SINO SI TONY TAN CAKTIONG? TALAMBUHAY MAYARI NG JOLIBEE, SEKRETO YAMAN

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Paano ba yumaman ang isang Tony Tan Caktiong?

Isa na nga yata sa pinaka-sikat na fast food chain sa kasaysayan ng mga pinoy ,mula noon hanggang ngayon eh ang Jolibee. Para sa mga bata man o matatanda, palaging “Bida ang Sarap” gaya ng kilalang tagline nito. Sino nga ba ang nasa likod ng isa sa pinaka-successful na fast food chain hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa? Walang iba kundi si Tony Tan Caktiong at meron siyang di kukulangin sa 1500 na mga store brands gaya ng Red Ribbon, Greenwich, Mang Inasal, Manong Pepe’s, Chowking at marami pang iba. Ano ba ang nasa likod ng tagumpay niya na iyan?

Ipinanganak noong January 5, 1953 mula sa Fuijan China, lumipat ang kaniyang pamilya sa Pilipinas sa pag-asang mas uunlad dito. Nagtapos siya ng Chemical Engineering sa isa sa pinaka-kilalang unibersidad sa bansa, ang UST o University of Sto. Tomas. Hindi nagging madali ang buhay nila sa China. Palaging sinasabi ng nanay niya na, mahalagang gawin niya ang buong makakaya niya at wag gaanong mag alala sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ayon sa kanya yan ang nakatulong para magpursigi siya at mas makatulog ng mahimbing sa gabi. Tin-edyer palang, alam na niya na ang pagnenegosyo ang gusto niyang pasukin. Sinimulan niyang pasukin ang pagnenegosyo noong edad 20 palang siya sa kanilang family business na Jolibee na hanggang sa ngayon eh namamayagpag pa din. Hindi yan agad nagsimula ng kasing dami ng mapagpipiliang menu sa Jolibee ngayon. Gaya ng ibang matagumpay na business man, malaking tulong sa kanya ang mga payo ni Manuel Lumba na isang eksperto sa mga multinational businesses. Nagsimula ang Jolibee sa isang simpleng ice cream parlor na nadagdagan ng fries at syempre, ang sikat na sikat na jolibee burger. Hanggang sa nakaisip sila ng mas ka-akit akit na pangalan at logo. Noong una, nag franchise siya sa Magnolia Ice Cream, isang Ice cream parlor na itinayo niya sa Cubao Quezon, City. Napansin niya na gusto ng mas nakakarami ng kahit anong mainit kaya nagka idea siya na idagdag ang konsepto ng hamburger. Nagsimula siya sa 5 tindahan . Hindi nagging madali ang karera na yon dahil noong taon din na sinimulan niya ang negosyo eh siyang pagdating naman sa bansa ng Mc Donalds. Pero gaya ng nakikita natin ngayon, talagang nag Boom ang business niya na may mahigit 756 na franchise store sa buong Pilipinas. Habang namamayagpag, ginamit niya ang kita niya para magisip at magtayo pa ng iba pang konsepto. Syempre ang Chicken Joy pa din at Hamburger ang numero unong nasa menu list. Hanggang sa nag boom ang mga kilalang fast food chains gaya ng Chowking, Mang Inasal, Burger King, Greenwich, Red Ribbon, at marami pang iba. Ngayon, meron na din nito sa ibang bansa.


Syempre, meron din siyang mga pagkakamali na nakatulong sa kanya na mas maging matatag. Kasama jan ang pagbagsak ng inaasahan nilang mas makikilalang business franchise store na Mary’s Chicken and Copenhagen ice cream. Pero hindi masyadong tinanggap ng masa ang konsepto nito sa kabila ng magastos na research para sa proyektong yan. Nabigo man eh hinding hindi siya sumuko at maganda ang resulta niyan. Isa siya sa Top50 richest men sa buon Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi niya makakalimutan ang aral na natutuhan niya mula sa nanay niya.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.