Ang Pagkabingi ni Beethoven: The Power of Persistence Against All Odds

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Sa edad na 26 taong 1796 nagsimula nang mabingi si Beethoven. Nagkaroon siya ng matinding uri ng tinnitus. Nahirapan na siyang marinig ang musika dahil sa “pagtunog” o “ ringing” sa kanyang tainga at iniwasan na rin niyang makipag-usap. Hindi malaman ang sanhi ng pagka bingi ni Beethoven bagamat idinadahilan ito sa typhus, at mga sakit na may kinalaman sa kanyang auto-immune tulad ng systemic lupus erythematosus, at dahil na rin sa nakagawiang paglulublob ng kanyang ulo sa malamig na tubig upang hindi siya makatulog. Nang siya’y na-autopsy nagkaroong siya ng “ distended inner ear” na nauwi sa isang sugat sa takbo ng panahon. The ability to hold on or to get back up after we have been knocked down is essential for us to achieve any real success, because there will be failures along the way and it is how we deal with these failures that will determine the outcome of any endeavour that we undertake.


Noong 1801, sumulat si Beethoven sa kanyang mga kaibigan tungkol sa mga simptomas at paghihirap dulot ng kanyang sakit sa tainga at kung papaano nito na-aapektuhan ang kanyang pagiging propesyunal at ang pakikisalamuha niya sa ibang tao, bagamat alam na marahil ito ng ilan niyang mga kaibigan. Pinayuhan ng doctor si Beethoven na manirahan sa maliit na bayan ng Heiligenstadt sa may dakong labas ng Vienna noong Oktubre ng 1802 upang harapin ang karamdamang bumabalisa sa kanya.

Doon niya isinulat ang Heiligenstadt Testament, mga sulat na naglalaman sa isang banda, ng kanyang mga naiisip kasama na ang intensyong pagpapakamatay bunsod ng lumalalang pagkabingi at sa isang banda naman ang resolusyon niyang mabuhay para sa at sa pamamagitan ng kanyang sining.


Di naglaon at lumala ang kanyang pagkakabingi. May malakas na basehan sa siste na matapos ipalabas ang Ika 9 na Simponiya, kailangan pa siyang alalayang ipatalikod upang makita niya ang masigabong nagpapalakpakang manonood. Ngunit tanto niyang wala na siyang marinig at napaiyak na lamang dala ng pighati. Ngunit hindi naging hadlang sa paggawa ng musika ang pagkabingi ni Beethoven, bagamat nahirapan na siyang tumugtog sa mga konserto na pinagkakakitaan niya ng malaking pera, . Nang mabigo siyang ipalabas ang kanyang Piano Concert No. 5 (The Emperor) noong taong 1811, hindi na siya muling nagpalabas pa sa publiko.


May koleksyon ng hearing aids si Beethoven tulad ng espesyal niyang ear horn, na makikita sa Beethoven House Museum sa Bonn, Germany. Kahit nahihirapan, napanasin ni Czerny na nakaririnig pa sa musika at salita si Beethoven hanggang 1812. Bagamat pagsapit ng 1814, lubusan nang bingi si Beethoven, at nang minsa’y nakita siyang tumutugtog nang malakas na arpeggio at may mala-kulog na mga bajo sa kanyang piano at sinabi niyang, “ang ganda ‘di ba?”, naawa sila sa kanya bunga ng ipinakita niyang kagitingan at kakayahang magpatawa sa kabila ng kanyang lumalalang kondisyon.


Bunga ng pagkakabingi ni Beethoven, naging mayaman na pinagkukunan ng impomasyion ang tinatawag na mga conversation books na ginamit ni Beethoven upang makipag-usap sa mga huling 10 taon ng kanyang buhay. Sumulat ang kanyang mga kaibigan sa mga librong ito upang malaman niya kung ano ang kanilang sinasabi na kanya namang sinagot nang pasulat o gamit ang kanynag boses. Nilalaman ng libro ang mga talakayan sa musika at iba pang mga bagaybagay, na nagbigay din ng ilang tinatawag na insight kung papaano mag-isip si Beethoven. Naging sanhi rin ang conversation books ng mga imbestigasyon kung sa papaanong paraan nais ni Beethoven tugtugin ang kanyang musika at ganun na rin ang kanyang pananaw tungkol sa ugnayan niya at ang larangan ng sining. Sa 400 conversation books sinasabing 264 ang mga nasira o nabago bago mamatay si Beethoven.


Nabagabag ang personal na pamumuhay ni Beethoven dahilan sa kanyang pagka bingi at pagiging mainisin sanhi ng madalas na pagsakit ng kanyang tiyan noong siya’y nasa edad 20 pataas na minsa’y nagtulak sa mga balakin niyang pagpapakamatay. Mainitin ang ulo ni Beethoven. Dumanas siya ng paghihirap sanhi ng bipolar disorder . Ganunpaman pinagmalasakitan din siya ng malalapit niyang mga kaibigan na hanggang sa kahulihulihan ay tinulungan siyang makayanan ang kanyang mga kapansanan.


