Ang Kahalagahan ng Relihiyon sa Pananampalataya ni Dostoyevsky-Religion, Life, Times, Works

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Isang Rusong manunulat si Fyodor Mikhailovich Dostoevsky ( 11 Nob 1821 – 9 Peb 1881). Ngunit hindi lamang siya nagsulat ng mga nobela, maikling kwento at sanaysay, isa rin siyang pilosopo. Tinalakay sa mga pampanitikang akda ni Dostoevksy ang sikolohiya ng taong nasadlak sa isang masalimoot na kalagayang sosyal, pulitikal at spiritwal ng bansang Russia noong ika 19 na siglo. Nagsimulang magsulat si Dostoevsky sa edad na 20 at ang kauna-unahan niyang nobela na pinamagatang Poor Folk ay inilimbag sa taong 1845 noong siya 25 taong gulang. Ang ilan sa mga pangunahin niyang obra ay ang Crime and Punishment (1866), The Idiot ( 1869), at ang The Brothers Karamazov ( 1880). Itinututring siyang isa sa pinakadakila at kilalang sikologo sa mundo ng panitikan. Religion is not only an essential but a very important part of our lives. Most people would find it very difficult to live without religion or spirituality.


Isinilang sa Moscow noong 1821, nagisnan ni Dostoevksy ang mundo ng panitikan sa murang edad sa pagbabasa ng mga fairy tales, alamat at mga akdang likha ng mga Rusong manunulat. Namatay ang kanyang ina noong 1837 noong siya’y 15 taong gulang. Noong mga panahong ding iyon nag-aral siya sa Nikolayev Military Engineering Institute. Nang matapos, nagtrabaho siya bilang inhinyero at panandaliang nakaranas ng kaginhawaan sa buhay. Nagsalin din siya ng mga libro para ma dagdagan ang kanyang kita. Taong 1840 nang sinimulan niyang isulat ang Poor Folk na naglunsad sa kanya para mapabilang sa lupon ng mga tanyag na manunulat sa St Petersburg.


Taong 1849 nang maaresto siya dahil sa kanyang pagkakadawit sa Petrashevsky Circle, isang sekretong samahan ng mga liberal utopians na tumatalakay din sa mga usaping pampanitikan. Nahatulang mamatay sa firing squad ang kanyang grupo ngunit ilang sandali bago sila barilin, ibinaba ni Tsar Nicholas ang parusa sa 4 na taong hard labor sa Siberia. Ang pagkakaroon niya ng seizures na maaring taglay na niya noon pang 1839 ay lumala sa kalaunan nang masuri siyang may sakit na epilepsy. Nang makalaya, sapilitan siyang pinag sundalo bago ma-discharge dahil sa kanyang kalusugan.


Nagtrabaho si Dostoevksy bilang mamamahayag; naglimbag at nag-edit din siya ng sarili niyang mga magasin at ng sarili niyang akda :A Writier’s Diary - isang koleksyon ng kanyang mga isinulat. Nagsimula siyang maglakbay sa kanlurang europa. Nagumon siya sa sugal at nalugmok sa problemang pampinansyal. May mga panahon na kinkailangan pa niyang manghingi ng pera bagamat di nagtagal at napabilang na siya sa mga manunulat na binabasa ng marami at tinitingala na mga kapwa Rusong manunuulat. Isinalin ang kanyang mga likha sa 170’ng iba’t ibang wika at bumenta ang mga ito ng 15 milyong kopya. Na-impluwensiyahan ni Dostoevksy ang napakaraming mga magagaling na manunulat, mula kay Anton Chekov at James Joyce hanggang kina Ernest Hemingway at Jean Paul Sarte.


Lumaki si Dostoevsky sa isang relihiyosong pamilya at may kaalaman na siya sa mga ebanghelyo sa murang edad. Naimpluwensiyahan siya ng isang isinalin sa wikang Russian na akda ni Johannes Hubner na pinamagatang One Hundred and Four Sacred Stories from the Old and New Testaments Selected for Children (isang bibliya at katekismo para sa mga bata). Sa murang edad, nagsisimba na siya tuwing linggo at tinungo na ang monsateryo ni San Serguis sa isang pilgrimage. Tinuruan din siya ng relihiyon ng isang dekano sa hospital. Isa sa mga hindi niya malimutan noong siya’y bata pa ay ang pagbasa niya ng mga dasal sa harap ng mga panauhin at ang pagbasa niya sa Book of Job na ayon sa kanya’y nakapagpamangha na sa kanya kahit sa murang edad noong mga panahong iyon..


