Forced Eviction of Tenant in An Agricultural Land

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nais ko lamang pong idulog ang kinakaharap ng aming pamilya tungkol sa lupang sinasaka ng aking Ama. Ang akin pong lolo ay tennant ng isang malawak na lupain. May ipinamana siyang 1 ektaryang lupa sa isa niyang anak (Tita ko po). Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ninais ng Tita ko na umalis at ibenta ang karapatan niya bilang tennant. Dahil ayaw ng lolo ko mapunta sa iba ay ibinenta nila ang karapatan na un sa aking Ama. Nakaharap din po ng aking Ama ang tunay na may ari ng lupa at maluwag sa kaloobang tinanggap ang aking Ama bilang tennant. Sa loob po ng mahigit 25 na taon ay nagbubuwis kame sa may ari ng lupa ng napag-usapang halaga pagkatapos ng anihan. Patay na po ngayon yung may ari ng lupa pero yung buwis po na binibigay namen ay iniaabot sa katiwala ng anak ng namatay na may ari ng lupa. Wala pong mintis ang aming pagbubuwis. At mula nung sa katiwala nalang kame nagbibigay ay nagpapapirma na rin po kame ng papel na natanggap nila ang aming buwis. Nakasulat din po ang pangalan ng aking AMA sa NIA na siya ang nagbabayad ng para sa irigasyon. Sa tingin ko po un lang ang papel na nagpapatunay na kame ang tennant. Bukod po sa nakausap ng aking ama ang orihinal na may ari na yumao na. Ngayon po, yung Apo po ng orihinal na may ari ng lupa ay ninanais nang ibenta ang lupa at kami ay pinapaalis. Nais ko lang po malaman ano ang mga karapatan namen. Namapahal na po sa amin ang lupa at ayaw nameng umalis. May kaunti po kaming ipon at nagbabakasakaling mabili namen ang lupa pero ayaw nilang sabihin ang presyo ng lupa. Hindi po namen alam kung ipinamana na sakanya nung anak ng orihinal na may ari ang lupa kaya malakas po ang loob niyang paalisin kame. Sana po ay matulungan niyo kame. Maraming salamat po. -Jess

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang pagiging tenant po ninyo na ay nakarehistro sa Municipal Agrarian Reform Office ng inyong municipyo? Importante kasi yon para sa inyong proteksyon. Maari din namang maestablish ang inyong pagiging tenant base sa mga ebidensyang sinasabi mo na nagbabayad kayo ng buwis. Bilang tenant may karapatan kayong kausapin ang mag ari na kayo nalang bibili sa lupa kung makakaya ninyo ang presyo na i offer nila. Kung hindi sila papayag pwede naman ninyong kausapin na bigyan nalang kayo ng halaga bilang consideration sa tagal ninyong pagiging tenant. Kung talagang ayaw at paalisin kayo maari kayong humingi ng tulong sa Municipal Agrarian Reform Office ng inyong Municipyo kung saan ang nasabing lupa ay matatagpuan. May mga lawyer sila na magbibigay advice kung ano ang dapat ninyong gawin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po sa inyong sagot.

May schedule na po kame sa MARO at nawa'y maging maayos ang pagpupulong.

Tanong ko lang po. Kung sakali pong sobrang mahal ng presyo nila sa lupa at hindi namen kayang bilhin, at gustuhin nameng manatiling tennant, pwede po bang manatili nalang kameng tennant? Sa pagkakaalam ko po wala kameng nilalabag o naging pagkukulang bilang isang tennant.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maaring i offer ninyo yan sa buyer ng lupa if ever hindi ninyo kayang bilhin ito dahil after all may karapatan naman kayong mamili. Ang lahat ng yan ay mapapag usapan naman.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.