Chinese Horoscope 2022: Kapalaran ayon sa Chinese Zodiac sa Year of the Tiger

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang Chinese New Year sa taong 2022 ay simula sa February 1, 2022 hanggang January 21, 2023. Base ito sa lunar new year o sa pagikot ng buwan. Ang 2022 ay year of the Tiger.

Posibleng mas lamang ka, kung alam mo ang kultura at paniniwala ng iba, dahil maiintindihan mo kung paano makipagugnayan sa ibang tao. Halimbawa, mahalaga ang Chinese zodiac sa kultura ng mga Chinese. Maaaaring magkaroon ka ng kalamangan sa pakikipagusap o pakiki-sosyo sa Chinese kung may alam ka tungkol sa paniniwala nila.  
 
Narito ang mga prediksyon ng Chinese zodiac sa 2022, base sa taon ng iyong kapanangakan:
 
Rat – Maaaring pagaralan kung papatok ba ang pamumuhunan sa lupa, real estate o cryptocurrency, bago ito subukang pasukin. Sa mga may negosyo, maaaring lumago ang negosyo kung mag-hire ng madiskarteng empleyado.
 
Ox – Mabuti ang 2022 sa mga baka, dahil sa kanilang magandang pakipagugnayan sa ibang tao. Kaya’t kapag nakikipagugnayan sa mga malalaking kumpanya, ingatan na magpakita ng paggalang at magandang pakikisama.
 
Tiger – Kelangan pagaralan mabuti bago makipagsosyo sa iba sa 2022. Wag din aasa na huhulog lang ang grasya sa langit ng walang kahirap-hirap, kung hindi pagsisikapan. Makakatulong ang maingat sa paggastos at wais na pagbadyet sa pera.
 
Rabbit – Maaaring swertehin sa 2022 ang pagaasawa, pagbili ng bahay, o panganganak. Mabuti ring pagaralan ang pagtayo ng negosyo sa abroad o pakipagsosyo sa dayuhan.
 
Dragon – Makakaasa ang mga dragon na magkakaroon ng magandang ani kung magsisikap sila, kasama na rin ang mga nagtratrabaho sa kumpanya. Sa mga may negosyo naman, maayos ang kita at hindi malulugi kung may tiyaga.
 
Snake – Wag aasang yayaman ng biglaan. Pagaralan muna ang mga hakbang bago kumilos at magdesisyon. Dahil sa iyong kabutihan, maaaring may mabuting kapwa na tutulong s aiyo sa oras ng kagipitan.
 
Horse – Mataas ang tsansa na ma-promote ka sa trabaho, o tumaas ang sahod. Sa mga may negosyo, maaaring pagisipan na palawakin ang negosyo o magkaroon ng branch sa ibang bansa.
 
Goat – Sa 2022, maswerte daw ang mga goats na nasa sales o mga may binebenta. Tataas ang iyong kita, at mas madali ka raw makaalok ng kliyente. Ngunit ingatan ang pumasok sa negosyong di mo pinagaralan muna.
 
Monkey – Maganda daw ang 2022 para sa pagtayo ng negosyo, lalo na sa ibang bansa o may kinalaman sa mga dayuhan.  Iwasan lang magsugal sa negosyo at pagaralan muna ang bawat papasukang negosyo o pagkakitaan ng pera.
 
Rooster – Maaaring may mga mabubuting tao ang tutulong sa iyong negosyo, lalo na sa pagalok ng bagong kliyente. Sa mga may negosyo, mas mabuting magtabi ng pera sa oras ng pangangailangan. Iwasan ding gumastos sa mga di importante.
 
Dog – Maswerte daw sa pera ang mga ipinanganak sa year of the dog na nasa larangan ng sining, tulad ng design o music. Ngunit kelangan maging maingat na hindi gawing sugal ang pamumuhunan ng pera. Mas lalaki ang tsansa na lumago ang negosyo kung maghahanap ng mga makabagong paraan para makilala ang iyong negosyo.
 
Pig – Magkakaroon ng tsansang tumaas ang kita o sahod mo sa 2022. Kapag gustong mamuhunan sa negosyo, mas mabuting maliit lang muna ang ilabas na pera at unti unting paggastos, hanggang sa nakita mo nang pumapatok na ang iyong negosyo.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.