Paano manalo sa paligsahan ng pagkanta? Paraan manalo singing contest!

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ano paraan para manalo sa singing competition?

Nasubukan mo na bang sumali sa singing contest? Kung oo, malamang na alam na alam mo ang pakiramdam gaya ng kaba, nerbyos at panginginig. Kung first timer ka naman, baka gusto mo ng sumuko o hindi mo lang talaga alam kung pano haharap sa audience o kung ano talaga ang gagawin mo.

Pero sabi nga nila, hindi naman lahat eh nabiyayaan ng ginintuang boses kaya kung maganda ang boses mo, sumali ka ng sumali sa mga kompetisyon. Pero sa totoo lang, kahit gano kagaling kumanta ang isa, nauunahan pa din siya ng takot at hiya. Ano bang pwede mong gawin para matiyak ang pag-kapanalo? Hindi mo yan masisigurado, pero makakapag-handa ka! Paltan ng postibong kaisipan ang mga kinatatakot mo. Tignan ang sumusunod na mga tips:

- Ibigay ang best mo. May mga singer o mang-aawit na nakakalimutan ang lyrics ng kanta dahil sa kaba. Pero kung talagang pinag-praktisan mo ng mabuti, imposibleng makalimutan mo yan. Kung kaba naman ang problema mo, magpraktis sa harap ng mga taong kampante ka. Iwasan mong isiping makakalimutan mo ang lyrics at na mapapahiya ka. Positive lang! Isipin kung mas makakakanta ka ba ng mag-isa o may kasamang banda. Pag-dating naman sa audition, ibigay na agad ang best mo. Tandaan na ‘first impression last”. Pabilibin agad ang mga hurado sa umpisa pa lang. Pero tiyakin na hindi ang pinaka magandang kanta na kayang-kaya mong kantahin ang gagamitin mo sa audition. Kailangang makita ng mga hurado na bawat round ng kompetisyon, mas pahusay ng pahusay ka.

- Kapag pipili ng sasalihan, siguraduhin mo na angkop ang boses mo o singing genre sa hinahanap ng kompetisyon. Wag munang sumabak sa malakihang kompetisyon. Subukan mo muna sa mga baranggay singing contest o mga contest sa paaralan niyo. Kapag handa ka na, tumngin online sa mga kompetisyon na pang-malakihan.

- Pumili ang angkop na kanta. Syempre ito ang pinaka mahalaga. Kantahin ang kantang sapalagay mo eh bagay sayo at kaya mong I-deliver ng maayos at kakaiba sa orihinal. Mas gusto ng mga hurado at manonood kapag kakaiba ang performance mo kaysa sa gayang-gayang pagkanta. Kung minsan pa nga, kailangan mong gamitin ang kamay o katawan mo sa pagbibigay buhay sa kanta mo. Pero wag masyadong sumayaw. Wag piliin ang kanta dahil lang sa gusto mo yon. Baka kasi yung gusto nating kanta ay hindi bagay sa atin o sa boses natin. Basahin ang lyrics ng kanta at alamin kung ano ang mensahe na gustong ihatid nito. Makakatulong talaga yan para maging mas buhay ang kanta mo. Kung minsan pa nga, mapapatayo habang pumapalakpak ang mga hurado kapag naantig ang puso nila sa kanta mo.

- Isipin din kung ano ang mga problema na pwedeng mangyari. Hindi mo naman kailangan na sobrang mag-alala. Halimbawa, baka problema mo ang sobrang pag galaw habang nasa stage at matapilok ka. Araling mabuti sa bahay ang gagawin mo. Pag dating sa kompetisyon, isiping mananalo ka.

- Manamit ng angkop sa edad, kanta at sa imahe na gusto mong ikasikat mo. Depende yan sa theme o genre ng kakantahin mo. Pag-isipan mong mabuti ang konsepto mo dahil malaki ang epekto niyan sa ikakapanalo mo. Kumanta din mula sa puso.

- Gamiting mabuti ang stage. Isipin na isa ka talagang performer at wag manatili lang na nakatayo sa iisang lugar. Makakatulong kung manonood ka sa mahuhusay na singer. Pero hindi mo kailangan gayahin ang lahat.


Ang ikakapanalo mo, nakadepende talaga sayo yan. Isipin na kaya mo at manalo man o matalo, wag kang susuko. Nakatulong sana sayo ang mag to para manalo ka sa kompetisyon.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.