Ayon sa isang opisyal ng military academy, napaka relihiyosong tao ni Dostoevksy at isang Orthodox. Madalas niyang basahin ang mga ebanghelyo at ang Hours of Devotion ni Heinrich Zschokke na tinaguriang “isang pangaral ng kristiyanismo sa paraang emosyonal at walang bahid ng doktrina at sa halip ay may malaking pagsasa-alang-alang sa pagkakaroon ng isang maka-kristiyanong pagmamamhal sa mga situwasyong pang-sosyal.” Ang librong ito ang maaring nag-udyok kay Dostoevsk’ng magka-interes sa tinatawag na Christian Socialism. Gabay ang mga pampanitikang obra nina Hoffman, Balzac, Eugene Sue at Goethe, nagkaroon si Dostoevsky ng sariling niyang sistema ng paniniwala na kahalintulad ng Russian Sectarianism at ng sinaunang mga paniniwala.


Matapos ma-aresto at ang hindi pagkakatuloy ng pag firing squad na nauwi sa pagkakabilanggo na lamang, lubos niyang pinag balingan ng pansin si Kristo at ang Bagong Tipan, ang natatanging librong pinahintulutan sa loob ng presohan. Ayon kay Dostoevsky isa siyang nilalang na walang pinaniniwalaan hanggang sa mga sandaling iyon at sigurado siyang hanggang sa kamatayan ay mananatili siyang ganun. Ngunit nang mas makilala niya si Kristo sinabi niyang “ kung sakaling may makapagpapatunay na ang katotohanan ay hindi si Kristo, pipilliin ko pa ring manatili kay Kristo sa halip na manatili sa katotohanang iyon.”


Sa bayan ng Semipalatinsk, mas lalo pang pinasigla ni Dostoevksy ang kanyang pananampalataya sa madalas niyang pagtingin sa mga bituin sa langit. Isa sa mga nakapansin sa kanya ang nagsabing “may pagka banal siya ngunit hindi siya madalas magsimba at kinamumuhian niya ang mga pari lalo na yung mga paring Siberian.” Ngunit buong galak naman siya kung magkwento tungkol kay Hesus. Sinubukan din ni Dostoyevsky ang relihiyong Islam at sinabihan pa ang kanyang kapatid na padalhan siya ng kopya ng Quran. Mas lalo pang tumibay ang kanyang pananalig nang magkaroon siya ng dalawang pilgrimage at mabasa ang dalawang akda ng Arsobispong si Dmitri Rostovsky na may malaking impluwensiya sa panitikang Ukrainian at Russian dahil sa kanyang mga relihiyosong dula.


Ngunit nanatiling tila walang kasiguruhan ang paniniwala ni Dostoevsky dahil hindi naman niya ito lantarang ipinahayag. Sa isang pagkakataon sinagot niya ang isang tanong na may kinalaman sa pagpapakamatay na tinalakay niya sa Diary of a Writer. Nabanggit din niyang isa siyang “pilosopong deista” – na mula naman sa akdang The Adolescent. May paniniwala rin si Dostoevsky tungkol sa mga doktrina tulad ng Trinidad – na kanyang tinalakay sa The Brothers Karamazov, ngunit may pahiwatig na maaring hindi niya itong lubusang naunawaan. Dagdag dito isinulat din niya sa kanyang Diaries na ang babaeng bida na si George Sand ay “ namatay na isang deista, at may matatag na na pananampalataya sa Diyos at sa kawalang kamatayan ng kaluluwa“ bagamat ang mga deista noong mga pananong iyon ay may iba’t ibang paniniwla tungkol sa kawalang kamatayan ng isang kaluluwa.


