Covid o Trangkaso? Pinagkaiba ng Omicron sa simpleng ubo’t sipon

Medical Team
is a Medical expert in United States

Marami nagkaka-ubo, sipon, at lagnat ngayon. Dahil na rin daw sa panahon at klima. Nagkakaubusan na nga rin mga gamot, pero ang iba ay matagal ng may sakit at di pa gumagaling. Pero ano ba bibilin mo na gamot, kung di mo naman alam kung ano sakit mo o may covid ka ba, omicron o trangkaso?

May mga sintomas kasi ang Covid, lalo na ang omicron, na kaparehas ng trangkaso.  Kahit sa simpleng ubo’t sipon, ay kaparehas din ng sintomas ng omicron. Ngunit mayroon ding mga natatanging pagkakaiba ito. Importanteng matukoy itong pagkakaiba, upang mabigyan ng naaayon na gamot at para maiwasan rin mahawaan ang ating mahal sa buhay.
 
Para maliwanagan, narito ang mga natatanging signs ng Omicron na nakakabukod sa trangkaso’t ubo lang:
1.     Unang una, nariyan syempre ang ubo’t sipon. Ngunit kapag mayroon ka ring sore throat o pananakit ng lalamunan, unang senyales na yan na maaaring mayroon kang Omicron.
2.     Pangalawa, kadalasang may kasamang pananakit ng ulo at lagnat ang sintomas ng omicron.
3.     Matutukoy mo rin na di lang simpleng ubo’t sipon lang nararanasan mo, kapag may kasamang pananakit ng kalamnan ang iyong nararamdaman. Ito ang isang natatanging sign ng pagkaroon ng Omicron.
4.     Isang pang natatanging sintomas ng Omicron ay ang pagpawis ng marami sa gabi. Yung tipong kahit malamig naman panahon, pero nagising ka sa gabi habang natutulog na basing basa ang damit mo sa pawis.
 
Banayad daw ang sintomas ng Omicron kesa sa Delta variant, ngunit base lamang ito sa mga unang research at datos. At ang nakakabahala ay mabilis daw makahawa ang Omicron, kumpara sa delta at ibang variant ng covid.
 
Pinaka-mabuti pa rin ang magpa-covid test upang malaman kung positive o hinde. May mga free testing sa ibang lugar. Ngunit kung hindi ka makapag-test sa anong kadahilanan, ang mga senyales na nabanggit ay makakapagbigay ng unang signs na ikaw ay positibo sa covid o Omicron.
 
Kapag nakaramdam  nitong mga sintomas, mabuting wag muna lumabas ng bahay at iwasan ding dumikit sa mga kasama sa bahay. Ihiwalay din ang iyong kutsara’t tinidor at plato sa mga kasamahan mo sa bahay, at maaaring magsuot ng face mask o takpan ang bunganga kapag umuuubo. Palagi ring maghugas ng kamay. Magpahinga at uminom ng maraming tubig.  

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.