Balanse: Tamang Oras Para sa Lahat- Work life balance guide and tips

Zel Cotiw-an
is a freelancer in Italy

Balanse: Wastong Oras para sa Lahat


"Work, love and play are the great balance wheels of man's being."


- Orison Swett Marden -


Halos lahat ng mga Pilipino na umaalis sa Pilipinas ay magtatrabaho sa ibang bansa. Sila ay maaaring mga domestic helpers, engineers, nurses, architects o mga empleyado ng gobyerno. Pagdating sa bansang patutunguhan, wala na silang ibang inisip kundi magtrabaho at makapagpadala ng pera para sa pamilya sa Pilipinas. Minsan ay nakakaligtaan na nilang asikasuhin ang kanilang kalusugan at kapakanan. Ibahin natin si Annette.


Si Annette ay isang nurse mula sa Zamboanga. Nagtrabaho siya ng limang taon sa UP PGH bilang isang staff nurse sa isang Surgical Ward. Nakilala niya ang kanyang asawang si Walter, isang Italiano sa Pilipinas. Si Walter ay may iniindang karamdaman sa buto kaya hindi makapagtrabaho gaya ng normal. Tumatanggap siya ng basic assistance mula sa Italian government. Ngunit kahit ganito si Walter, napakabait naman at marespetong tao kaya minahal siya ni Annette. Hinikayat niya si Annette na sumama sa kanya at magtrabaho sa Italy. Pumayag naman si Annette. Tulad ng iba, nahirapan din siyang makapag adjust sa buhay sa ibang bansa. Ngunit salamat din sa tulong ni Walter, paunti-unti o piano piano ika nga nila, natutunan din niya ang wika at pamumuhay dito. Nag enrol din siya sa language school. Nagpursige siya at sa awa ng Diyos ay naipasa niya ang equivalency exam at local nursing association requirements dahil dito ay nakapagtrabaho rin siya sa isang ospital. Bawat sweldo niya ay kanyang ipinapadala sa pamilya niya sa Pilipinas ngunit nagtatabi siya paunti-unti para sa kanyang sarili at sa kanilang mag-asawa.


“I'm a greater believer in luck, and I find the harder I work the more I have of it” - Thomas Jefferson


Mula ng siya ay bata pa, pangarap na niya ang makapag-ikot sa buong mundo at matutunan ang iba't ibang mga kultura at tradisyon ng bawat bansa. Pagkatapos ng maraming panahong ginugol sa pagtatrabaho, unti-unti siyang nakapag-ipon para tuparin ang pangarap na iyon. Dito nagsimula ang kwento kung papaano, sa tamang pagpaplano at pagbabalanse, ay naikot ni Annette ang kalahati ng mundo habang tumutulong sa kanyang pamilya at sa ibang tao.


Una silang nakapag-ikot ni Walter sa mga bansa sa Europe. Kasama ang kanyang asawa, una silang pumunta sa France. Naikot nila ang Cannes, Antibes at Nice kung saan nila nabisita ang sikat na perfume factory na Fragonard. Pagkatapos ay dumiretso sila sa Monte Carlo, Monaco, isang mayaman at maliit na monarkiya sa Western Europe.


Pagkatapos ng ilang panahon, sumama naman silang mag-asawa sa isang cruise noong 2002. Inikot nila ang ilang bansa sa Europa at hilagang Africa. Una ay sa Istanbul,Turkey na kung saan namasdan niya ang Hagia Sofia o Blue Mosque kung tawagin. Natikman niya ang isa sa pinakapaborito niyang pagkain, ito ay ang lokum o Turkish Delight sa popular na tawag. Napanood rin nila ang tradisyunal na belly dance habang sila ay kumakain sa isang palasyo sa harap ng Strait of Bosporus. Pagkatapos sa Turkey, napuntahan nila ang Royal Residences sa Sweden, ang St. Petersburg sa Russia, Zurich sa Switzerland, Copenhagen sa Denmark, Tallinn sa Estonia,Finland, Santorini, Olympia at Mykonos sa Greece. Dumaan din sila sa Egypt at namangha sa Great Pyramids, Sphinx at Mosque Mohammad Ali sa Cairo. Naikot din nila ang Abu Simbel Temples sa Nubia, timog na parte ng Egypt at Valley of the Kings sa Luxor. Nag boating trip pa sila sa ilog nag Nile at nakabili pa sila ng isang papyrus na kung saan nakasulat ang kanilang pangalang mag-asawa. Nag walking tour din sila sa palengke ng Egypt. Naaalala rin niya habang sila ay nakasakay sa barko ay may isang Spanish performer na kumanta ng awiting 'Dahil sa Iyo' at inimbitahan pa siyang sumama sa kantahan.


Pagkatapos ng Egypt ay pumunta naman sila sa Morocco at naranasan ang buhay na malapit sa disyerto. Umikot sila sa Casablanca, Fez at iba pang parte. Sa Fez ay kumain sila ng authentic dish ng Morocco na kung tawagin ay couscous. Nakapasok din sila sa mga naggagandahang mosque, eskwelahan at iba pang mga istrukturang Islam. Napasyal nila ang UNESCO protected village kung saan gumagawa ng mga orihinal na leathers sa tradisyonal na pamamaraan ang mga Moroccans.


