Blackjack: Paano manalo at maglaro? (Pano tumaas ang chance manalo), how to win, chances, odds

Belinda Salvacion
is a Nurse/ Entrepreneur in Hong Kong

Nilalaro ang Blackjack gamit ang baraha na may 52 cards, na may bilang ang bawat baraha. Depende kung ilang decks (set ng baraha na may 52 cards). Aside from Poker, Blackjack is the most popular gambling card game. Equally well known as Twenty-One, the rules are simple, the play is thrilling, and there is opportunity for high strategy. In fact, for the expert player who mathematically plays a perfect game and is able to count cards, the odds are sometimes in that player's favor to win.











Ang bawat baraha ay may bilang. Ang baraha na "2" hanggang "10" ay may parehas na bilang ng nakalagay sa baraha (face value), kaya't kapag 5 ang nakalagay sa baraha, 5 din ang bilang ng baraha. Ang King, Queen at Jack naman ay may bilang na 10 din (kaparehas ng 10 na . Ang ace o alas ay may bilang na 1 o 11. If you are new to casino table games, it can be a bit intimidating the first time that you sit down at a blackjack table. Everything seems to move so fast, and more importantly, everyone else sure seems to know what they are doing


Layuning/Objective ng laro/game: Ang layunin ng player ng larong blackjack ay para makakuha ng mas mataas na bilang ng baraha na hindi lalagpas ng 21 kaysa sa baraha ng dealer (casino). Samakatuwid, kapag 21 ang bilang ng baraha mo, pinakamataas na bilang na yan.


Sa umpisa ng laro, dalawang baraha ang ibibigay sa player. Mayroon naring dalawang baraha ang dealer, ngunit isang baraha plang ang ipapakita nito, at yung isa ay nakataob at hindi makikita. Maaari ka pang humingi ng card sa dealer kapag nabigay na ang unagn dalawang baraha, ngunit kapag lumagpas ka ng 21, talo ka o "bust"/"busted". Pagkatapos magdesisyon ang player kapag ok na ang baraha niya, tsaka magpapakita ang dealer ng kanyang pangalawang baraha at ikukumpara ito sa player kung sino mas mataas (pwera nalang kapag unang nag-bust ang player, at wala na itong chance na lumaban dahil talo na siya). Kapag nakakuha ka ng mas mataas na bilang, ibabayad sayo ng house/dealer ang tinaya mong halaga. Halimbawa, kapag P100 ang taya mo, P200 ang ibibigay sayo (P100 na taya + P100 na panalo).


Kapag naman nakakuha ka ng bilang na 21 (total, kapag in-add ang bilang ng dalawang baraha), 'blackjack' ang tawag dyan. Ang bayad sa Blackjack ay times *1.5 (multiply by 1.5). Halimbawa, kapag P100 ang taya mo, P150 ang panalo mo (o P250 ang babalik sayo ng dealer, kasama na ang puhunan/taya). Pero kapag parehas na 21 din ang dealer sa dalawang baraha, tabla lang kayo (tie) o tinatawag na "push".


Karaniwang nilalaro ang blackjack sa casino sa isang "arc-shaped" (parang arko ang hugis) na lamesa, kung saan mayroong 7 player ang nakaupo. Kailangan mo rin tignan ang minimum at maximum bet. Ito ay upang malaman kung magkano ang pinakamaliit na pwedeng itaya (minimum bet), at hanggang magkano ang pinakamataas naman ang pwede mong itaya (i-bet) kapag sineswerte ka (maximum bet).


Mayroong mga strategy o estratehiya ang mga players ng blackjack upang tumaas ang chance na manalo. Ito ay base sa kung anong gagawin ng player kapag nabigyan na siya ng dalawang baraha. Ang option mo bilang player ay:


1. Mag-"Hit" - ibig sabihin ay hingi ka pa ng isang baraha, para mas mataas pa ang iyong bilang. Pero kapag lumagpas ka sa 21, bust ka.


2. Stand o Stay - Ibig sabihin ay tama na at ok ka na sa bilang ng iyong baraha. Hindi ka na bibigyan ng dealer ng baraha, at kung anong total na bilang ng dalawa mong baraha, yun na ang final na ilalaban sa baraha ng dealer kapag nagpakita na siya ng baraha.


