Kamakailan lamang ay napabalita ang magandang performance ng Philippine Stock Market na pumalo na sa 7,300 level nitong buwan ng Mayo. Ito na ang pinakamataas na level na naabot ng stock market sa buong kasaysayan nito na nagpapahiwatig ng magandang performance ng mga kumpanya sa bansa.
Bukod rito ay kaliwa’t kanan din ang mga balita tungkol sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas na ngayo’y ikinokonsiderang isa sa may pinakamabilis na economic growth rate hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong mundo.
Subalit, hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi na-eengayong mag invest sa stock market dahil sa kawalan ng kaalaman dito. Isa pa sa mga idinadahilan ay ang konsepto na ito’y para lamang sa mga mayayaman at ang negatibong konsepto rito ng sugal.
Ngunit ano nga ba ang stock? Magkano ang minimum na capital para makapag umpisa rito? Magkano ba ang posibleng kitain ko dito? Ano ba ang benepisyong makukuha ko dito kung ikukumpara sa pag-deposit ko ng pera sa bangko?
Ano ang stock?
Ang stock ay isang pamamaraan ng mga kumpanya upang makakalap ng pera para sa mga gastusin at proyekto nila gaya ng expansion, pagbili ng mga bagong equipments, at iba pa para sa hangaring ikalalago ng kanilang kita.
Ito’y ipinagbibili ng kumpanya sa mga investors at bilang kabayaran sa perang nakalap nila ay binibigyan nila ng karapatan ang mga ito sa pagmamay-ari ng kumpanya kabilang na sa mga assets at kita nito.
Ano ba ang benepisyong makukuha ko dito at ano ang kaibahan nito sa iba pang uri ng investments?
Ang kagandahan ng stocks ay maaaring kumita ang iyong ininvest na pera ng hanggang 50% sa loob lamang ng isang araw (depende sa performance ng kumpanya) kung ikukumpara sa pag deposito ng iyong pera sa bangko na kalimita’y nagbibigay lamang ng maliit na interest mula 1% hanggang 4% kada taon.
Bukod rito ay maaari ka pang makatanggap ng dividend na nagsisilbing parte mo sa kinita ng kumpanya. Kalimitan nila itong binibigay annually (isang beses sa isang taon) o quarterly (apat na beses sa isang taon) at maaaring sa pamamagitan ng Cash, Property, o isang klase pa ng stocks.
Sa pamamagitan din ng stocks ay kalimitang magtataglay ka ng tinatawag na voting rights o karapatan sa pagboto hinggil sa mga polisiya ng kumpanya at sa pagpili ng mga board of directors na mangangasiwa sa kumpanya. Dahil dito, nagsisilbi kang isang “part-owner” at kasama kang makikinabang sa paglago ng kita ng kumpanya.
Magkano ba ang Minimum Capital para makapag-umpisa sa stocks?
Maari ka nang makapagsimulang mag-invest sa stocks sa halagang P5,000 lamang sa mga online brokerage companies gaya ng COL Financial (Citiseconline) para sa kanilang Easy Investment Program. Isa pang kilalang option ay ang BPI Trade na maaari mong i-link sa iyong BPI savings o checking account.
Kaya’t sa ating mga kababayang OFW’s, hinihikayat ko po kayong mag-invest sa stocks. Makakatulong ka na sa paglago ng ating ekonomiya, maaari ka pang kumita ng malaki.
Antabayanan ang mga susunod ko pang mga articles hinggil sa stock market investments, iba pang uri ng mga investments, at kung papaano mo pa mapapalago ang iyong pinaghirapang salapi.
History has proven that investing in quality stocks can provide greater returns than most investment instruments. This offers an ordinary Pinoy investor, overseas Filipino worker the best chance in achieving financial goals and gives you the ability to later enjoy the benefits of their money.
Nevertheless, making money in the stock market (equities) is not easy. It not only requires a lot of patience and discipline, but also a great amount of research and a good understanding of the market, among others. Remember that you should always avoid following the crowd if you don't want to lose your hard-earned money in stock markets. The world's greatest investor Warren Buffett was wise when he said, 'Be fearful when others are greedy, and be greedy when others are fearful.' Don’t try to time the market. Catching the tops and bottoms is a myth. More people have lost far more money than people who have made money. A lot of investors lose money in stock markets because of their inability to control emotions, particularly fear and greed. Greed increases when investors read stories of huge returns being made in the stock market in a quick time. In a bear market, on the other hand, investors panic and sell their shares at rock-bottom prices. Thus, fear and greed are the emotions that should be avoided when investing, and investors should not to be guided by them. Also, invest only your surplus funds.
As a Shareholder, a person can participate in the company's growth and success through stock Price Appreciation and by earnings Dividends. Capital or price appreciation is an increase in the market price of your stock over time brought about by an increase in its potential value and the demand to buy its shares. The faster a company can grow, the faster its price can appreciate. Profitable corporations can also issue dividends, whether in cash or in additional shares of stock as a means for shareholders to share in their distributed profits. You should also treat investing in the stock market as a business. That means understanding your own profit and loss as well as the companies in which investments are made. For example, before investing in a company ask yourself, "Does the company’s product or services improving, growing better than its competitors?"