Epektibong Mga Paraan sa Pagbukas ng Mahigpit na Takpin ng Garapon o Bote
Hirap Buksan ang Tuppeware Dahil sa Sebo Pwersahang Pagbukas- Sa paraang ito kinakailangan ng buong lakas sa pagpihit ng takip.
Paggamit ng Tela o Gawa sa Goma- Kung madulas ang kamay gumamit ng basahan at subukang buksan ulit. Mas madaling buksan kung gawa sa goma ang ilalagay sa takip upang hindi dumulas.
Pagsira ng Takip- Kapag bago pa ang takip mas madali itong tanggalin sa pamamagitan ng paggamit ng bottle opener at paghila ng takip nito.
Pagbabad sa Mainit- Subukang ibabad ang takip sa mainit na tubig ng ilang minuto dahil ang bakal kapag mainit ay lumiliit. Sa paraang ito mapapabilis ang pagbukas nito.
Pagpukpok- Isa sa mga maaring gawin ay ang pag pukpok ng takip gamit ang hawakan ng kutsara o tinidor. Dahil dito mawawala ang pagkakalapat ng takip sa bote o garapon.
Pagbabad sa mainit at malamig- Kapag may ulam na may matinding sebo at hirap buksan ang takip ng tupperware o microwavable na lagayan, naghanda ng mainit na tubig at malamig. Ibabad ang bandang ilalim ng malamig na tubig ng mga tatlong minuto. Pagkatapos ibabad naman ang bandang takip sa mainit na tubig. Dahil dito magkakaroon ng reaksyon ang banda ibaba bahagi magiging malaki at magiging maliit naman ang bandang itaas. Sa pamamagitan nito magiging malambot na ang takip at tuluyan ng mabuksan.