Gamot ba ang Alak? Bitamina ba ang Alcohol sa katawan? Kelangan ba ng katawan ng alak?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Malakas ang epekto ng alak sa ating isip at mood. Nababawasan ang pagkamahiyain at pagka walang imik. Natatanggal din ang self-inhibition o pagka-ilang na pansinin ng iba ang iyong galaw at salita.  Ngunit ano ang epekto nito sa kalusugan ng ating katawan?

Base sa mga pagaaaral, maaaring may benepisyo ang katamtaman na paginom ng alak. Halimbawa:
-       Posibleng nakakababa ng tsansa na magkaroon ng sakit sa puso
-       Maaaring makababa ng tsansa magka-stroke
-       Maaaring makababa ng tsansang magka-diabetes
-       Pansamantalang nababawasan ang stress at pagalala
 
Ano ang ibig sabihin ng ‘katamtaman’ na paginom o moderate drinking? Ayon sa mga doctor, ang kahulugan ng katamtaman o moderate drinking ay ang ligtas na antas ng paginom ng alak. Ito ay nangangahulugan ng isang alak sa babae at 2 alak sa lalake sa bawat araw. Pero, teka: Ano naman ibig sabihin ng ‘1 alak’? Gaano karami ito? Ang ibig sabihin ng 1 alak ay:
-       1 bote para sa beer
-       1 tagay o shot ng hard (mga kulang kulang ng ¼ baso)
-       Mga kalahating baso sa wine
 
Ngunit, ayon din sa mga pagaaral ng mga eksperto, di rin gaano kalaki ang benepisyo ng paginom ng alak, kung meron man. At di rin ito naaangkop sa lahat. Kaya’t sa mga hindi umiinom talaga, mas mabuting iwasan na lang ang alak, at mas nakakatulong pa rin ang pagehersisyo at pagkain ng tama para sa kalusugan. Sa mga umiinom naman na talaga, pagka-ingatan lang na wag sumobra at katamtaman lamang ang paginom. Masama rin ang minsanang paginom ng alak, pero marami naman ininom. Halimbawa, may iba na isang beses lang sa isang linggo uminom ng alak, ngunit sobra sobra naman ang paginom o tinatawag na binge drinking. Mas nakakasama pa raw ito sa katawan, dahil napwepwersa ang katawan na sunugin o iproseso ang alak sa katawan. Mas mabuti pa raw na uminom na lang ng kaunti, kahit mas madalas.
 
Babala: Anumang benepisyo ng alak ay maaaring maliit lamang. Sa ibang tao, mas nakakabuti sa kanilang kalusugan kung umiwas sa alak.
Ngunit kapag ikaw ay malusog at kaunti lamang kung uminom, maaaring uminom, basta’t nasa katamtaman lamang.
Iwasan din ang alak kapag may sakit, o may iniinom na gamot o kapag buntis.
Tandaan: Kapag di ka umiinom ng alak, wag nang bumalak na uminom dahil lang sa palagay mo na baka maaari itong makabuti sa iyong kalusugan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.