Kung susuriin ang mga relihiyosong pananaw ni Dostoevsky sa Crime and Punishment, The Idiot at The Brothers Karamazov, ipinapalagay na pawang isang pananampalatayang pang Kristiyanong orthodox ang meron siya maliban na lamang sa kanyang pananaw na may kinalaman sa kaligtasan ng tao at kasalanan. Para kay Dostoevsky ang kasalukuyang buhay ay mahahalintulad sa isang purgatoryo na pinagdurusahan na ng tao ang kanyang mga kasalanan. Ngunit kaka-iba ang paniniwlanag ito sa doktrinang kristiyano: na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ni Kristo. May ilan ding nakitaan si Dostoevsky na maaarig nabahiran ng paniniwalang may pagka - Islam at Buddhist.


Ika 25 ng Enero taong 1881 - matapos paghahanapin ng secret police ng Tsar ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Tsar Alexander sa kalapit na kwarto ng kinaroroonan din ng apartment ni Dostoevsky, nagkaroon ng pulmonmary haemorrhage si Dostoevsky. Ngunit itinanggi ng asawa ni Dostoevsky na ang mga pulis ang naging dahilan sa pagkamatay niya. Ayon sa asawa niyang si Anna, nagkaroon na ng haemorrhage si Dostoevsky habang hinahanaap ang takip ng kanyang panulat.


Hanggang sa kahulihulihan, may kinalaman sa bibliya ang mga huling salita ni Dostoevsky na mula pa kay Mathew 3 14-15. Inilibing siya sa sementeryo ng Tikhvin sa Kumbentong Alexander Nevsky at malapit ang kanyang puntod sa mga paborito niyang makatang sina Karamsin at Zhukovsky. Hindi malinaw kung ilan ang nakiramay sa kanyang libing. Ayon sa isang tagapag ulat may 100,000; ang iba naman nasa 40k at 50k.


Nakasulat sa kanyang puntod ang mga salitang galing sa Bagong Tipan:


Verily, verily, I say unto you, Except a corn of wheat fall into the ground and die, it abideth alone: but if it die, it bringeth forth much fruit.”

— Jesus, from John 12:24


Tulad ng maraming mga OFW may pananalig tayo kay Hesu Kristo. Ang iba naman ay kay Allah. Ipinkikita lamang dito na ordinaryo o dakilang tao man, may papel na ginagampanang mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao. Sa mga panahong tila minamaliit ang kahalagahan ng relihiyon at isinasa-walang bahala na lamang ito sa mga samu’t saring isyu na kinakaharap ng ating lipunan ngayon, mainam na ating gunitain ang kwento ni Dostoevsky: Na sa gitna ng ating pag-iral sa mundong ibabaw, hindi maaring mawala ang isang pananamapalataya, ang isang relihiyong nagtagalay ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.


Reference:


1. Picture taken from wikipedia




Any successful accomplishment that has ever been achieved is a product of an essential trait called persistence. The ability to hold on or to get back up after we have been knocked down is essential for us to achieve any real success, because there will be failures along the way and it is how we deal with these failures that will determine the outcome of any endeavour that we undertake. Things don't usually go as planned. So be ready when the inevitable roadblocks stand in your way. Failure teaches a lot more than success.

Regular planning is critical for running a business but preparedness and persistence is even more important than the best possible business plan. Have you allowed doubt to creep in and rationalize that it "Must not have been meant to be" because you encountered some opinion or obstacle that seemed to hard to overcome?

As leaders, persistence is a quality that we absolutely have to have, nobody will follow a quitter, if that is our reputation then why should people follow us. If we lack persistence they know that at the first sign of trouble we will waver and at the first failure there is a high probability that we will quit. Persistence is about being willing to fail, learning from the experience, and trying again


An inspiring quote about persistence comes from Martin Luther King Jr. said, "If you can't fly you run, if you can't run you walk, if you can't walk you crawl. But no matter what, you keep moving forward." Regardless of what your dream may be, and no matter how big or small it is, if you had the ability to think it, you can most certainly and surely have the ability to accomplish it, if you’ll choose to persist. One of the reasons why the great scientists, businessmen, authors, politicians etc. are so successful is because they persisted when everything and nearly everyone around them was indicating failure.

1 person likes this

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.