Pagkatapos ng kanilang masayang cruise sa Europe at Africa, pumunta naman siya sa US para bisitahin ang kanyang mga kapatid at kamag-anak noong 2006 at 2010. Namasdan niya ang kamangha manghang Statue of Liberty sa New York . Umikot siya sa Macy's, Grand Central Park, Rockefeller Center, United Nations Headquarters at sa site ng Twin Towers. Nasulyapan din niya any buhay Hollywood sa Los Angeles, California. Umikot sila sa Sta. Monica Beach,Concord, Napa Valley at sa Sedona, Arizona.


Nakabisita rin si Annette sa United Kingdom noong 2004, 2005, 2007 at 2008. Nakatapak rin siya sa Dublin sa Ireland. Pagkatapos ay bumalik sila sa France para bisitahin ang Paris lalo na ang Louvre Museum, Disneyland at ang sikat na Eiffel Tower. Naikot din nilang mag-asawa ang Spain at nasilayan ang Gaudi architecture sa Barcelona. Napanood pa nila ang tradisyonal na flamenco dance. Noong 2012 ay bumalik sila sa Spain at ang Seville naman ang kanilang inikot. Dito sila nagcelebrate ng kanilang anniversary. Namangha sila sa grandiyosong arkitektura ng lugar na pinaghalong Moorish, Roman at Modern. Noong 2009 naman ay pumunta sila sa Corfu, Greece, isang isola sa Ionian Sea.


Bukod sa mga bansa sa Europe, Africa at North America, hindi naman siya magpapahuling ikutin ang sarili niyang bansa. Napasyal na niya halos ang mga pinakamagagandang mga beaches sa Pilipinas mula sa Boracay, Cebu, Zamboanga, Davao at Palawan na kung saan ay nakapag pa picture pa siya sa aktor na si Derek Ramsey.


Sa Asya ay nakarating na rin siya sa Dubai at nasaksihan ang isa sa mga pagdiriwang doon. Nakita rin niya ang sikat na Burj al Arab building. Sa hinaharap, balak nilang mag asawang libutin naman ang mga Buddhist countries sa Southeast Asia gaya ng Cambodia at Vietnam.


Naikot man ni Annette halos kalahati ng mundo, hindi pa rin siya nakakalimot na tumulong sa kapwa. Napagtapos niya sa kolehiyo ang kanyang pamangkin at tinutulungan niya ang kanyang kapatid at pamilya nito. Siya rin ang nagpaayos sa bahay ng kanyang mga magulang sa Zamboanga. Paminsan minsan ay nagvovolunteer din siya sa mga missions na isinasagawa ng grupo ng kanyang mga kapwa nurses sa Italy. Aktibo siya sa simbahan at sekretarya rin ng isang organisasyong kinabibilangan ng mga Pilipino.


Kapag umuuwi sina Annette at Walter sa Pilipinas, pumupunta sila kasama ang kanyang pamilya sa isang orphanage at home for the disabled. Namimigay sila ng mga diapers at gatas. Bumibili rin sila ng mga produktong gawa ng mga bata at ipinapasalubong sa mga kaibigan sa Italy.


Sana ay magsilbing inspirasyon si Annette sa iba pang mga OFW na wala nang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba at wala nang panahon para sa sarili. Gaya ni Annette, nagtrabaho rin siya at tinulungan ang kanyang pamilya sa Pilipinas at ibang tao ngunit naglaan din siya ng panahon para sa sarili.


Ang buhay na kontento ay ang buhay na may tamang balanse. May panahon para sa sarili at may panahon rin para sa ibang tao gaya ni Annette. Sa kanyang mismong mga salita,


" Be humble. Fear the Lord .Follow your dream and work hard. Have a goal in life , enjoy the fruits of your labor, take care of your health.Encourage/share your talents to others. God has been good to me and my family and I am always grateful. He has never abandoned me in any obstacles that has come and will come in the future."



Before you start to write, determine who your target audience is and what do they want to know about. What will catch their attention or resonate with them? So try to make your post unique from other posts written on the same topic. Research other posts with the same topic. Don’t simply say what everybody else is saying. Add your mark by mixing it up and making your post stand out in some way. The perfect blog post will make your audience stop and think. It will conjure some sort of emotion and make readers talk amongst themselves. Skilled bloggers should remember to start with content first. What does that mean? You need to have something to say before any other part of the writing can begin. Write about something you are passionate about.

Make your post unique. Don’t simply say what everybody else is saying. Add your mark by mixing it up and making your post stand out in some way. The perfect blog post will make your audience stop and think. It will conjure some sort of emotion and make readers talk amongst themselves.

Some experts suggest that writers should dedicate 70 percent of their time into thinking and writing headlines, which is saying to place your effort into the most important piece. It’s easy to let headlines take the back seat in your writing process. Headlines can wind up as a quick afterthought, but really should be treated with a lot more thought, consideration and passion. As a matter of fact, your headline might be more compelling than the article itself.

Emphasize your value proposition, by explaining to visitors in the headlines why your blog is valuable. Your article headline will explain to readers why your article is worth reading.

After you finish writing, go back and optimize your post for search. Do not overthink and obsess over how many keywords to include. If there are opportunities to include keywords you are targeting, and it won't impact reader experience, do it. Just remember that if you can make your URL shorter and more keyword-friendly, do it.


Writing is really about achieving flow, so it might not be easy to shift back and forth between writing and other tasks. Share how you feel. It will take your readers to a deeper place and make it more engaging and empathetic to others.

About the author

Zel Cotiw-an

Profession: freelancer
Italy
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)