Ang mga Kinakailangan mong Malaman bilang isang Negosyante (Ikalawang Bahagi)

Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines

Ang iba pa sa kinakailangan mong malaman upang maging isang matagumpay na negosyante ay ang mga sumusunod:


5. Kinakailangan mong matutunang kontrolin ang iyong mga Kliyente


Sa pagsisimula ng negosyo ay madalas ang mga negosyante ay uhaw na uhaw sa mga kliyente o customers. Madalas nga ay binibigay nito ang lahat ng kagustuhan ng kliyente, na kung minsan ay sobra sobra na at nagdudulot pa ng hindi pagkita ng negosyo.


Image Source: http://blog.plaxo.com/2012/04/how-to-impress-your-clients/


Tama ka, kinakailangan mong i-please ang iyong mga kliyente pero bilang isang negosyante ay kinakailangan mo ring matutunan na kontrolin ang iyong mga kliyente. Gaya na lamang sa service sector, kung ang iyong business ay ang paggawa ng website para sa isang kliyente, nararapat na marunong kang makipag-usap sa iyong customer at matutong magsabi ng “No” kung ito ay hindi akma sa napagkasunduan at sa presyo ng iyong ibinibentang serbisyo. Nararapat na mabilis kang magkwenta ng iyong kikitain habang kinakausap mo ang iyong kliyente upang mapanatili ang income potential ng iyong negosyo.


6. Kinakailangan mong isapuso ang customer service dahil ito ang mukha ng iyong negosyo


Ang customers ang nakakapagbigay ng buhay sa iyong negosyo. Sila ang susi mo upang mapataas ang iyong sales o revenue na makakasuporta sa paglago ng iyong negosyo. Kung wala kang customers ay paniguradong madaling babagsak ang iyong itinayong negosyo.


Bilang isang negosyante, kinakailangan mong matutunang makihalubilo ng maayos sa iyong mga kliyente. Nararapat din na hindi lamang ito nakikita sa iyo kundi pati na rin sa iyong mga tauhan. Ayon nga sa isang business survey, mas madaling kumalat ang balitang pangit ang iyong serbisyo sa customers kung ikukumpara sa magandang pagtrato sa iyong customers. Ang ibig sabihin nito ay kung ang hangarin mo ay mapanatili ang magandang imahe ng iyong negosyo, kinakailangan mong pag-ibayuhin o pag-igtingin ang magandang pagtrato sa iyong mga kliyente.


Ang konseptong ito ay napakahalaga lalong-lalo na sa mga bagong tayong negosyo dahil unti pa lamang ang iyong mga kliyente at upang mapanatili ang mga ito ay kinakailangan mo silang tratuhin ng maayos.


7. Dapat mong matutunang mahalin ang Rejection


Naranasan ko noon ang magbenta sa mga kliyenteng banyaga kaya’t alam na alam ko kung papaano maranasan ang rejection. Hindi ko makakalimutan ang isa kong kakilala na takot na takot magbenta at mag-alok ng mga negosyo sa mga hindi nya kakilala. Tinanong ko sya kung bakit ganon, at ang sagot nya ay hindi nya talaga kaya ang magbenta.


Napakahalagang malaman ng bawat negosyante ang salitang rejection. Ito ay dahil sa mundong ito, hindi maiaalis na may mga taong hindi ka gusto. Sa larangan ng negosyo lalong-lalo na sa sales, mahalagang matutunan mong mahalin ang rejection upang mas lalong lumago ang iyong revenue.


Sa aking experience sa sales, kapag ang kliyente ay ayaw ang iyong produkto, kinakailangan mo lamang alamin kung bakit ayaw nya ito. Nararapat na mabilis kang mag-isip at maikonekta ang iyong produkto sa kanyang sinasabing dahilan ng pag-ayaw nya rito upang sa gayo’y madali kang makapagbigay ng kadahilanan upang mapabili sya at magbago ang kanyang pag-iisip.