3. Double - ang ibig sabihin nito ay i-dodoble mo ang iyong taya, dahil malakas ang loob mo na mataas ang chance mo manalo dahil sa baraha mo at baraha ng dealer. (Halimbawa, kaapg P100 ang taya mo, maaari kang magdagdag ng P100 pa) Madalas na nagdo-double ang player kapag ang bilang ng unang dalawang baraha niya ay: 9, 10 o 11. (Pero madalas na pinapayagan lamang ng casino na mag-double kapag 10 o 11 ang bilang). Binabase din ng player kung mag-double siya kung ano ang baraha ng dealer. Kapag 4, 5 o 6 ang nakatihayang baraha (yung baraha na nakikita) ng dealer, tinatawag na may "busting cards" ang dealer, dahil mataas ang chance na ma-bust ang dealer kapag ganyan ang bilang ng unang dalawang baraha.


4. Split - Kapag may pares (pair) ang iyong unang dalawang baraha (halimbawa, parehas na ace ang baraha), maaaring i-split ang dalawang baraha upang maging dalawang magka-ibang "hands" ang hawak mo. Yun nga lang, dapat kang magdagdag ng taya mo. (Halimbawa, kapag P100 ang taya mo at ini-split mo ang baraha, magdadagdag ka ng P100 para sa isang ini-split na baraha). Madalas ginagawa ito kapag Ace o alas ang pares na baraha, dahil malaki ang chance mo na mag-blackjack kahit sa isa (kapag 10 o picture card ang nakuha)


5. Surrender - Nagbibigay din ang ibang casino/house ng option na mag-surrender. Ibig sabihin nito ay suko ka na at pakiramdam mo ay matatalo ka lang kapag ipinakita na ng dealer ang kanyang ikalawang baraha. Kalahati (o 50%) ang ibabalik sayo kapag nag-surrender ka ng baraha (Kaladalasan, hindi pwede mag-surrender kapag alas o ace ang baraha ng dealer). Makikita sa table sa ibaba kung ano ang magandang i-desisyon ng player depende sa baraha mo at baraha ng dealer. Sa kaliwa, makikita ang bilang ng unang dalawang baraha mo, at sa kanang/itaas naman ang unang baraha ng dealer. Ang mga naka-dilaw sa gitna ang guide sa mga dapat mong desisyon


Madalas din nilalaro sa mga casino ang larong "Pontoon" na kaparehas din sa Blackjack, ngunit may kaunting mga pagkakaiba. Halimbawa, sa pontoon, tinatanggal ang mga baraha na may 10 na bilang, kaya't mga picture cards (King, Queen at Jack) lang ang mga may bilang na 10.


Kapag sinunod mo itong mga stratehiya, hindi ibig sabihin na siguradong mananalo ka, ngunit tataas ang tsansa mong manalo. May iba pang mga stratehiya sa paglalaro tulad ng "card counting", ngunit hindi na epektibo ito ngayon, dahil karamihan sa mga casino ay gumagamit na ng "shuffling machine" (binabalasa ng machine ang mga cards, at binabalik kaagad sa machine pagkatapos ng bawat laro. (Hindi tulad sa shoe deck na pinapaubos ang para sa "shoe deck"). May mga kasabihan din sa mga sugarol tungkol sa sugal, tulad ng:


- Beginner's luck - o swerte mga bagong natuto maglaro ng isang game. (naniniwala ako dito, dahil panay panalo ko rin nung bago pa lang ako naglaro)


- Swerte ang buntis


- Malas sa pagibig, swerte sa sugal


A British variation is called "Pontoon", the name being probably a corruption of "Vingt-et-un". , a game of unknown origin. The first written reference is found in a book by the Spanish author Miguel de Cervantes. Cervantes was a gambler, from Novelas Ejemplares.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Saang casino ba sa manila maganda maglaro ng blackjack at magsugal?
Belinda Salvacion
is a Nurse/ Entrepreneur in Hong Kong
Maraming tao dati pumupunta sa mga Casino Filipino ng Pagcor (tulad sa airport, United Nations Ave., atbp). Pero simula nung binuksan ang Resorts World Manila at Solaire Resorts Casino Manila, karamihan ay pumupunta na doon dahil bago, maganda at may mga restaurant, bars at mga stores.

Mayroon ding Entertainment City (o Pagcor City) na ginagawa sa Manila Bay na parang Macao/Vegas-like casino and entertainment city. Sa ngayon, apat ang inaasahang casino na siguradong bubuksan dito:
Solaire Resorts & Casino Manila (Phase 1 opened March 2013, still more phases to open)
City of Dreams Manila (formerly known as Belle Grande, expected to open in June 2014)
Manila Bay Resorts (expected to open in 2015)
Resorts World Bayshore (expected to open in 2016)