PAANO UMAKIT NG LALAKI? PAYO PANO MANG-AKIT AT MAGUSTUHAN NG LALAKE?

Liezel Cervantes
is a Interior designer / Travel agent in Russian Federation

Matagal mo ng gusto ang lalaking ito ngunit nahihirapan kang maging malapit sa kanya. Subukan mo ang mga tips na ito para akitin mo ang lalaking gusto mo. 

Huwag mag-aalala dahil ito ay mga payo na ng mga psychologists at siyentipiko na magiging daan para magkaroon kayo ng “spark”. Sa totoo lang, ang iba rito ay sinabi na rin ng mga kaibigan mong babae. Kaya, hayan, basahin ng matuto.


1. Magkaroon ng malaking tiwala sa sarili.

Magkaroon ng tiwala sa sarili katulad ng isang super-model. Maging isang babae na alam kung ano ang gusto niya at alam kung paano ito kunin. Iba naman ang pagiging arogante at mayabang. Baguhin ang sarili na may sariwang kaisipan, magpagupit ng bagong istilo, magpapayat. Tingnan ang postura, dapat kung nakatayo ka ay breast out ang iyong posisyon. Ang mga lalaki ay nai-impress sa mga babaeng malakas ang tiwala sa sarili.


Naipapakita rin ito sa inyong pag-uusap. Kung ikaw ay matalino, ipakita ito ng dahan-dahan, ikung ikaw ay may sense of humor, huwag itong itago. Iparamdam sa kanya na ikaw ay babaeng komportable sa iyong sarili.


2. Gumamit ng tamang pabango.

Ang pabango ay isa sa mga nagbibigay ng malaking impluwensya na nakakaapekto sa panghusga ng tao. Sa isang surbey na ginawa, walumpu at siyam (89%) ng mga lalaki ay nagsabi na ang pabango ay nakadaragdag ng ganda ng isang babae. Limampu at limang porsyento (55%) sa mga lalaki na yun na sumagot sa surbey ay inamin na nai-inlove o naaakit sila sa mga babaeng may angking bango.


Kaya ikaw, gumamit ng tamang pabango kung gusto mo maakit ang lalaki, ngunit huwag mo namang sobrahan. Maglagay sa pulso, sa likod ng tainga, sa may siko, sa likod ng tuhod at sa loob na bahagi ng iyong bukung-bukong. Maari mo ring i-spray ang iyong pabango sa hangin at daanan ito upang maging bahagi ng iyong katawan. Lagyan ang iyong pabango na kung maaamoy niya ay maaalala ka niya.


3. Sa pagdadamit, huwag magpakita ng sobrang balat.

May tamang paraan ng pagdadamit na lubhang nakakaakit sa mga lalaki. Hindi ibig sabihin nito ay magsuot ka ng maiikli dahil turn-off ito sa mga lalaki. Kailangan mong ikonsidera kung aling parte ng katawan mo ang iyong ipapakita base sa iyong kasuotan. Karamihan sa mga lalaki ay naaakit sa pananamit ng babae na nai-enhance o nakakaragdag sa isang parte ng katawan na hindi na kailangan pa magpakita ng balat. Huwag din kalimutan ang paglalagay ng hikaw, pulseras at kwintas. Ang pagkakaroon ng alahas ay nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa iyong sarili,


4. Samahan ng ngiti ang pagtingin o eye contact.

Narinig mo na siguro na mahalaga ang eye contact sa pagpapataas ng lebel ng atraksyon at pag-akit o flirting. Pero samahan mo yan ng pag-ngiti at doble ang magiging epekto nito. Isang pamantasan sa Missouri, USA ay nagsagawa ng eksperimento ukol dito. Kanilang napatunayan na ang babae na nakaupo sa isang bar at eye contact lamang ang ginamit ay may tsansa ng dalawampung porsyento (20%) na maari siyang lapitan ng mga lalaki. Ngunit ang pinagsamang eye contact at pagngiti ay nagbigay ng animnapung porsyento (60%) ng pagkakataon na lapitan ka ng mga lalaki. Ito ay nagpapatunay na higit sa paglalagay ng meyk-ap (make up) o ilang oras na pag-aayos ng buhok mo, ang pag ngiti ang higit mong kailangan.


