Epekto ng Kulang sa Dilig o Tigang

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maraming mga mag-asawa ang bihira nalang magsiping o magcontact, dahil siguro sa abala o pagod madalas. Ngunit base sa siyensiya, may epekto raw sa katawan kapag napapadalang ang pakikipagcontact.
 
Bago ang lahat, kelangan muna idiin na para lang ito sa mga taong may iisang karelasyon, tulad ng magasawa. Dahil madaling magkasakit o mahawaan ng STD, kung sino-sino ang ka-contact.
 
Sa mga may iisang pirming karelasyon, narito mga epekto ng kulang sa dilig sa katawan:
 
1.     Maaaring mas mahina ang resistensya o immune system – Base sa isang pagaaral ng mga dalubhasa sa Wilkes University sa America, mas matibay raw ang resistensiya ng mga taong nag-ko-contact ng mga 1-2 beses isang linggo.  Dahil ang pagsiping ay nakakataas ng paggawa ng antibody Immunoglobulin A sa katawan(naputol yung wan sa huli ng audio), na lumalaban sa impeksiyon. Ngunit mahalagang liwanagin na di na epektibo ito pag lumagpas ng dalawang beses sa isang linggo ang pagcontact, dahil maaaring maging mas maselan sa impeksiyon pag napasobra.
 
2.     Maaaring mas maselan sa atake sa puso -  Base sa saliksik ng mga doktor sa United Kingdom, ang mga lalakeng nakikipagtalik ng mga 2-3 beses isang buwan ay may mas mababang tsansang magka-heart attack kumpara sa mga di nakikipag-contact. Sa pagaaral na ito noong 1980s ininterview ang mga kulang-kulang na isang libong lalake tungkol sa kung gaano kadalas sila makipagcontact. At pagkalipas ng 20 taon ay tinanong ulit sila upang maiugnay kung may koneksyon ba ang dalas nilang magpalabas sa tsansang magkaroon ng sakit sa puso. Napagalaman na mas mababa ang tsansang magka-coronary heart disease ang mga taong nakikipagcontact ng mga 2-3 beses kada buwan, kaysa sa mga lalakeng mas madalang makipag-contact.
 
 
3.     Mas mabilis magka-prostate cancer ang lalake – Base sa pagaaaral ng mga doktor sa Amerika, maaaring matulungan maiwasan ang prostate cancer sa mga lalake ang dalas makipagcontact o magpalabas. Napagalaman na ang mga lalakeng mas madalas magpalabas ay may mas mababang tsansang magka-prostate cancer pagkalipas ng 10 taon.    
4.     Maaaring tumaas ang blood pressure – Base sa pagaaral ng mga doktor sa Michigan State University sa Amerika noong 2016, ang mataas na testosterone level ay maaaring makababa ng blood pressure. Kaya’t maaaring may koneksyon ang pakikipag-contact sa pagpababa ng blood pressure, dahil ang testosterone ay isang hormone o kemikal sa ating katawan na tumataas kapag nakikipag-siping.
 
Babala: Ang pagkakaroon ng pagsisiping sa iba’t iba at kung sino-sinong partner ay nakakataas ng tsansang magkasakit, tulad ng STD.
Mas mabuting limitahan ng mga 3 beses sa isang buwan makipag-contact, dahil maaaring tumaas rin ang tsansang magka-sakit sa puso kapag napasobra.
 
 
Sources:
Charnetski, C. J., & Brennan, F. X. (2004). Sexual frequency and salivary immunoglobulin A (IgA). Psychological reports, 94(3 P.T. 1), 839–844. https://doi.org/10.2466/pr0.94.3.839-844
 
Ebrahim, S., May, M., Ben Shlomo, Y., McCarron, P., Frankel, S., Yarnell, J., & Davey Smith, G. (2002). Sexual intercourse and risk of ischaemic stroke and coronary heart disease: the Caerphilly study. Journal of epidemiology and community health, 56(2), 99–102. https://doi.org/10.1136/jech.56.2.99
 
Liu, H., Waite, L. J., Shen, S., & Wang, D. H. (2016). Is Sex Good for Your Health? A National Study on Partnered Sexuality and Cardiovascular Risk among Older Men and Women. Journal of health and social behavior, 57(3), 276–296. https://doi.org/10.1177/0022146516661597
 
 
Rider, J. R., Wilson, K. M., Sinnott, J. A., Kelly, R. S., Mucci, L. A., & Giovannucci, E. L. (2016). Ejaculation Frequency and Risk of Prostate Cancer: Updated Results with an Additional Decade of Follow-up. European urology, 70(6), 974–982. https://doi.org/10.1016/j.eururo.2016.03.027

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.