Sinasabing kinamumuhian din ni Beethoven ang awtoridad at ang pagkahumaling ng mga tao na mapabilang sa kung saang estado ng buhay. Bigla siyang napapatigil sa pagtugtog ng piano kapag maingay ang mga manonood o hindi siya gaanong binibigyang pansin. Kapag may mga pagtitipon, tumatanggi siyang magpalabas kapag ora-orada ang mga requests sa kanya para tumugtog. Kalaunan, matapos ang maraming mga pakikipagtunggalian ni Beethoven sa mga alituntuning pang lipunan, iniutos ni Archduke Rudolf na ang mga alituntunin pang-etiketa sa palasyo ay hindi maaring ipataw kay Beethoven.


Na-enganyo din si Beethoven sa mga prinsipyong may kinalaman sa Enlightenment. Noong taong 1804, nang maliwanag na ang mga ambisyong imperyal ni Napoleon, kinuha niya ang paunang pahina ng kanyang Ikatlong Simponiya at kusang tinanggal ang pamagat na Bonaparte sa pagbutas sa papel. Pinalitan niya ang pamagat at ginawa itong, “Sinfonia Eroica, comosta per festeggiare il sovvenire d’un grand’uom” o (Heroic symphony, composed to celebrate the memory of a great man.”), at muling inihandog ang kanyang musika para sa patron niyang si Prinsipe Joseph Franz von Lobkowitz nang muli niyang tugtugin ito sa palasyo ng prinsipe.


Isinulat ni Beethoven ang huli niyang mga quartet nang simula nang manghina ang kanyang katawan. Nagkasakit siya noong buwan ng Abril taong 1825 na tumagal nang isang buwan. Ang pagkakasakit niyang iyon, at sa isang banda ang paggaling niya mula rito ay madarama sa malalalim at malungkot niyang ika 15 Quartet, na tinawag ni Beethoveng “Banal na kantang pasasalamat”. Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng ika 13, 14, at 16 na quartet. Nagkasakit muli siya noong buwan ng Disyembre taong 1826.


Nanatiling nakaratay sa kama ng karamdaman si Beethoven sa mga nalalabing buwan ng kanyang buhay hanggang sa siya’y pumanaw noong ika 26 ng Marso taon 1827 sa edad na 56. May mga saksi sa malalakas na pagkulog noong mga panahong iyon, na tila baga mismo ang kalikasan ay nakikiluksa sa kanyang paglisan. Ayon sa autopsy ni Beethoven sakit sa atay sanhi ng labis na pag-inom ng alak ang kanyang ikinamatay .


Dinaluhan ng higit kumulang 20000 taga Vienna ang funeral procession ni Beethoven noon ika 29 ng Marso. Makalipas ang isang taon, namatay di ang isa pang tanyang na musikero at kaibigang si Franz Schubert na ang mga labi ay inilagay malapit sa libingan ni Beethoven.

Musikerong hindi makaranig si Beethoven. At di ba may pintor ding walang kamay? Kung Fu Master na hindi makakita? Atletang walang paa? Ilan lamang ito na dapat nating bigyang pansin dahil may kakayahan ang taong pag-ibayuhin pa ang kasalakuyang kalagayan sa buhay kahit may kapansanan. Bilang mga Overseas Filipino (OFW) marami ring bumabagabag sa atin sa araw araw, ngunit hindi ito dahilan upang mawalan tayo ng pag-asang ipagpatuloy ang mabuting gawain hindi lamang para sa ating mga sarili at mga minamahal sa buhay kundi sa ating Dakilang Manlilikha.

Reference:

Photo courtesy of Wikipedia


Any successful accomplishment that has ever been achieved is a product of an essential trait called persistence. The ability to hold on or to get back up after we have been knocked down is essential for us to achieve any real success, because there will be failures along the way and it is how we deal with these failures that will determine the outcome of any endeavour that we undertake. Things don't usually go as planned. So be ready when the inevitable roadblocks stand in your way. Failure teaches a lot more than success.

Regular planning is critical for running a business but preparedness and persistence is even more important than the best possible business plan. Have you allowed doubt to creep in and rationalize that it "Must not have been meant to be" because you encountered some opinion or obstacle that seemed to hard to overcome?

As leaders, persistence is a quality that we absolutely have to have, nobody will follow a quitter, if that is our reputation then why should people follow us. If we lack persistence they know that at the first sign of trouble we will waver and at the first failure there is a high probability that we will quit. Persistence is about being willing to fail, learning from the experience, and trying again


An inspiring quote about persistence comes from Martin Luther King Jr. said, "If you can't fly you run, if you can't run you walk, if you can't walk you crawl. But no matter what, you keep moving forward." Regardless of what your dream may be, and no matter how big or small it is, if you had the ability to think it, you can most certainly and surely have the ability to accomplish it, if you’ll choose to persist. One of the reasons why the great scientists, businessmen, authors, politicians etc. are so successful is because they persisted when everything and nearly everyone around them was indicating failure.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.