5. Gayahin ang kilos niya.

Mayroong pag-aaral na ginawa na ang paggagaya ng kilos ng isang tao ay nakadaragdag ng interes o pagka-interesado niya sa iyo. Sa English ito ay tinatawag na “mirroring” na kadalasan ay nangyayari sa mga magsing-irog o magkaibigan, ngunit ito ay may epekto sa bawat isa ng hindi namamalayan. Halimbawa na siya ay naka-halukipkip, maghintay ng ilang minuto at gayahin siya o kung siya naman ay uminom, gayahin mo rin siya. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay kopyahin mo ang bawat gawin niya.


6. Ilapit at iharap ang katawan sa kanya kapag kausap

Mahalaga ang sinasabi ng iyong katawan o body language. Ito ay nagbibigay ng signal kung ikaw ay interesado sa kanya. Kung kayo ay nag-uusap, iharap ang katawan sa kanya at bigyan siya ng buong atensyon. I-anggulo ang katawan na palapit sa kanya kung may sinasabi siya kung hindi mo masyadong marinig. Ito ay senyales o nagpapakita ng iyong pagpapahalaga na gusto mo ang sinasabi niya.


7. Magpakita ng tanda na gusto mo siya.

Ngayon, ito na ang panahon na pakitaan mo siya na may kaunting pag-asa na gusto mo nga siya. Alisin ang dumi sa kanyang t-shirt kahit wala naman. Hawiin ang buhok habang nakatingin siya sa iyo. Basain at kagatin ang iyong mga labi paminsan-minsan. Ang mga lalaking eksperyensyado ay mababasa ang sinyales o signal na ito, ang mga lalaking baguhan ay makakaramdam na may kakaiba sa ikinikilos mo.


8. Hawakan ang tamang parte ng kanyang katawan.

Kung ikaw ay may aabuting isang bagay, kunyaring hawakan ang kanyang kamay. Huwag masyadong ipahalata ito sa kanya. Kung siya ay nagbigay ng biro, at ikaw ay natawa hawakan ang kanyang braso. Ito ay nagkakaroon ng koneksyon sa inyong dalawa. At ito rin ay nagbibigay tanda na hindi ka interesado sa pagiging magkaibigan ninyong dalawa kung hindi ay higit pa.


9. Maglakad sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Ang kaliwang bahagi ng iyong katawan ay nakakonekta sa iyong kanang utak. Ito ang nagpoproseso ng emosyon at ganda samantalang ang kaliwang utak naman ay ang gumagawa ng lohika at mga rason. Sinasabi na ang paglalakad sa kanyang kaliwa at pagsasalita sa kaliwang tainga niya ay nakakaapekto sa kanyang kanang utak. Ibig sabihin nito nai-stimulate ang kanyang emosyon kung ikaw ay nagsasalita. Isang pagsasaliksik sa Sam Houston State University ay napatunayan na ang mga salitang emosyonal, lalo na at naririnig sa kaliwang tainga ay madali niyang makuha at maintindihan. Ibig sabihin nito ay ikaw ay madaling makakonekta sa kanyang kaisipan.


10. Kunwari hard-to-get ka o magpakipot konti

Kung sobra na kayong malapit sa isa’t isa, unti-unting huwag magparamdam ng ilang araw. Sa ganitong paraan ay mami-miss ka niya at mae-excite na muli ka niyang makasama. Maging busy sa iyong mga ginagawa. Huwag maunang magpadala ng text na ikaw ang mau-una, dahil ang tunay na lalaki na gusto ka na talaga ay gagawa at gagawa ng paraan para ikaw ay makasama o makausap niya. At mas maganda ay ma-challenge siya sa iyo. Ang mga lalaki ay “hunters” o sila yung naghahanap. Natutuwa sila kung nakuha nila ang isang bagay na kanilang pinaghirapan. Kaya umabante ka ng dalawang beses at atras ng kaunti. Dahil dito mas lalo ka pa niyang hahanap-hanapin.


Sa pagtatapos, kailangan maramdaman ng lalaki na pinaghirapan ka niya. Ibigay ang sitwasyon na siya ay nagtagumpay, siya ang bayani. Nagbibigay ito ng seguridad sa kanilang sarili. Huwag kailanman ipakita na ikaw ay desperado dahil ito ang magpapalayo sa kanya. Gawing magaan lang ang bawat bagay dahil hindi mo namamalayan ay in love na siya sa iyo at handa ka na niyang ligawan. Good luck!

 

 

About the author

Liezel Cervantes

Profession: Interior designer / Travel agent
Russian Federation , Central , Moscow
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)