan niyo noon.


Hindi laging madaling sabayan ang mood ng isat-isa pero kung uunawain niyo ang nararamdaman ng bawat isa, magtatagumpay kayo at magiging makulay ang relasyon niyo gaya ng dati. Subukan ang mga yan.

About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)