Cancer ba ang Kulani? May nakapang Bukol sa Leeg

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahalaga na kapain ang leeg paminsan-minsan kung may kulani o bukol, dahil maaaring sintomas ito ng iilang sakit, kasama na ang cancer. Maaaring maka-kapa ng malambot na bukol sa kili-kili o leeg, na kasing laki ng patani o mas malaki pa.

Maaaring makita rin ang kulani sa may bandang likod ng tenga, lalo na kapag may impeksiyon sa bigig, tulad ng namamagang ngipin. Maaari rin itong sanhi ng pamamaga ng lalamunan. Pero maaaring dahil rin ito sa sipon, ubo o trangkaso o impeksiyon sa baga.
 
Kadalasan ang kulani ay indikasyon lamang na nilalabanan ng katawan ang impeksiyon, tulad ng virus at bacteria. Hindi ito mapanganib, kaya’t maaari ring kusang mawala nalang ang kulani, kapag ang sanhi lang naman pala nito ay hindi malubhang sakit.
 
Ngunit nakakabahala rin ito dahil maaaring lumaki o mamaga ang lymph nodes. At maging cancer. Halimbawa, isa sa pinaka-karaniwan na cancer ang lymphoma, na cancer sa lymph nodes, at isa sa sintomas nito ang kulani o namamagang lymph nodes. Kadalasang nakikita ito sa leeg at kili-kili. Ang lymphoma ay nangyayari kapag sobra ang pagdami ng white blood cells sa lymph nodes, kaya’t namamaga at nagiging kulani ito. Di pa natitiyak kung ano ang sanhi ng lymphoma, ngunit kadalasang nangyayari ito sa mga taong mahina o may sakit sa immune system.
 
Maaari ring sanhi ng kulani ang cancer sa dugo o leukemia. Nagkakaroon din ng sobrang pagdami ng white blood cells pag may leukemia.
 
Maaari ring indikasyon din ng kulani na may problema sa immune system tulad ng HIV, lupus o rheumatoid arthritis.
 
Depende sa dahilan ng kulani ang paggamot nito. Minsan kusang nawawala ang kulani at maaaring gumamit lang ng warm compress para mawala ito.
 
Ngunit kapag hindi nawawala ang kulani pagkaraan ng 2-4 na linggo, o patuloy itong lumalaki, mabuting magpatingin kaagad sa doktor. Pansinin din kung may lagnat o biglaang pagbawas ng timbang ng walang dahilan.
 
Para matukoy kung anong sanhi ng kulani, magtatanong muna ang iyong doctor tungkol sa iyong medical history at kakapain ang naturang kulani. Maaaring magkaroon na sila ng kutob kung ano ang sanhi ng iyong kulani base dito. Pero upang matiyak, madalas ring magmungkahi sila na kuhaan ang iyong dugo o blood sample para i-examine. Minsan kelangan din ng x-ray at ultrasound.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.