Kinakailangan mong mahalin ang rejection upang mapataas ang iyong client base at mapatatag ang iyong negosyo. Masasabi kong ang selling ay isang art na matututunan mong mabuti kung ikaw ay magususumikap sa paghahanap ng kliyente at pakikihalubilo sa mga taong hindi mo kakilala.


8. Ang Failures ay makakabuti para sa iyo.


Sa pagpapatakbo ng negosyo, ay kinakailangan mong malaman na hindi sa lahat ng oras ay puro ginhawa ang iyong mararanasan. May mga pagkakataon na hindi ka magiging matagumpay sa iyong ginawang desisyon at kung minsan ay magdudulot pa ito ng iyong pagkalugi.


Subalit, ang mga failures na ito ay may magandang maidudulot sa iyo. Sa pamamagitan nito ay mas magiging matalino ka sa paggawa ng mga desisyon at mas mapapatakbo mo ng mas maayos ang iyong napiling negosyo. Maaaring ang iyong pinaka-mithiin sa pagtayo ng negosyo ang yumaman mula rito, ngunit kinakailangan matutunan mo ring mapagtagumpayang ang mga problema at masalimuot na pangyayari na mararanasan mo sa araw-araw na operasyon ng iyong negosyo.


Nararapat na matutunan mong ma-resolve ang mga problema sa pang-araw-araw upang maabot ang iyong mithiing magtagumpay sa negosyo. Ika nga sa isang famous quote, “You may lose the battle, but you can never lose the war.”


Bilang isang negosyante, matuto ka sa mga failures at matutunang harapin ito. Dahil ito ang kukumpletong sangkap sa pagtatagumpay mo sa larangan ng pagnenegosyo.

Entrepreneurs will often have amazing business ideas, but they put them on hold due to a lack of capital. They assume that their idea will never get far off the ground unless they have major funding behind them. If you’re thinking of starting a business, you first need to come up with a realistic idea you can turn into a product or service.

Make sure that you build your business around your skills and knowledge. Your friends and family members can help you spread the word, and past business contacts can introduce your brand to their professional contacts as well. When you start a business, there’ll usually be a period when you’re investing lots of time, effort and money before you start making a profit. Before you do this, it’s important to research your market to make sure your customers will really pay for your product or service.

You may have the best business plan in the world, but without customers, your business is nothing. Create a thoughtful customer-acquisition plan and marketing strategy and be prepared to explain it to investors, partners and stakeholders, as this will undoubtedly be the first questions they ask.

Don't be afraid to fail. When you have an idea, figure out the pieces you need quickly, go to market, believe in it, and continue to iterate. If you need more investment, you might be able to raise money to fund your growth plan by selling shares in your business. You can do this by getting friends and family to invest.

Have some written recollection that you are partners, who's responsible for what, and how much money each of you put in.

Ask yourself what people are required to make it work for this idea, for this business?" Eighty percent of start-ups fail because the founders get bored, discouraged, or something else, and they move on to other things, not because of some catastrophe.


Spend a lot of time boiling down what their business is, what it does, and what it represents. If you nail down a 2-5 minute summary that will pay a lot of dividends throughout the life of your business. Do what you know… and love! It will resonate with your customers, employees, and potential investors. And make all the hard work worthwhile. Test it with them and get feedback. Find out what they’d be willing to pay for it. Try out different prices with different customers in a consistent, realistic way to see what people will really pay. Can you make enough money for a return on your investment?


About the author

Almario Jr Mendoza

Currently working in one of the biggest Investment Banks in the world. Has extensive experience in accounting, finance, and investments ranging from Bonds, Money Market, and the Stock Market. A member of Philippine Institute of Certified Public Accountants. A graduate of Ateneo Graduate School of Business and University of Santo Tomas.
Profession: Certified Public Accountant & Certified Securities Specialist (Philippine Stock Exchange)
Philippines , Metro Manila , Taguig City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.